CHAPTER 9

2.3K 34 2
                                    

Someone's POV:

Hawak ko ang kamay ng aking anak habang pinipisil ko ang kamay niya.

Putanginang Maximus iyon, pagbabayaran niya ang ginawa niya sa anak ko.

"Thorn anak, wake up please, daddy needs you. Don't leave me like this" pagsasalita ko.

Simula ng barilin siya ng punyetang Max na iyon ay hindi pa siya nagigising.

You will really pay for hurting my son Maximus Kerrington.

Nakaramdam ako na may pumasok sa silid ng aking anak. Hindi ko ito nilingon.

"Sir may ibabalita ako sayo" diretsa nitong saad.

"What is it?" tanong ko.

"Sir wala na po sa Capiz ang mag-ina mo" agad akong natigilan sa sinabi ng aking utusan.

Tumayo ako at lumapit sa kanya.

"What did you say?" tanong ko ulit.

Anong wala na sila sa Capiz.

"Sir they moved here in Manila" nakangiti nitong saad.

Amira anong ginagawa niyo dito sa Manila? Wag mo ng subukan pang ilayo ang anak natin sa akin dahil mahahanap ko rin talaga kayo.

At last makukuha ko na rin ang anak natin sayo, kukunin ko si Avery at ipakakasal ko siya sa anak ng aking mga kasosyo.

"Okay thanks for the update Seron" nakangiti kong saad.

"Okay sir" saad niya habang tumatango.

Mukhang kakampi ko ngayon ang langit.

_________________

Avery:

Hindi na ako nagpasundo kay Max, alam ko kasing marami siyang dapat gawin kaya napagpasyahan kong sumakay na lang ng taxi, busy rin kasi si Dalia eh.

After what happened between me and Max ay tuluyan akong naging masaya.

He really love me, at ganoon din naman ako.

Di rin nagtagal ay nakaabot na ako sa kompanya.

"Good morning ma'am Avery" masayang bati ni manong guard sa akin.

"Magandang umaga din po" nakangiti kong saad.

Nagulat ako dahil halos lahat ng empleyado ay panay ang pagbati sa akin.
Binabati ko din sila pabalik.

Masaya kong binagtas ang daan papunta sa aming department.

Nang nakapasok ako ay kaagad akong sinalubong ng tukso galing sa aking mga katrabaho, lalo na si Dalia, nakangisi siya.

"Morning Mrs. Kerrington" agad akong namula sa sinabi ni Eric.

Oh lupa, lamunin mo na ako. Lumapit si Dalia sa akin at mahina akong kinurot.

"Ikaw ha di mo man lang sinabi sa akin na kayo na pala ni sir Max" pabulong nitong saad.

"Humahanap lang ako ng tiyempo" natatawa kong saad.

Inirapan lang ako ni Dalia.

"Ewan ko sayo" pailing niyang saad.

At buti na lang talaga marami kaming ginagawa dahil tiyak aasarin lang nila ako kapag wala silang ginagawang iba.

Nagulat ako nang tumunog ang aking cellphone. Pinigilan kong hindi mapangiti nang makita ko kung sino ang tumawag. Agad ko itong sinagot.

"Baby" bungad ng kabilang linya.

"Hmm" sagot ko.

"Can you visit me here at my office? Bored to death na ako dito" saad niya.

Ito talaga.

"Max marami akong ginagawa eh" angal ko.

Narinig naman ako ng mumunting pagmumura sa kabilang linya.

"Dammit! Babe please I miss you so much" mahina nitong saad na nagpakilig sa akin.

"O sige na nga, papunta na ako" sagot ko.

"Good, I'll just wait. Love you" sabi nito.

Mas lalong tumataba ang puso ko sa mga sinasabi ni Max.

"Okay" sagot ko.

"Wait where's my I love you too?" demanda niya.

Natawa naman ako ng mahina.

"I love you more babe" sabi ko.

Di ko na siya hinayaang makasagot at agad ko itong binaba.

Dahan dahan akong naglakas paalis, at salamat sa Diyos di talaga nila ako napansin.

I used the elevator.

I'm so happy dahil sa nagkaroon ako ng love life na ganito. I have a man now.

Naglakad ako palabas ng elevator nang makaabot ako palapag kung saan ang opisina ni Max.

Agad kong nakita si Arthur, tatawagin ko na sana siya nang may mapansin ako. Di siya nag-iisa.

Nanlaki ang mga mata ko nang sapakin ng isang lalaki si Arthur. Base sa pananamit ng lalaking sumapak kay Arthur ay may angas ito. He's wearing leather jacket.

Di naman lumalaban si Arthur pero nakasimangot ito.

Di ko na natiis at nilapitan ko kaagad siya.

"Hoy sino ka? Ba't mo sinasaktan si Arthur?" tanong ko.

Napalingon naman ang dalawa sa akin. Kita ko ang paglaki ng mata ni Arthur. The man smirks.

"Ahh ma'am wala po ito, pumasok na po kayo sa loob at naghihintay po si sir Max" ba't nakangiti pa rin si Arthur.

Nagsalubong ang kilay ko, hinarap ko ang lalaking mukhang badboy.

"Pwede kitang I-report sa boss namin dahil sa ginawa mo kay Arthur" matapang kong saad.

Mas lalo namang lumawak ang ngisi ng lalaki sa akin.

"Ah sa Ceo mo ba ako isusumbong?" nakangisi nitong tanong.

"Oo" sabi ko.

"You're brave Avery Alvarez huh" natatawa nitong saad.

Nagulat ako.

"You know me?" tanong ko.

He just nod.

"You're the wife of Max" natatawa na naman nitong saad.

"Ano-" di ko natuloy ang sasabihin nang iniluwa ng pinto si Max.

Madilim ang awra nito habang nakatingin sa akin.

"Tsk! Nandito ka lang pala, kanina pa kita hinihintay sa loob" nahimigan ko ang pagtatampo sa boses nito.

Agad akong lumapit sa kanya at hinawakan ang kamay niya.

"Babe sorry, si Arthur kasi eh sinapak niya" sabi ko habang nakaturo sa lalaki na nang-aasar ang mukha.

Agad namang kumunot ang noo ni Max.

"Tsk, ano namang problema doon, may karapatan siyang saktan ang kapatid niya" nagulat ako sa sinabi ni Max.

They're Brothers?

"I'm Alas by the way, and Arthur is my fucking brother" sabi niya habang nilalahad ang kamay sa akin.

Naku pahiya talaga ako.

Shake hands? Aabutin ko na sana ang kamay niya nang magsalita ang nobyo ko.

"Damn you Alas, mas lalo mong sinisira ang araw ko eh. Gusto mo ba talaga na baliin ko yang mga kamay mo?" seryosong tanong ni Max.

My baby is not in the mood again.

Malakas namang napahalakhak si Alas.

"Possessive Max eh?" tawa pa rin nitong saad.

Napailing na lang si Arthur sa inasal ng kapatid niya.

"Go on, sige pa tumawa ka pa dahil bala talaga ang papasok sa malaking bunganga mong yan" sabi ni Max na nagpatahimik sa gago.

Nakakatakot ang baby ko.

The CEO PossessionWhere stories live. Discover now