Mysterious 4

507 23 0
                                    

Vote. Comment. Enjoy Reading 

Mysterious Bipolar

-ShookedShooky

Comfortable

Lutang akong nakauwi sa condo pagkatapos akong ihatid nung tatlo, hindi ko alam kung anong pinagsasabi nila dun sa doktor after nya kong kausapin.

Kaagad din naman akong nakatulog dahil nung magising ako 8am na buti nalang wala akong pasok ngayong araw at ayaw ko ding lumabas

Gusto ko lang mapag-isa sa apat na sulok ng kwarto ko at magkulong lang maghapon, I even turn off my phone para lang di nila ako matawagan.

Hanggang ngayon paulit-ulit paring nagre-replay yung pinag-usapan namin ng doktor kahapon.

*FLASHBACK*

"How are you feeling?" Tanong nya sakin

"Okay na ko doc, gusto ko nalang talaga umuwi" sagot ko sa kanya

"I'll go straight to the point hija, your heart condition is not good based on the result of the test we did. Masyadong mahina ang puso mo at maaari mo yung ikamatay kapag hindi ka nag-ingat. So ang payo ko lang sayo, be careful with your emotions. Too much emotions can weaken your heart so better to talk with your parents para maisagawa ang operasyon mo sa madaling panahon" sabi nya

"Pwede bang sa ating dalawa nalang tong napag-usapan natin? Ayokong may ibang makaalam ng kondisyon ko hangga't maaari" pakiusap ko sa kanya

Tumango naman sya saka nagpaalam na dahil may pasyente pa daw syang kailangang puntahan.

Tulala lang ako habang nakatingin sa pintong nilabasan ng doktor hanggang sa dumating nga sina Leria, tinatanong nila ako kung anong nangyari pero nanatili lang akong tikom ang bibig at pinili nalang na wag nang sagutin yung mga tanong nila.

*END OF FLASHBACK*

Now, how can I say my condition to my parents kung pareho din silang busy saka ayoko ding mag-alala si Mommy sakin

Napakunot bigla yung noo ko nung may nagdoorbell, ang tigas talaga ng ulo ng tatlong yun, sabi nang ayokong paistorbo eh pumunta pa talaga dito

I already told them not to invade my personal space here pero pumunta parin sila.

Asar akong tumayo mula sa pagkakahiga saka ako lumabas ng kwarto ko at tinungo yung main door, not minding kung naka loose shirt lang ako saka cotton short at flip flops, naka messy bun lang din yung buhok ko.

Napatanga ako pagbukas ko ng pinto ng tumambad sa harapan ko yung taong nambulahaw saking katahimikan.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko nung makabawi ako sa pagkagulat

"Can I come in?" Sagot nya sa tanong ko

May hawak syang malaking paper bag at isang plastic na may lamang prutas

"Go home and do not disturb me. Bawal pumasok ang kahit sino sa personal space ko" sabi ko saka ko isinara yung pinto pero agad naman yung naharang ng paa nya at dire-diretsong pumasok sa loob.

Argh, ang kulit!

Calm down Ae, bawal sayo ang magalit, remember your heart is weak.

Inhale, exhale

"I like your place" sabi nya habang dire-diretso ng lakad papunta sa kitchen

Nakasunod lang ako sa kanya, nilapag naman nya yung mga bitbit nya saka sya kumuha ng mga pinggan at utensils at nilabas yung laman ng paper bag na dala nya

Mysterious Bipolar (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon