CHAPTER 11

2.1K 39 0
                                        

Avery:

Lutang ako dahil sa lahat ng aking nalaman. Dahil sa mga nalaman ko mas lalo akong nanghina, at nagalit. Galit na galit ako kay papa.

Bumangon na ako sa kama dahil nga gusto ni Max na ihatid ko pa siya sa Airport. Mas lalo akong nanlumo dahil aalis si Max.

Tiningnan ko ang orasan na nakasabit sa dingding, masyado pa palang maaga. 3:12 in the morning.

8:00 ang flight ni Max papuntang Spain mamaya.

I heaved a sigh. Lumabas ako ng kwarto at nagtungo sa veranda. Napapikit ako ng mariin, malamig, napakatahimik, at malungkot. I tear fall from my eyes, di ko mapigilang mapahikbi. Masyado akong naapektuhan, masyado akong nasasaktan, masyado akong nanghihina.

Napatingala ako sa malawak na kalangitan wala ni isang bituin na kumikinang sa madilim na kalangitan.

Napahawak ako sa aking dibdib di ako makahinga sumasakit ang puso ko.

Bakit ba nangyayari sa akin ito? Pinaparusahan yata ako neto.

Kahit masakit kaya kong tiisin dahil sa aking ina. Ayokong nadadamay si mama sa mga ganito, gagawin ko ang lahat para kay mama.

Kung kailangan magpakatatag ako ay gagawin ko.

Nagulat ako nang tumunog ang aking cellphone. Agad ko itong dinampot. Si Max.

"H-hello" sagot ko.

"Babe, are you crying? Sana di ko na lang sinabi iyon" mahina niyang saad.

Suminghot ako dahil naiiyak na naman ako.

"Okay lang ako babe, masyado lang siguro akong nag-iisip. Don't worry about me, ayos lang talaga ako" I assured him.

I heard him sighed.

"Babe listen, alam mo namang ayokong naglilihim sayo eh, kaya expect talaga na sasabihin ko sayo lahat" sabi nito.

I smiled. Max definitely changed.

"Of course babe" sagot ko.

"Babe God I cannot imagine me without you in my side for 3 weeks, damn. Baka may umaaligid na sayo ah, just tell me at ako mismo ang magpapasabog sa mga bungo nila" napasimangot agad ako sa sinabi niya.

Ito talaga kahit kailan.

"Ikaw talaga Max ang brutal mo" nakasimangot kong saad.

"Wag kang sumimangot diyan, hahalikan kita eh" natatawa nitong saad.

"Ewan ko sayo, sige na ibababa ko na-" sabi ko.

"Don't you dare bubulabugin talaga kita diyan ngayon" nagulat naman ako sa sinabi niya.

"Max naman eh" reklamo ko.

"Babe I love pulling jokes on you" napairap naman aoo sa sinabi niya.

"Max warning ka na sa akin ah, di na ko natutuwa" kunyari galit kong saad.

"Damn! Don't be mad baby, I'm just joking here. Why so serious? I love you so much" napangiti naman ako sa sinabi niya.

"Tsk ewan ko sayo" galit-galitan kong saad.

"Babe naman eh, puntahan kita ngayon dyan eh" nanlaki naman ang mga mata ko sa sinabi niya.

"Nagbibiro lang ako babe, wag kanang pumunta dito napakaaga pa. Masyadong delikado. Dyan ka na lang I love you so much baby" panlalambing ko dito.

"Tsk pasalamat ka mahal kita" sabi niya na nagpapula sa aking mukha.

Mahal na mahal ko nga ang taong ito.

__________

Third Person:

Galit na galit ang mukha ni Avelard habang naka tingin kay Tres at Dosidio.

"Ano ang putanginang Maximus na iyon pa ang kinakampihan nito?" nagagalaitang tugon ni Avelard sa dalawang kaibigan ni Maximus na si Tres Montes at Dosidio Morgan.

Agad namang niluwagan ni Tres ang necktie niya. Nag-liliyab din ang mga mata nito.

"Bakit tito? Dapat lang kay Thorn yang dinanas niya dahil nga si Maximus ang binangga niya" galit na tugon ni Dosidio kay Avelard.

Napatawa naman ng mapakla si Avelard. Linapitan niya si Dosidio at akmang susuntukin nang mahawakan ni Dosidio ang kamay ng matanda.

"Wag ka sa akin tito, nanununtok ako ng mga matatandang walang modo. I'm a mafia remember" sabi ni Dosidio habang malakas na binalibag ang kamay ni Avelard na mas lalong nagpagalit sa lalaki.

"Stop the fight, wala na tayong magagawa dahil nangyari na ito. Pero tito dapat kang kabahan dahil pag nalaman ni Max ang pinaplano mo, di lang kompanya mo ang malalagot. Pati na ang buhay niyong mag-ama" seryosong saad ni Tres.

Agad dinuro ni Avelard ang dalawang binata.

"Ito ang tatandaan niyo, pagnagising si Thorn humanda kayong lahat. At ako masisindak sa punyetang Maximus na iyon? Nagkakamali kayo. Siya ang dapat matakot dahil anak ko ang sinaktan niya" sabi nito habang nagpupuyos sa galit ang mukha.

Sarkastiko namang napatawa si Tres.

"Let's just see tito, dahil hindi lang basta demonyo ang kinakalaban mo, di lang basta demonyo si Max. Di iyon nauubusan ng masamang plano sa katawan. Get yourself ready tito" sabi ni Tres na agad umalis.

Sumunod naman si Dosidio habang napapailing.

Agad binasag ni Avelard ang baso na nasa kanyang tabi.

Sisigaw sana siya nang tumunog ang kanyang mamahaling cellphone.

Nangunot ang noo niya nang makita ang unregistered number na tumawag.

Agad niya itong sinagot.

"Who's this?" mabagsik niyang tanong.

"Avelard Ledesma, it's me" cold na saad ng nasa kabilang linya.

Lumukob na naman ang galit sa puso niya.

"Hayop ka Max, ang lakas ng loob mong tumawag matapos mong barilin ang anak ko" sigaw nito.

"Tsk! Ang hina pala talaga ng anak mo, dalawang baril lang ang tumama sa katawan pero halos magtataon na sa ospital" natatawang saad ni Max.

"Punyeta ka Max wag na wag kang magpapakita sa akin dahil ako mismo ang magbabalat sayo ng buhay"sigaw ulit nito.

" Okay kung kaya mo, wag ka ng mag-aksaya ng panahon na magtago dahil kahit saang lupalop ka pa ng mundo hahanapin kita, ako mismo ang papatay sayo. Kahit sa impyerno pa kita hahanapin susundan kita doon. You asshole" sabi ni Max bago binaba ang ang tawag.

Napaupo naman si Avelard sa malamig na semento.

Alam niya kung ano ang kayang gawin ni Maximus.


The CEO PossessionWhere stories live. Discover now