Compilation 12

1.4K 8 0
                                        

Compilation 12: Usap Tayo o Tayo Nalang?

Kanina pa ako palakad lakad dito sa corridor naghahyperventilate na nga ako eh.
Hindi ko alam kung kakabahan ako o kinikilig kase kung matatanong niyo, today is the day, that I'm going to confess to someone.
Yep! Mag coconfess ako kay crush. Baka kase maunahan ako mahirap na.

So eto ako kanina pa pabalik balik, iniisip ko kung itutuloy ko pa ba o hindi na.
Idinikit ko ang tenga ko sa pintuan ng SSG office matapang ako kase alam kong siya lang ang tao dito busy kase lahat dahil may events sa gymnasium at ako lang ang katangi tanging studyante ang naglakas ng loob na umalis sa event para lang makaamin kay MY SOON TO BE HUSBAND. Oo! Assuming ako eh.

Halos magulantang naman ako ng biglang bumukas ang pintuan at halos magkahalikan kami ng sahig sa pagkakasubsub ko.

'aroucchhh bobo mo self jusko!'

"What the hell are you doing here?" Galit na sita neto.

Paktay 'kang bata ka. inangat ko naman ang ulo ko at ngumiti ng napakalawak sa kanya bago tumayo.

"Ah? Hehe kas—

"Alam mo bang pwede kitang parusahan sa pagtakas mo sa events Miss Alvarez?"

Napalunok naman ako ng bongga sabay ngiwi sa kanya.

'patay na talaga'

"Ano kase may sasa—

Pinutol na naman niya ang sinasabi ko.
Shet 'to! Isa nalang hahalikan ko na 'to. Napakasungit.

"I don't have time for your explanation Miss Alvarez. Go back to the gymnasium, before i punish you." Sabi nito bago tumalikod.

Kung hindi lang kita crush at di lang kita mahal kinonyatan na kita.
Sa sobrang inis ko sa kanya tinanggal ko ang sapatos ko at binato ko sa kanya and bang! HEADSHOT.

Mapahinto siya at masamang lumingon sa akin samantalang ako tinaasan ko siya ng kilay.

"MISTER SSG PRESIDENT TATANUNGIN KITA MAG UUSAP TAYO? O TAYO NALANG!" Malakas na sigaw ko dahil kanina pa ako nanggigigil sa pag pagputol niya sa lahat ng sinasabi ko.

"WHAT THE HELL!" Sabi nito

Lumapit naman ako sa kanya at hinili ang kwelyo niya para mapalapit siya sa akin bago bumulong sa tenga niya.

"Ano Mister President? Mamili ka usap tayo o tayo nalang?"

Tinitigan naman niya ko ng matiim bago tumayo ng tuwid.

"Fine! I choose both."

Nanlaki naman ang mata ko sa turan niya.

Ano daw? Wait nabingi ako
PROCESSING....
LOADING....
SUCCESSSSSS.

Shet! Nagulat ako ng hinili nya ang batok ko at hinalikan ako.

One Shot Story [UNDER REVISION]Stories to obsess over. Discover now