Mysterious 32

223 12 0
                                    

Vote. Comment. Enjoy Reading 

Mysterious Bipolar

-ShookedShooky

Bwisit

Hapon nung nagdesisyon akong umuwi, buti nalang at wala na sya sa condo ko, inayos ko na agad yung mga damit ko pati na yung iba ko pang gamit.

Dalawang malaking maleta yung bitbit ko paglabas, pinalitan ko din ng passcode yung pinto, yung phone ko iniwan ko at dinala yung isa kong phone na ginagamit ko kapag nasa ibang bansa ako.

Nagdrive ako at bumalik sa PathRoad, at dumiretso sa bahay nina tito Onix.

Yung kambal na sina Lucas at Luna lang yung naabutan ko nung makarating ako, wala si Vaughn kahit sina tito Onix wala.

"Ate Klein, what are you doing here?" Tanong ni Luna

"Dito muna ako magi-stay ngayon bago kami umalis ng kuya Asher nyo" sagot ko

"Huh? Saan naman kayo pupunta?" Tanong naman ni Lucas

"May pupuntahan lang kami ni kuya nyo kaya kami aalis" sagot ko

"May pasalubong kami?" Tanong nilang dalawa

"Yup. Nasaan pala si kuya Vaugh nyo?" Tanong ko

"Wala po, kasama nya si ate Cherry may date daw sila" sagot ni Luna

Baka girlfriend nyang bago yung Cherry, para ring sina Earl yung lalaking yun papalit-palit ng babae.

Apat na kwarto lang meron sa bahay na to, yung isa kwarto nina tito Onix, tapos yung kwarto ng kambal, saka yung kwarto nina Abo at Vaughn.

Kahit saan namang kwarto nilang magkakapatid pwede ako, mamaya ko nalang poproblemahin yun.

Prente akong nakaupo sa sofa nila nung dumating si tita Kristen na galing yata dun sa shop sya may bitbit kasi syang cake nung salubungin sya nung kambal.

"Mommy, ate Klein is here!" The twins announced kaya napalingon sa gawi ko si tita saka ako nginitian

"Oh Klein, what bought you here?" Tanong nya

"Business tita, aalis kami ni Abo bukas kaya dito na muna ako matutulog ngayong gabi" sagot ko

"Ganun ba? Kumain ka na ba Klein?" Tanong nya

"Not yet tita, sasabay nalang ako kay Abo kumain, pupuntahan ko pa din sya sa bar ngayon. I'll go ahead tita" sagot ko

"Ganun ba, sige mag-iingat ka" sabi nya

Pagkatapos kong magpaalam, lumabas na ko at sumakay sa kotse ko saka yun pinaharurot papunta sa bar ni Abo

Marami nang tao nung dumating ako, usually mga gangster ang nandito pero meron ding mga taga labas, sa kabila naman sila nang gagaling hindi sa mismong west side.

Kami lang naman yung mga hindi gangster na nakakalabas-masok dito sa PathRoad dahil kilala yung mga magulang namin dito at si tito Onix parin ang may control sa buong west side simula nung ipasa sa kanya ni tita Storm yung pamamahala dito kaya nga hanggang ngayon, maayos parin ang buong west side.

"Come here Klein, kailangan ko ng bartender ngayon" bungad nya sakin

Sinamaan ko sya ng tingin kaya natawa lang sya sa inasal ko

Mysterious Bipolar (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon