Vote. Comment. Enjoy Reading
Mysterious Bipolar
-ShookedShooky
Kinabahan
Tatlong linggo na ang lumipas mula nung nag-umpisa akong tumugtog sa Heaven's bar, marami nang nakarecognize sa amin at mas sumikat pa daw yung banda sabi nina Paolo nung magpractice kami kahapon.
May mga kumuha pa nga daw sa banda nila para mag gig sa mga event, hindi ko alam kung paano nagsimula yung pag-ugong ng pangalan ng banda nila basta ang sabi lang nila dahil daw yun sakin.
May nag-upload daw kasi sa social media nung video namin habang tumutugtog at nag viral daw kaya maraming nagka interes, at sabi din ni Eric malakas daw yung benta ng bar simula nung pinasok nya ko sa banda.
May mga music agencies din ang gustong kumuha sa amin para maging recording artist pero tumanggi ako dahil ayokong maging center of attraction.
"AK, sigurado kang ayaw mo talagang maging sikat na singer? Malaking opportunity din yun saka mas malaki yung kita" sabi ni Nico
Nakabalik na pala sya last week dahil tapos na daw yung problema sa bahay nila.
"Kung gusto nyo kayo nalang, wala akong interes na sumikat at kung yung kikitain sa pagiging recording artist ang usapan no offense meant, pero barya lang yun sa kinikita ko sa pagiging racer" sagot ko
"Car racer ka?" Sabay-sabay nilang tanong
"Yeah kaya wag nyong ipagsasabi sa kahit sino kahit kay Eric" sagot ko
"Naiintindihan namin, wag kang mag-alala safe ang sikreto mo. Pero paano ka pala nauwi sa pagba-banda?" Sabi ni Paolo
"A decision out of boredom but I enjoy it eventually saka naka bakasyon naman ako kaya walang problema sakin kung tumugtog ako" sagot ko
"Medyo pamilyar ka nga pero di ako sure kung ikaw yung nakita ko sa world news o hindi" sabi ni Oliver
"Sino ba yung tinutukoy mo brad?" Tanong ni Carl
"Yung sikat na female racer sa England, si First Mackintosh. Laging laman ng world news yun pati mga american tabloids tuwing mananalo sya" sagot ni Oliver
Parang gusto ko tuloy lumubog sa kinauupuan ko bigla dahil sa pinagsasabi ng lalaking to tungkol sakin.
"Let's drop that topic, magpractice na tayo ulit dahil may gig pa mamayang gabi" putol ko sa usapan nila
Nagsimula naman na kaming magpractice ng mga kakantahin namin.
Naging busy na ako simula nung mag-umpisa akong magbanda, lagi na din akong tumatanggi kapag inaaya ako nina Jino na gumala kaya nagtatampo yung dalawang lukaret na babae sakin.
Sinabi ko naman na sa kanila na may trabaho na ko pero di ko sinabi kung ano dahil siguradong lagi nang tatambay yung mga yun dito kapag nalaman nilang tumutugtog ako dito
Mabuti nalang din at natatago ng bucket hat, cap, mask at hoodie yung mukha ko tuwing may gig kaya walang nakakakilala sakin kapag lumalabas na ko bar.
Kakagaling ko lang din ng Greece last week nung bumalik si Nico dahil nanganak na si Leria, ayaw pa nga nya kong paalisin pero nung sinabi kong may trabaho na ko, halos ipakaladkad naman ako paalis ng palasyo para bumalik dito sa pilipinas, hindi ko talaga maintindihan ang takbo ng utak ng babaeng yun.
BINABASA MO ANG
Mysterious Bipolar (COMPLETED)
FanfictionKlein knows what she should and shouldn't do, no one can unmask her real identity until she choose to study in Pied Piper university. Dahil sa paghihintay sa kaibigan, she decided to sleep, isang mala-anghel na mukha ang nabungaran nya pagmulat nya...