Compilation 11

1.6K 10 0
                                        

Compilation 11: Paraparaan

Nakatunganga lang ako at nakapangalumbaba sa desk ko habang hinihintay ang teacher na dumating.

Nakailang buntong hininga na yata ako dahil mag aalas singko na wala padin ang teacher namin.

"HOY!"

Halos atakihin ako sa sigaw nya. Tinapunan ko sya ng masamang tingin pero dinilaan lang ako.

Kung hilain ko kaya dila neto?

"Makabuntong hininga ka naman problemadong problemado yarn?"

"Sorry naman ah! So bawal ba bumuntong hininga pag problemado?" Mataray na sagot ko.

"Gaga!"

Inirapan ko lang siya at siya naman ay dinilaan ako.
Napatingin naman ako sa crush kong nakaubuob sa desk niya at napangiti ako. Ehem! Magulo nga 'to.

Kinalabit ko siya at nag angat naman siya ng ulo.

"Bakit?" Tanong nito

Shet! Napakagwapo talaga neto.
Ang mapupungay niyang mata na tumitingin sa akin. Ang igop!

Napabalik naman ako sa realidad ng tumawa siya.

"Ay! Sorry na carried away," tawa ko.

"Nah! it's okay. You look cute."

Napakurap ako. Ano daw? Cute daw ako? Hala sya!

"Klein alam mo ba kung paano manligaw?" Tanong ko.

"Maybe," then he shrugged.

Ano daw? maybe? So it means di niya knows? O medyo knows niya? Ay teka ang gulo ko banda don.

"Gusto mo turuan kita?" insist ko at siya naman ay napakunot ang noo.

"Daliii naaaa effective 'to promise! Ganto susundin mo lang sasabihin ko."

Napakamot naman ito ng batok niya para bang nakukulitan siya sa akin.

'sorry crush sabi nga pag hindi nadaan sa santong dasalan, daain sa santong paspasan. Kaya humanda ka!'

Napangisi naman ako

"So Klein ganito. Sasabihin mo lahat ng sasabihin ko tapos pagnatandaan mo ulitin mo, okay?"

"Okay." Sagot nya. Pinagmasdan ko sya nakangusk ito tila ba pinipigilan ang mapangiti.

Ang sarap i kiss.

"Deinee" umpisa ko

"Deinee." siya.

"Can you be my girlfriend?" Tanong iyon.

"Can you be my girlfriend?" Ulit niya

Bigla namang sumingit yung kaibigan ko

"Ano yan Deinee?"

Nilakihan ko naman siya ng mata at tinignan ng 'wag-kang-magulo-look' at parang nagets naman niya kaya nag thumbs up sya sa akin.

"So Klein? Ulitin mo yung sinabi ko."

"Deinee. Can you be my girlfriend?"

Napangiti naman ako sa inulit niya bago nagsalita.

"Yes! Pwedeng pwede. So tayo na wala ng bawiian yan." tumawa naman ako.

Siya naman ay nanlaki ang mata at kalaunan ay natawa narin sa sinabi ko

Paraparaan na this!
Orayt! Boyfriend ko na si crush.

One Shot Story [UNDER REVISION]Stories to obsess over. Discover now