Compilation 14

1.2K 6 0
                                        

Compilation 14: Akala

Matatapos na akong kumain pero ang walanghiyang boyfriend ko hindi parin dumadating.

"Jack akala ko ba susunod si Hans sayo? bakit ang tagal?"

"Huh? Eh sabi niya tatapusin niya lang daw yung test niya kasi diba kanina late siya kaya nahuli siyang nag test?"

Paano ba naman halos fifteen minutes na akong naghihintay dito sa cafeteria at halos lumobo na ang tyan ko kakain pero wala parin siya.

Napagdesisyonan ko ng tumayo para puntahan si Hans sa classroom niya.

"Ahck! Ang dami kong nakain! weew!"

"Ganyan talaga pag baboy." Pangaasar ni Jack.

"Excuse me? im not a baboy! Im sexy!" Inirapan ko sya.

"Joke lang! Ito naman hindi mabiro."

"Nyenyeeee! Bahala ka dyan! Makaalis na nga."

Umalis na ako para puntahan si Hans sa classroom niya pero pagdating ko dun wala naman siya. Iilang kaklase niya lang ang andon kaya napagpasyahan ko naring magtanong sa kanila.

Isang babae ang napagtanungan ko. "Ah? Excuse me nakita niyo ba si Hans?"

"Si Hans? Kanina pa naman yon bumaba."

"Ganon ba. Salamat."

Ano? Kanina pa bumaba? Baka nag kasalisihan siguro kami kase magkaiba ang hagdanan ng pagpasok at paglabas sa daan.
Nang nakapag pasalamat na ako sa babae ay umalis narin ako agad. Pababa na ako ng hagdaan ng may narinig akong boses na parang nag uusap.

Sheesh! Si Hans ba iyon? at sinong kausap nito?

Akmang tatawagin ko na siya ng mapagsino ko ang kausap niya.

'It's Alexa ang ex nya'

Ilang minuto akong nakatayo para pakinggan ang mga sasabihin nila at siguro napansin ni Hans na may nakatingin sa kanya kaya nagulat siya.

Bakit kailangan nilang mag usap at dito pa?

"B-baby?" Gulat na ekspresyon ang namumutawi sa mukha nya.

Tumalikod ako dahil parang mali. Dali dali akong tumakbo.

"Baby! Claire!"

Tumakbo ako, ganon rin siguro sya dahil naabutan niya ako at pinigilan hawak nya na ngayon ang braso ko at pinaharap ako sa kanya.

"Baby magpapa—

"Wag muna ngayon Hans."

"Im sorry. Listen okay? Iyong nakita mo wala talaga yon. Nakasalubong ko lang sya sa hagdanan. Alexa is just asking—

"HANS! PWEDE BA WAG NGAYON!" Sigaw ko
Shet to! Pinoy naman pero bakit parang hindi makaintindi ng tagalog.

"It's not what you think baby." pagpapaliwanag nya.

Akmang tatakbo na ako ng umupo sya at kumapit sa paa ko.

Kingina? Napa face palm nalang ako sa ginawa nya.

"ISA! HANSSSS! Bitaw!"
Natawa naman ako ng ibuka nya ang bibig nya at kinagat ang legs ko gamit ang labi nya.

"HANS! ISA TATADYAKAN KITA!" pananakot ko dito dahil ayaw nya umalis.

"Baby i love you! Please! Makini—

"HANS! MAMAYA KANA MAG PALIWANAG. GUNGGONG NATATAE NA AKO AT HINDI AKO NAGSESELOS NA CCR NA AKO. OKAY, NABA?" Malakas na sigaw ko sa kanya.
Napatulala naman siya at natawang tumingala sa akin.

"Napakabalasubas talaga ng bibig mo babae." sabi nito at bumitaw sa pagkakayakap sa legs ko.

Nginitian ko nalang siya at yumuko para halikan bago tumakbo sa cr ngena kanina ko pa to pinipigilan. Bwesit kase si Hans ang dami kong nakain.

One Shot Story [UNDER REVISION]Stories to obsess over. Discover now