Avery:
Napangiti ako nang mabasa ko ang mensahe ni sir Max sa akin.
From: Sir Maximus
Hey there gorgeous, I'm excited to see you, kaya bilisan mo na diyan at nasasabik na ako sayo. Mwah.
Kung may makakakita sa akin ay talagang mapagkamalan akong timang.
Sa araw na magkasama kami ni sir ay talagang napaka-espesyal.
Bumaba na ako ng bahay at nagtungo sa kusina. Nakita ko naman si mama na nakaupo at kumakain.
Lumapit ako agad kay mama at humalik sa pisngi nito..
"Morning ma" bati ko dito.
"Morning din anak, sige na kumain ka na at malalate ka na sa trabaho" pagsandok ni mama sa aking pagkain.
Ngumiti lang ako at agad nilantakan ang mga pagkain.
"Nga pala anak, nauna na si Dalia sayo kasi may gagawin pa daw siya eh" balita ni mama sa akin.
"Okay lang ma" sabi ko at ngumiti ulit.
"Pansin ko lang anak ah, bakit mukhang masaya ka yata" nabilaukan ako sa sinabi ni mama.
Binigyan agad ako ni mama ng tubig.
"Ma naman eh" reklamo ko dito.
Natawa naman si mama.
"Oh bakit? Nagtatanong lang naman ako ah" depensa ni mama.
"Ewan ko sa inyo ma" sabi ko pero halos di na maayos ang aking tinig.
"Anak alam mo, dapat humanap ka na ng lalaki mo" natigilan ako sa sinabi ni mama..
Napataas naman agad ang aking tingin kay mama.
"Ma" saad ko.
"Anak nagsasabi lang ako ng totoo, pero alam mo anak alam ko naman na wala ka pang panahon sa mga lalaki dahil sa akin. Anak okay lang naman ako eh, okay lang ako kahit hindi mo na ako alagaan dapat inuuna mo muna ang sarili mo, bente kuwatro ka na pero hindi mo man lang nararanasan ang mga ganoon bagay. Ako nga kasi ang may kasalanan, patawad anak" awtomatikong napatulo ang aking luha.
Parang tinutusok ang aking puso sa narinig na salita kay mama.
Nasasaktan ako kasi nasasaktan si mama, ayokong nakikitang nahihirapan ang aking ina.
Patuloy lang sa pag-agos ang aking mga luha, ayokong sinisisi ni mama ang sarili.
Tumayo agad ako at niyakap ang ulo ni mama.
"M-ma please wag mo iyang s-sabibin, wag niyong sisihin ang sarili niyo" sabi ko at niyakap ng mahigpit si mama.
Kahit kailan hindi ko sinisi si mama sa mga nangyayari. Mahal na mahal ko si mama.
Di ko maipagpapalit si mama kahit kanino, hindi ko pinagsisihan na naging anak niya ako, napakaswerte ko dahil sa kanya ako nanggaling.
———————
Maximus:
I was busy putting my necktie when someone interrupted me.
"Sir nandito po ang Don Rafael" sabi ni aling Tanya.
Siya ang babaeng aking tinuturing na ina.
Ngumiti ako kay aling Tanya at tumango.
Nang makalabas si aling Tanya sa kuwarto.
Ay agad akong napamura.
Damn! Anong ginagawa ng matandang iyan dito.
Dali dali akong bumaba, at nakita ko ang lalaking aking kinasusuklaman.
YOU ARE READING
The CEO Possession
Ficción GeneralAvery Alvarez is owned by a Possessive CEO Maximus Kerrington.