CHAPTER 26

3.9K 64 43
                                        

Avery:

"Pinsan, kanino ba ipapasa iyong nga report na pinagawa ni sir Maximus? Eh matagal na niya iyong hinihingi eh" saad ni Dalia habang papunta kami sa isang resto upang mananghalian kasama sila Alas at Dos.

"Di ko rin alam Pinsan eh, kay Alas nalang siguro" biro ko na nagpasimangot kay Alas.

"Oo nga naman, sayo nalang kaya Alas?" natatawang tanong ni Dalia.

"Pwede ba, nanahimik ako dito ah. Ba't ako nasali?" angal ni Alas.

Agad namang humalakhak si Dalia.

"Bakit? Naku, mukhang mas may future ang kapatid mong si Arthur na mag handle ng kumpanya kesa sayo eh" mapanuyang salita ni Dalia na nagpairap kay Alas.

"Excuse me miss Dalia, I'm a mafia, mafia po ako. Baril lang ang kaya kung gamitin at i-handle, gets mo?" mapanuyang saad pa balik ni Alas.

Natawa naman si Dos sa sinabi ni Alas.

"You know what Alas, you're too different from the person that expected you to be" sabay tapik sa balikat ni Alas.

Mas lalong napasimnagot si Alas, habang nakangisi naman si Dos.

"Can you please stop teasing me? Di na kayo nakakatuwa ha" mahinang sabi nito as mabilis na naglakad.

Natawa kaming tatlo sa inasta ni Alas, pambihira parang iyon lang.

"Avery, did Maximus called you?" tanong ni Dos sa akin nang maglakad kami ulit.

Napailing nalang ako, simula nung umalis siya ay hindi pa niya ako tinawagan.

"Boss is busy you know, ang dami kayang kalaban doon. Baka nga patay na si boss eh" nagulat ako nang magsalita si Alas sa aking tabi.
Bat parang ang dali naman yata nito nakaabot dito.

Ako naman ngayon ang nagpasimangot sa sinabi ni Alas.

"Di yon, ang galing kaya ng boyfriend ko" pagtatanggol ko Max.

Nagkibit balikat lang ang lalaki.

Nagsimula kaming maglakad pero hindi pa kami tuluyang nakapasok sa resto ay may humarang na sa amin, anim na lalaki.

Naalerto agad si Alas at tinago ako sa likod, ganoon din ang ginawa ni Dos kay Dalia.

"Mga bata, may kailangan lang kami kay ma'am Avery ibigay niyo siya sa amin" seryoso ang lalaki habang nakatitig kay Alas.

Humigpit ang aking hawak sa damit ni Alas dahil sa takot.

"Stay the fuck away!" maawtoridad na saad ni Dos.

Napangisi naman ang lalaking nasa gitna.

"Well, if you don't hand Avery over magkakagulo tayo. Kaya makisama kayo mga bata" mahinang saad ng lalaking nasa gitna.

Natawa naman ng mahina si Alas.

"Hindi ba talaga kayo aalis sa dinadaanan namin? I'm giving you a chance to leave" madiin na saad ni Alas.

"Oh! You must be Maximus' dog" nakangising saad ng lalaki.

Natawa ulit si Alas sa sinabi ng lalaki.

"Yes, I am. Now that you know, hindi parin ba kayo aalis?" Napailing nalang ang lalaki sa sinabi ni Alas.

"I'm not afraid of you kiddo" sabi ng lalaki at bumunot ng baril pero bago pa nila mabunot ang baril ay may nakatutok na na mga lasers sa kanilang mga ulo.

Nanlaki ang aking mga mata sa nakita. Asan yan galing? Takang taka ako sa aking nakita.

"Tangina!" bulalas ng lalaking gusto kumuha sa akin.

"I already warned you but you didn't give a fuck. Do you really think that I become Maximus' dog for nothing? Pwes mali kayo! Sa tingin niyo ba eh kukunin ako ni Maximus kung hindi ako magaling nga punyeta? Ha?" buti nalang maliit lang ang mga tao kung hindi gulo talaga ito.

Namutla naman agad ang lalaki at agad binaba ang kanilang mga baril sa sahig.

" A-alas, tama na" mahina kong salita.

Nanginginig ako sa takot.

"I got this Avery, mga punyeta yan eh" sabi niya.

"Umalis na kayo, at sabihin niyo sa boss ninyong mga inutil kayo na wag niyang kinakalaban ang isang Maximus kasi sasamain kayong lahat" may galit na utas ni Alas.

Nagsitakbuhan naman ang mga lalaki.

Nakanhinga ako ng maluwag, diyos ko hindi na talaga ito maganda.

"Are those snipers?" takang tanong ni Dos.

"Yep, nakasunod lahat ng iyon kung saan kami pupunta ni Avery dahil iyon ang utos ni boss Max" paliwanag niya.

Dos and Dalia clapped their hands.

"Impressive" napangiti nalang si Alas.

Napabuntong hininga nalang ako.

"May tatawagan lang ako saglit" tumango lang ako bilang tugon.

Di naman kalayuan ang kanyang pinuntahan kaya rinig na rinig ko ang pinagsasabi niya.

"Trace that people who messed with us minutes ago, sundan at patayin ninyo silang lahat. Dahil pagnalaman ni boss na hindi natin sila pinatay, tayo ang sasamain kay boss Maximus" nangilabot ako sa sinabi ni Alas.

Diyos ko! Ibig bang sabihin nito ay papatayin niya lahat ng lalaki kanina.

I felt a pang inside my chest. Never kong inisip na mararanasan ko ang sitwasyong ito. Napakahirap.

Agad akong kumalma nang palapit na si Alas.

"Avery, Dalia at Dos, ano pang hinihintay niyo? Tara na" nakangiti niyang saad.

Diyos ko nakakatakot talaga ang nga ngiti nito, na paka inosente ng mukha pero someone's inside.

I just realised how complicated my life is right now, napapalibutan ako ng mga taong hindi basta basta at mga taong kayang pumatay ng marami.

Mga taong napakaganda ng panlabas na anyo pero may nagtatagong halimaw sa kanilang kalooban. Now I understand.






note; Para hindi kayo malito, si Vladimir po iyong taga Russia na gustong pumatay kay Max. Tapos si Avelard at Thorn kalaban din. Tapos wag niyo ring kalimutan sila Tres at Dos na mga kaibigan ni Maximus at nga characters din, at ang pamilya pa ni Maximus remember? HAHAHHAHA nakakalito no? HAHAHAHHA

The CEO PossessionWhere stories live. Discover now