Mysterious 42

262 13 0
                                    

Vote. Comment. Enjoy Reading 

Mysterious Bipolar

-ShookedShooky

Mess

Pagkatapos ng pananghalian namin kahapon ay parang walang seryosong usapan ang naganap dahil parehong napagalitan ang kapatid ko at si Nana.

I was with Gloss that time at namamasyal kami sa garden ng makita ko yung nagtatakbuhang mga kawal kaya tinanong ko sila kung ano bang nangyayari, nagaaway daw si Nana at ang kapatid ko kaya napasugod din kami ni Gloss.

Abcde was holding Nana, more like bitbit nya to habang nagpupumiglas, nakahawak naman sa mukha nya ang kapatid ko na malamang ay sinapak na naman ng bestfriend nya.

"Bwisit ka talagang Sethanas ka! Sasapakin ulit kita makawala lang ako dito!" Sigaw ni Nana

"Hoy Devs, nakakadalawang suntok ka na sakin!" Sagot naman ng kapatid ko

"Anong nangyayari dito, Nana, Jasper?" Tanong ni tito Night at kasama nya pala sina tito Axel

Bigla namang naging maamong tupa si Nana, malamang ay ayaw nyang mapagalitan

"Yan kasing bwisit na lalaking yan,  sabi nang wag pakawalan yung aso nya ginawa pa din, sinira tuloy yung bagong sapatos ko!" Sumbong ni Nana

"Hoy, hindi ako ang nagpakawala dun, at kasalanan mo din kasi iniwan mong bukas yang kwarto mo" sagot naman ni kuya

"Ano na namang nangyayari dito?" Tanong ni tita Storm kasama ang mga babae nyang kaibigan mukhang nakahiwalay sila sa mga asawa nila dahil magkakasama yung mga tatay namin

"Nag-away na naman ang dalawang pasaway na to" naiiling na sabi ni tito Night

Napailing nalang ako sa nasaksihan ko, hindi na talaga nagbago ang dalawang yun, lagi nalang nagkakapisikalan pero panay naman ang dikit sa isa't-isa.

Nung hapon din na yon pareho silang pinosasan sa isa't-isa kaya parehong nakabusangot ang mga mukha nila na parang balewala lang sa iba dahil panay pa ang pambubwisit nila na pinangungunahan nina Abo.

Mga siraulo talaga, pagpinatulan na naman sila ni Nana tong Abo na to, magsusumbong na naman na inaaway sya.

Kakatapos lang ng binyag ni Xavi at nagkakasiyahan na silang lahat, back to normal na naman yung dalawa na parang hindi sila halos muntik magsuntukang dalawa.

Nagkakasiyahan ang mga magulang namin sa pangunguna ng nakatatandang magpipinsang Fernandez na napupuno ng halakhakan ang table na inookupa nila kasama ang mga asawa nila.

His Dad looks really intimidating lalo na kapag seryoso ang mukha nito at napaka amo naman ng mukha ng asawa nito na laging may nakahandang matamis na ngiti.

Ngayon alam ko na kung saan nila namana yung ganda ng angkan nila dahil hindi lang pala mga tatay nila ang may ibubuga sa itsura, pati narin ang mga Nanay nila.

Hindi naman kasi lahat ng mga asawa nila ay nakita ko na, iilan lang din yung nakita ko.

Gloss got her Mom's nose and lips tapos yung ibang features ng mukha nya ay namana na nya sa Daddy nya lalo na yung mga mata nya.

Si Air naman ay obviously sa Daddy nila nagmana dahil kung paano ito makitungo sa mga tao ay kapareho ng ama nito, yun yung napansin ko nung makausap ko ang ama nila nung makipag meeting ako.

Mysterious Bipolar (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon