Compilation 6

2.7K 8 0
                                        

Compilation 6: Proposal

It's been a week at kahit ni isang miscalls and text wala akong natanggap sa kanya.

I started to get paranoid, iniisip ko kung bakit sa loob ng tatlong linggo wala siyang paramdam.

'May iba naba siya?'
'Nagsasawa na ba siya?'
'May mahal na ba asiyang iba'

Iyan ang mga katanungan na pumapasok sa isip ko.

Umiling iling ako, masyado lang siguro akong paranoid.

Nagulat na lamang ako ng biglang mag ring ang cp ko at ganon nalamang ang tuwa ko ng mapagsino ko ang caller.

"Hello! I miss y—

"Lets meet up in the school playground." then he hung up.

Gulat at lungkot ang namutawi sa loob loob ko, ni hindi man lang siya nag hello basta nalamang niya sinabi na magmeet kami sa playground.

***

Natapos ang klase ko ng hindi ako mapakali, sino ba ang hindi kakabahan sa ganoong asta niya.
Kinakabahan man pero pumunta parin ako sa lugar kung saan kami magkikita.

Nakita ko siyang nakatayo malapit sa isang puno tumakbo ako sa kanya upang yakapin siya.

"I miss you, Jade" i said with teary eyes.

Hindi siya gumalaw ni hindi niya ko niyakap pabalik.
Ngumiti ako sa kanya ngunit tinitigan niya lamang ako, tinitigan ko muna siya ulit ng ilang segundo bago nagsalita.

"Is there something wrong, babe?" Tanong ko.

Habang tumatagal nagiging akward ang moment namin, parang hindi siya si Jade parang hindi siya ang lalaking minahal ko dahil walang mababakas na emosyon sa mukha niya.

"Alam mo ba kung bakit kita pinapunta dito?" malamig na turan nito.

Tinitigan ko siya bago tumango, alam ko na, alam na alam ko na kung bakit niya ko pinapunta dito at alam ko na kung anong mangyayari.
Makikipaghiwalay siya. Ganon naman talaga diba? Katulad sa mga wattpad na nababasa ko pag 3 days na walang paramdam tapos cold pa sayo ganon yung magiging ending diba?

Iniisp ko palang na ayaw na niya sa akin naiiyak na ako.

'Gunggong talaga ito di niya ba naisip yung 2 taong samahan namin'

Umiiyak na ako sa harap niya wala na nga yata akong pakialam kung makita niya ako na tulo sipon.
Bakit pa ko mahihiya! Eh nasasaktan ako, masakit sobrang sakit.

"Bakit ka umiiyak?" Tanong nito.

Kung sungalngalin ko kaya siya para malaman niya kung bakit ako umiiyak. Gagong to!

"Gago ka ba na tunay?" Garalgal na tanong ko dito
Minsan napakasarap niyang batukan dahil sa ka engengan niya.
Bakit ba ako umiiyak? nagtatanong pa talaga siya. Siraulo!

"Ayoko na, ayoko na Charm."

"W-why"

"Ayoko na na maging girlfriend ka. Let's stop this."

Napaiyak ako sa mga narinig ko sa kanya, ang sakit pala pag sa mismong bibig niya na nanggaling yung mga hinala ko.

Tinakpan ko ang mukha ko ng dalawang kamay. Letcheng luha! Ayaw tumigil.
Kinuha nya ang dalawa ko na kamay at tsaka hinawakan ito.

Tinitigan nya ako sa mukha, sinakop ng isa nyang kamay ang dalawa kong kamay at ang isa naman ay nagpunas sa luha ko. "Pero mas ayokong mawala ka kase gusto na kitang maging asawa."

Nangunot ang noo ko at napatigil naman ako sa pag iyak parang umurong lahat ng luha ko.

"WHAT THE HELL! Ginagago mo ba ako?!" Humihikbi at galit na sagot ko.

Ngumisi naman ang walanghiya at kumindat pa sa akin.

"Ayoko na maging girlfriend ka kase gusto ko ng mapangasawa ka. Alam mo babe ang epic ng itsura mo tulo yung sipon mo,"

Humalakhak naman sya na ikinasimangot ko, tinapunan ko sya ng masamang tingin.

Kingina ano to prank!

"Bwesit ka!" gigil na turan ko sa kanya.

Hindi mawala ang ngisi na nakaplaster sa mukha nya. "Grabe babe ang advance mo mag isip kakabasa mo yan ng wattpad."

"Tigilan mo ko, Jade kokonyatan kita! Ginigigil mo ko!"

"Paanong gigil, baby? Hmm? Tingin nga"

Monggoloid talaga.

"Baby, I'm sorry. Actually, It's a prank kasama talaga ito sa plano ko."

"Hindi nakakatuwa." masamang tingin ko sa kanya.

"Kaya nga sorry na," may pa beautifull eyes pa ang gunggong.

"Bwesit ka pa rin."

Ngumiti sya at namungay ang mga matang nakatitig sa akin. "Baby, i love you so much. You are my life, my light with my darkest days and you are my happiness. Kapag nawala ka hindi ko kaya kaya."

He kneeled down.

Nagsimula nanamang mag patakan ang luha sa mga mata ko. Biglang lumiwanag ang buong playground at ganon nalang ang gulat ko ng makitang andon lahat ng mga  taong importante sa buhay ko si Mama, Papa ang mga kapatid ko at kaibigan, andon din ang mga magulang ni Jade. Pinagmasdan ko sila, at lahat sila ay nakangiti.

"Baby? Will you marry me?"

"Go besh! Lovelife na yan, woah"
Sigaw ng bestfriend ko kaya natawa ako.

"Ayoko," sumimangot ako at nag cross arm.

Napasinghap naman ang mga tao na nanonood sa amin

Halos mamutla naman sya sagot ko. "B-baby."

"Pinaiyak mo ko diba." sabi ko na nakataas ang kilay sa kanya kaya napangiwi na lamang ito at maya maya ay biglang yumuko.

"Jade." inangat ko yung mukha niya at tinitigan ko siya bago ngumiti.

"Ang epic rin ng mukha mo, Babe.." tawa ko. "..Yes Mr. Jade Dela Fuerte. I will marry you!"

"You're so mean, Baby."

Dinilaan ko lang sya kaya natawa sya.

Lumiwanag naman ang mukha niya at pagkatapos ay sinuot ang singsing sa kaliwang bahagi ng daliri ko then he kissed me infront of everyone.

One Shot Story [UNDER REVISION]Stories to obsess over. Discover now