Compilation 2

12.6K 20 0
                                    

Compilation 2: Welcome to the vampire world

I'm here standing out of nowhere tila ba nasa isa akong kawalan na walang kahit anong makikita kundi matataas na puno at mga madamong paligid. Tila isa akong batang paslit na nawawala at naliligaw.

Nasaan ako?

Ang naalala ko ay pumunta ako sa mga kaibigan ko at nag celebrate kami ng birthday ni Chelsea pero ano 'to? Bakit napunta ko sa ganitong lugar.

Myghadddd! Baka mamaya may alien or something horrible species dito. Namannnn ehh! Baka naman prank lang 'to nila Chelsea?

"Hello? Is anybody here!" Sigaw ko.

Isang malakas na echo lang galing sa boses ko ang namuti sa tahimik na paligid. I started walking. ingay lamang ng mga tuyong dahon na natatapakan ko ang nag sisilbing ingay sa paligid.

"Myghaddd! Ang creepy ah."

I started to get nervous. Mamaya may lion dito at bigla nalang lapain ang dyosa kong katawan. Kawawa naman ako pag nag kataon.

Sa sobrang kagandahan ko at kadyosahan ko hindi ko napansin na may malaking bato na nakaharang kaya ang ending sumubsob ako.

"Arayyy! ang bobo nung bato! Ang dyosa kong tuhod mukhang nagasgasan p—"
Isang halakhak ang nag patigil sa akin sa pagsasalita

"Mm-aayy shet ka!!" Sigaw ko at tinakpan ko ang mga mata ko.

Noo! Baka kainin niya ako, mawawala ang pag ka dyosa ko.

'Okay Rach! Ang hangin mo na'

"My love." malumay na bigkas ng boses.

Ano daw my love? Napamulat at napatayo nalang ako ng narinig ko ang  mga yabag niya. Pumisyon ako na parang mangangarate pero hindi parin ako nakatingin sa kanya.

"Sigeee! Wag kang lalapit kung ayaw mo ma uppercut with matching combo 10 times ka sige," saad ko.

Ang totoo ay akot talaga ko na tignan siya baka mamaya panget siya tapos an—

Napaigtad ako ng isang malamig na kamay ang dumampi sa aking mga braso. Biglang bumilis an tibok ng puso ko.

Naramadaman ko ang mabilis na pag galaw niya at pag punta nya sa harapan ko. Nakapikit parin ang aking mga mata at patuloy parin siya sa pag haplos sa aking balikat.

Naramdaman ko nalang na tumigil siya sa ginagawa niyang pag haplos at pumalit naman sa mukha ko ang kaninang kamay na humahaplos sa balikat ko.

'Shit! bakit anlamig ng kamay niya? Maaa! Zombie ba 'to anong klaseng nilalang siya?'

"You're beautiful. Hindi nga nagkamali ang propeta sa pagpili sayo, mahal ko. Open your eyes, Rach."

 Propeta? Anong propeta ang sinasabi nya? Baliw ba sya? At bakit nya kilala ang pangalan ko?

Tila na hipnotismo ako sa mga haplos niya sa aking pisngi at yun ang dahilan kung bakit unti unti kong minulat ang aking mata.

Ganon nalang ang panlalaki ng mata ko at pagkagulat ng matitigan ko ang taong nasa harapan ko.

Okay hindi naman pala ganon kasama itsura niya. Actually ang gwapo niya.

Pero bakit ang puti niya? Para siyang nakalunok ng maraming gluta. So weird, makinis pa yata sa akin to eh.

Napataas naman ang kilay ko at tinitigan ko siya sa mata
Nagulat ako sa pag kislap ng mata niya.

Namamalikmata ba ako? o sadyang pumula lang ang mga mata niya?

Hindi ko nalang ito pinansin at nagsalita nalang. Medyo nawala ang kaba ko dahil may tao na akong nakita sa malawak na kagubatan na ito. Umatras ako.

"Ah? manong stranger out of nowhere? Pwede 'bang ihatid mo muna ko sa bahay ko, err kase 'ya know? Na ngangati na kase ang dyosa kong mga binte." Pakiusap ko dito pero nagulat ako sa bilis ng galaw niya.

Napurap kurap nanaman ako. Mamamalikmata na naman ba ako?
Napaigtad ako ng haplusin na naman niya ang balikat ko. Nasa likod ko siya at dama ko ang hininga niya na dumadampi sa leeg ko.

"A-anong ginagaw---
Napaharap ako sa kanya ng dilaan niya ang leeg ko.

"Wth! PERVERTTTT!"
Tinulak ko siya pero para lang akong tumalak ng pader na kailan man ay hindi matitibag.

Tumitig ako sa mga mata niya. Ang kaninang natural na mata niya ay nagniningning na katulad ng pulang buwan, tila gustong gusto akong sungaban.

"A-ano p-ppaano? Hindi ko maitindihan."
Takot at magkahalong pagkamangha ang nararamdaman ko pero mas nangingibabaw ang takot ko dahil sa kung anong pwede niyang gawin laban sa akin.

Unti unti siyang lumapit sa akin. So the best part i was going to do is run. Run as fast as i could pero mali yata ang ginawa ko dahil hinuli niya ako sa bewang at sa isang iglap naihiga na niya ako sa damuhan.

"Nooooo! LET ME GOOO!" I said hysterically.

"Hindi mo matatakasan kung ano ang itinakda, Rach. Ikaw ang itinakda. Itinakda na susunod na reyna ng mga bampira."

"WHAT! Nababaliw kana! Bampira anong bampir—

Isang napakasakit na bagay ang tila bumaon sa leeg ko, tila isang punyal na sumaksak sa aking pagkatao. Naparalisa ang aking katawan na para bang nalunod ako sa dagat at walang nais tumulong sa akin.

Unti unting nawalan ako ng malay pero bago ako panawan ng ulirat narinig ko ang salitang binigkas nya.

"Welcome to the vampire world, MY QUEEN."

And everthing went blank.

—end

One Shot Story [UNDER REVISION]Where stories live. Discover now