Mysterious 5

486 22 0
                                    

Vote. Comment. Enjoy Reading 

Mysterious Bipolar

-ShookedShooky

Effect

Nakapasok na ako sa university na parang walang nangyari sakin kahapon, hindi ko nga alam pero ang gaan ng pakiramdam ko nung magising ako kinaumagahan.

Nagulat na nga lang din ako at nasa kwarto na ko nung magising ako kanina, sa pagkakatanda ko kasi sa bean bag pa ko nakahiga kahapon habang nanonood tapos nagulat nalang ako na nasa kama na ko.

Sabagay, ni hindi ko nga alam kung anong oras na umuwi ang lalaking yun eh, nakatulugan ko na kasi.

Tss. May side effects pala yung binigay na gamot ni doktora, sa tingin ko nga mas lumala lang kung kondisyon ko dahil na din sa gamot, mas madalas na kasi akong antukin simula pa kaninang umaga.

Ilang beses nga din akong napagalitan ng mga professor dahil nahuhuli akong tulog, aba hindi ko naman ginustong magtulog ng halos kalahating araw kung hindi nga lang kailangang inumin yung mga gamot na yun, itatapon ko nalang o di kaya ipamimigay ko.

"Tara na Ae, nandun na yung dalawa" sabi ni Leria

Nasaan na ba kami?

Ah, palabas nga pala kami ng university dahil lunch time na, masyado kasing malalim yung iniisip ko kanina.

"Hindi ka namin macontact kahapon, ano bang nangyayari sayo Ae?" Tanong ni Dex nung makarating kami

"Wala lang ako sa mood kahapon saka ayokong magpaistorbo. Bakit, may nangyari ba kahapon?" Sagot ko

"Hinahanap ka ni Brick sa Heaven's Bar, may atraso ka ba sa isang yun? Galit na galit eh" sagot ni DK sa tanong ko

"Wala naman, saka hayaan mo syang maghanap sa taong ayaw magpakita" sabi ko

"Yung totoo, anong ginawa mo?" Tanong ni Dex habang pinaniningkitan ako ng mata

I pouted before answering him

"Hmm.. Binasag ko yung windshield ng kotse nya, binutas ko yung gulong saka ko hinampas ng bat yung likuran at harap ng kotse nya, yun lang and it's not even a big deal" sagot ko saka ako sumubo ng sunod-sunod

"What the! kaya naman pala galit na galit ang isang yun eh!" He hissed

"Kasalanan nya, nananahimik ako tapos hinila nya ko sa CR at balak pa kong pagsamantalahan buti nalang nasipa ko sya sa toot toot nya kaya nakatakbo ako. Papatayin ako ng hayop na yun sa hingal eh, bawal nga akong mapagod ng sobra kaya ayun, ginantihan ko" sagot ko

"Aba, kulang pa pala yung ginawa mo sa kotse nya eh, dapat pinasabog mo yung condo yung manyakis na yun!" Gigil na sabi ni Leria

Hala~ beast mode na si Leria~

"Siraulong to, tinuruan pa yung isa" singhal sa kanya ni DK saka sya pinitik sa noo

"Aray! Maka pitik naman to, ang pangit mo! Jutay ka!" Sigaw sa kanya ni Leria

Hay, nagumpisa na naman silang dalawa

"Kayo bang dalawa di tatahimik o gusto nyong ako ang magpatahimik sa inyong dalawa?" Pagbabanta ni Dex sa kanila

Pareho silang ngumuso at nag-iwas ng tingin kaya napangisi ako bago ko tinapos yung pagkain ko.

"Mauna na pala kayo, may kailangan pa kong bilhin sa mall" sabi ko sa kanila pagkalabas namin ng restaurant

Mysterious Bipolar (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon