Compilation 23

649 4 0
                                        

Compilation 23: Anemic Jpeg

Kanina pa ako natatawa kay Mike dahil sa panay hugot at pick up line niya sa aking puro ka cornyhan lang ang alam.

"Tigilin mo na nga. Ang corny Mike para 'kang baliw," natatawang sabi ko.

"Baliw man sa iyong paningin atleast sayo lang baliw." sabi nito sabay kindat kaya natawa lang ako at pinalo siya.

Bigla namang may malakas na boses ang tumikhim.

"Ang kocorny niyo!" singit ng singkit na si Lee.
Inirapan ko naman siya bago nagsalita.

"Papansinnnn! wag mong pansinin Mike epal lang yan."

Actually crush ko yang si lee pero simula ng umamin ako at binasted niya ko oo! Binasted niya ko kaya ayon gigil na gigil na ako sa kanya.

Edi ako na hindi marunong tumanggap ng rejection

"HAHAHHAHAHAHA!" tawa ni Mike kaya hinampas ko siya.

Demonyo ang animal!

"Tawang tawa Mike? Konyatan kita eh."

"Alam mo kasi baby Camille."

"NUKSSS SANAOL BABY NYAHAHA! Dyan talaga magsisimula yan eh." singit ng kaibigan 'kong monggoloid kaya sinamaan ko ng tingin at ang walanghiya ngisingisi lang.

Napabaling naman ako kay Lee na ansama ng tingin sa akin hmp! Kung dukutin ko kaya mata niya pero on the other hand wag nalang pala sayang ang maganda niyang mata.

Owkeyyy compliment yon.

"Alam mo kase baby Camille" lumapit siya sa akin tapos bumulong

"Nagseselos iyang crush mo. Di mo halata?"
Nanlaki naman ang mata ko.

"Sussss! aasa pa ba ako eh paasa yan!"

"Ang bitter mo bab—
Hindi na natapos ni Mike ang sasabihin niya ng biglang pumagitna sa amin si Lee.

"Alam mo Camille parang nagkaka anemic yata ako." sabi nito.

Napakunot naman ang noo ko at sinuri ko yung mukha niya.

"A-Anemic ka?" Nag aalalang tanong ko

"Oo kase sa tuwing nakikita ko kayong naghaharutan ni Mike nag didilim ang paningin ko."

Napanganga naman ako sa sinabi niya. HUH? ANO RAW? P-PONYEMAS?
WTH ARE HE SAYING????

Bigla namang tumawa si Mike at ang kaibigan ko.

"i told you bab-- Camille HAHAHAHAHA"

"BWAHAHAHAHAA! NICE ONE LEE. OH KUYA MIKE LAYO LAYO NA BAKA MABANGASAN KA. ANEMIC JPEG HAHAHAHA!"

Shit na banat! Sagad sa bones ko yung kilig. I'm crying!

Amporkchop na anemic Akala ko true hmp.

-End

One Shot Story [UNDER REVISION]Stories to obsess over. Discover now