Avery:
Di pa rin ako makapaniwala sa mga nangyari nitong nakaraang mga araw.
Nalulungkot ako dahil alam kong masyadong naapektuhan si Dalia, di pa siya nagsasalita simula nung mangyari ang tagpong iyon.
I feel bad for her, alam ko kasi na nasaktan siya dahil nasira ang naipundar niyang condo at ngayon nakatira kami sa taong di pa namin lubos na kakilala.
Sino naman kaya ang maygawa nito? Napakawalang puso.
Kumakain kami ngayon at tanging mga kubyertos lamang ang nag-iingay.
Tumingin ako kay mama na seryosong kumakain, alam kong naglalaro pa din sa isip ni mama ang mga pangyayari pero mas pinili nitong manahimik.
Napabaling naman ang aking paningin kay Dalia na hanggang ngayon ay lutang pa rin. Naaawa talaga ako sa pinsan ko.
Tumingin agad ako sa lalaking nagligtas sa amin.
Kahit kumakain ito ay magkasalubong pa din ang kilay niya, napakasungit ng anyo nito. Kung hindi lang niya kami niligtas, tiyak na matatakot talaga ako dito.
Diyos ko, ano ba naman tong pinasok namin? Masyado na itong malala.
Agad ko namang sinunggaban ang aking pagkain.
"Tsk! What the hell! Eat slowly, no one's gonna steal your food woman" halos di ko malunok ang aking pagkain sa sinabi niya.
Walangya, isusumbong ko talaga to kay Max.
"Hindi-" may sasabihin pa sana ako nang tumunog ang door bell ng resthouse niya.
Tingnan mo nga naman kung kailan ipagtatanggol ko na ang sarili ko ay siya namang pang-iistorbo ng kung sino.
Mabilis naman ang naging kilos ni Thrace na tumayo habang bitbit nito ang baril niya.
Nanginig naman ako nang makita ko ang bitbit niya.
"Just stay quiet" pagpapaalala niya sa amin.
Hinawakan agad ni mama ang aking kamay na namamawis at pinsil ito.Sino kaya ang tao?
"Fuck! Why are you here Dosidio Morgan?" nagulat kami nang marinig namin ang pagmumura ni Thrace.
At mas nagulat ako sa sinabi ni Dalia.
"Dos?" mahinang usal niya.
Kilala niya ang bisita? Bat kilala niya? Sino si Dos?
"Damn it Thrace let me in!" matigas na saad ng bisita.
"No!" madiin na bigkas ni Thrace.
Nakarinig naman kami ng lagabag sa labas. Agad tumayo si Dalia at nagtungo sa labas, sumunod na rin kami ni mama. Inalalayan ko pa si mamang maglakad.
"Fuck you Thrace! I'm fucking here for Dalia, so please let me in" madilim ang awra nito, napatakip naman ako sa aking bibig nang may maalala ako.
My goodness! Yan ang lalaking sinabi ni Dalia.
"D-Dos?" utal na anas ni Dalia.
Agad namang lumambot ang anyo ng lalaki nang makita si Dalia sa loob.
Wala ng nagawa si Thrace nang pwersahang pumasok ang lalaki sabay lapit lay Dalia.
Napasinghap kaming lahat nang yakapin ng lalaki si Dalia. Kita ko kung paano literal na nanlaki ang mga mata ni Thrace.
"God! Dalia I'm worried about you. Are you hurt? Are you feeling bad? Huh?" sunod sunod nitong tanong habang hinihimas ang ulo ni Dalia.
They look so good together. Umiyak agad si Dalia.
"D-Dos, I'm not okay" sagot ni Dalia.
Mas lalo namang hinigpitan ng lalaki ang yakap kay Dalia.
"Shh I'm here now, I will handle this Dalia. And I promise you that they can't hurt you. I will protect you always. God! I fucking missed you" sabi nito.
Para akong nabunutan ng tinik dahil sa aking nasaksihan.
![](https://img.wattpad.com/cover/202166541-288-k118209.jpg)
YOU ARE READING
The CEO Possession
General FictionAvery Alvarez is owned by a Possessive CEO Maximus Kerrington.