Compilation 22: Sandwich
Naglalakad ako papunta sa classroom at dahil late lang naman akong kumain late din akong pupunta sa classroom.
Paano ba naman pinagawa pa ako ng napakahabang essay ni sir baklush balak yatang paduguin ang utak ko sa sobrang daming essay.Echoserang bakla! Inggit siguro yon sa beauty ko at lagi akong napapansin. Hmp!
Nagtataka naman ako kung bakit lahat ng malalagpasan kong studyante nagbubulungan at yung iba nagtatawanan.
problema ng mga ito?
Kinuha ko ang phone ko at tinignan yung mukha ko kung may dumi ba.Wala naman pero bakit ang weird nila o ako lang ang weird? Kalmahan mo Eli kyut ka hindi weird. Okay?
Pero nagtataka parin ako dahil pinagtitinginan talaga nila ko.
Owkeyyy Eli ang ganda mo daw kase ikaw na talaga *flip hair*
Nagulat naman ako ng may biglang yumakap sa akin.
"What the hell are you doing!"
"Saving you,"
"Anong saving you pinagsasabi mo? Wala naman ako sa trouble,"
Kingene! Ganto pag nakikita ang crush. Nakakapabebe ng katauhan.
Itong si crush wala man lang pasabing mangyayakap. Edi sana ako na nangyakap sa kanya with matching free kiss kung gusto niya ganern!
"Kase"-siya
"Kase?"ako
"May tagos ka."
Parang tumigil naman ang mundo ko at nabingi ako sa bulong nya.
Wait can someone please repeat it?
May ano? M-may tt-tagos? Ako? As in ako?
Nooooooo! Kaya pala pinagtitinginan nila ko kase may tagos ako. Nakakahiya naman!
Please save me now! O sana kainin nalang ako ng sahig.
"Omayyy! kill me now!" oa na sabi ko.
Natawa naman ang walanghiya.
"Don't worry. It's natural, Eli."
"Natural nga pero ang matagusan at makita ng lahat? Hindi natural yon," tapos nakita mo pa. Ayoko naaaaaa!
Nakayakap parin siya sa akin pero nagulat ako ng bigla niya akong binuhat.
"Anong ginagawa mo?"
"Binubuhat ka. Hindi ba obvious?"
Umirap naman ako. Pilosopo ang kumag. "At san mo naman ako dadalhin? Aber?" Tanong ko.
"Syempre sa cr,"
"Anong gagawin ko sa cr?"
"Magpapalit ka diba?"
Ay oo nga! Ano ba yan Eli. Tanga ka sa part na yon.
"Sabi ko nga diba,"
Nang maipunta niya ko sa cr dali dali akong pumasok ng cubicle pero paano yan wala akong pamalit.
"Ah ano James? Hehe!" Grrr! Nakakahiya naman 'to.
"Ano?"
"Pwede bang favor? Ano hehehe," shet nakakautal!
"Ano nga yon?"-siya
"Pwede bang bilhan mo ko ng sandwich," gusto 'kong umiyak sa sa pagkakapahiya. Nakakahiya naman talaga ng bongga no!
"Sandwich? Kakain ka sa cr?"
Napa facepalm naman ako. Ang baliw lang Eli? Syempre lalaki siya hindi niya alam ang sandwich, okay!
"Hindi! Ano i mean the sandwich slash ah hmm? eh basta ano? Napkin siya. Oo tama! napkin slash sandwich yun na yon.''
Huhu! Nakakahiya.
Narinig ko naman siyang tumawa.
"HAHAHAHA seriously Eli? sandwich?" Nakangisi pa ang kumag.
Kinagwapo mo yarn sir?
"Copy that Miss Eli. i buy you a SANDWICH WITH WINGS." Sabay halakhak nya.
Pang asar ang gago.
"OO NAAAA DALIAN MO! tapos pakikuha ng plastic sa locker ko. THANK YOU!" sigaw ko nalang para di halatang nakakahiya.
Rinig ko pa din ang tawa niya hanggang sa mawala.
Edi siya na masaya huhu!
Seriously Eli SANDWICH HUH.
-End
@Mikamouse
YOU ARE READING
One Shot Story [UNDER REVISION]
De TodoA compilation of my story. Hope you enjoy reading this. Started:July. 21, 2019 Finish: January. 18, 2020 Book cover by: @angiewithline
![One Shot Story [UNDER REVISION]](https://img.wattpad.com/cover/202331574-64-k435545.jpg)