Mysterious 38

223 9 0
                                    

Vote. Comment. Enjoy Reading 

Mysterious Bipolar

-ShookedShooky

Manatiling lihim

Sa rooftop ng company lumapag si spartan, no one knows na ngayon ang uwi namin.

Sinalubong kami ni Vaughn na mukhang problemado din dahil sa nangyari, I can't blame him none of us expect a situation like this matagal na sa pamamahala namin ang kumpanya at ngayon lang nangyari ang ganito.

"Second and Vaughn, prepare the board room in 20 minutes. Make sure na lahat pupunta, I don't want any excuses" utos ko habang pababa kami

"Copy" sagot nila

"Fourth and Fifth, kayo nang bahala sa report na sinend ni Dex" sabi ko

"Masusunod" sagot nila

"Abo, ihatid mo muna si Gloss sa office ko tapos tawagan mo si Prime sabihin mo ihatid nya si axis sa office ni Tres. Gloss, sumama ka kay Abo wait me in my office. Tres, follow me" utos ko

Isa-isa naman silang nagsitango kaya naghiwa-hiwalay na kami ng daan, sa office ni Tres kami dumiretso dalawa

"Are you sure about using axis?" Tanong ni Tres pagkapasok namin

"Yeah, I'm sure wala nang uulit sa susunod pagkatapos" sagot ko

"Well, it's been 5 years since nung huli mo syang ginamit and I can't believe na gagamitin mo ulit sya ngayon" sabi nya

"Kung marunong lang sanang matakot ang mga tao dito, hindi ko na sya kailangan pang gamitin" sagot ko

"How about that Fernandez, alam nya ba ang tungkol sa axis mo at kung para saan mo sya ginagamit?" Tanong ni Tres na dahilan kung bakit ako napahinto

Shit!

Oo nga pala, walang alam si Gloss tungkol sa bagay na to, isa ito sa lihim na tinatago ko sa kanya.

My axis.

My most prized possession double blade katana na regalo sakin ng dating hari nung 7th birthday ko.

That katana had the sharpest blade at ang pinakaunang dugong dumaloy sa katana na yun ay ang mismong dugo ko.

"Don't let him be near the board room later, ayokong makita nya kung anong gagawin ko sa taong yun mamaya" sabi ko

"Imposible yang gusto mong mangyari First dahil paniguradong malalaman at malalaman nya din" sabi sakin ni Tres

Napangisi naman ako

"Who told you na may makakaalam bukod sa atin? I'll do it privately, fast and no sound" nakangising sagot ko

"I'm seeing the real Aedree Klein right now, without a mask, gone the lazy and pretending girl" sabi nya na tila ba namamangha.

Nung dumating si Prime ay dumiretso na kaming tatlo sa board room, nandun na din si Abo na sobrang seryoso ng mukha, malayo sa isip bata at pasaway nyang imahe.

Kumpleto na din ang board of directors pati na yung mga taong pinatawag ko.

Halata sa mga mukha nila ang pagtataka kung bakit biglaan akong nagpatawag ng meeting pero wala namang naglakas loob na magtanong at pawang mga nakikiramdam lang ng mangyayari.

Mysterious Bipolar (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon