Compilation 1

31.8K 50 0
                                    

Compilation 1: Game with a kiss

Nandito ako ngayon sa bahay ng boyfriend kong si Trevor at ngayon ay kinukulit niya ako na makipag laro sa kanya ng basketball. Oh diba? Parang tanga lang.

Pinapunta niya ko dito para mag laro kaming dalawa at ang title ng laro niya ay 'game with a kiss' see? parang abno lang. Napakapauso masyado.

Kung di niyo kase maitatanong, well magaling din akong mag basketball. Sa basketball girls nga lang at syempre ang ungas na boyfriend ko na hindi ko alam kung anong trip sa buhay ay makikipaglaro sa akin. eh kiss lang naman ang gusto.

Parang tanga lang diba? Mvp pa naman siya sa basketball.

"Hoyy! Anong trip mo, Trevor!"

"Awts! Naman baby Aki. Trevorrr? Tinawag mo ako sa pangalan ko? Nakakasakit ka ng damdamin," sabi nito with matching hawak sa dibdib nya na akala mo talaga nasaktan.

Binatukan ko siya.

"Wag ka ngang OA sasapakin kita!" Pag babanta ko.

Napanguso nalang siya at parang tangang nag beautiful eyes pa sa akin.

Para siyang bibe na kumukurap kurap.

"Ano 'bang trip mo? Bakit gusto mo maglaro?" kalmadong tanong ko.

Tinitigan niya naman ako ng napakaseryoso kaya napataas nalang ang kilay ko sa kanya.

"Baby, alam mo kase kung di mo naitatanong. Isang linggo mo na akong hindi kinikiss."

Napaubo naman ako sa huling sinabi niya.

Pftt! Abnormal ngang tunay. Tinapunan ko naman siya ng masamang tingin.

"Buti alam mo!"

Ngumuso na naman ito sa akin.

"Wag ka ngang nguso ng nguso, Trevor. Nagmumukha kang bibe," sabi ko

Nawala naman yung pag kakanguso niya.

"So ang gusto mong palabasin ay maglalaro tayo ng basketball at kung sino ang matalo papayag dapat sa gusto?"

"Exactly! Ang galing mo baby na gets mo!"

Inirapan ko naman siya.

"So anong gusto mo? Kiss?" Tanong ko.

Tumango tango naman ito na parang yun lang ang mahalaga sa sinabi ko.

"Isang buwang kiss. At dapat torrid kapag nanalo ako ngayon."

What the hell?

"sapak gusto mo?"

Isang buwang kiss! Ano yon adik na adik lang? Kung sa bagay ikaw ba naman hindi makahalik ng isang linggo diba.

Umiling iling naman ito pero ang walanghiya ang laki ng ngisi.

"Natatakot ka ba baby ko? it was just a game baby. it was just a game." sabi nito

Ako naman napataas lang ang kilay.

"I'm not scared baby. Okay, papayag ako sa kung anong gusto mo kung mananalo ka. Papayag ako sa gusto mong isang buwan na halik at torrid na kiss sa akin. Perooo! Kapag ako ang nanalo! Isang taon kang hindi makakahalik sa akin." sabi ko.

Halos manlaki naman ang kanyang mata sa sinabi ko.

"W-what! Isang taon? Aba patayin mo nalang ako kung ganon."

Binatakun ko naman siya. "Ang exaggerate naman ng sinabi mo! Ungas lang?"

"Kase naman baby. Napakaunfair naman non. isang taon? ISANG TAONNNN! Naririnig mo ba ang sinasabi mo baby? Torture yon! Tortureeee!"

One Shot Story [UNDER REVISION]Where stories live. Discover now