Special Chapter

290 11 0
                                    

Vote. Comment. Enjoy Reading 

Mysterious Bipolar

-ShookedShooky

Untold Part Of Gloss Ezekiel Fernandez

Kuhanin

Araw-araw ko syang hinihintay sa room pero walang Aedree ang dumating sa nakalipas na isang buwan kaya mas lalo akong nawalan ng pag-asang makikita ko pa sya pero pilit kong pinapatatag ang kalooban ko kahit na alam kong imposibleng magpakita pa sya sakin.

Sinubukan kong ibaling sa ibang babae ang atensyon ko pero tangina lang, sa bawat pagpikit ko, yung maamong mukha nya ang nakikita ako at sobra akong nakukunsensya.

"I can't do it" sabi ko sa babaeng kasama ko sa loob ng isang cubicle ng girls cr

"But why? I-i'm almost there" sagot nya

"Tsk" tanging naisagot ko saka ako lumabas ng cubicle na maayos parin ang uniform at hindi man lang nagusot

Halos mamutla ako at hindi makagalaw ng makita ko syang nakatayo sa harap salamin habang malamig at walang emosyon ang mukhang nakatingin sakin.

Halos manlumo ako sa mga salitang binitawan nya habang nakatanaw lang ako sa papalayo nyang bulto kasama ang kaibigan nya, hindi ko man lang namalayang umiiyak na pala ako kundi pa pinunasan ni Air ang pisngi ko.

Tangina, masakit pala pag sa taong mahal mo mismo nanggaling na walang akong kwenta at ako ang pinakamalala sa lahat ng taong nakilala nya, parang unti-unti akong pinapatay ng sakit na nararamdaman ko ngayon. 

"Hindi ako magtatanong kung anong nangyari, basta umiyak ka lang kung gusto mo alam kong kailangan mo yan ngayon para maibsan kahit paano yang sakit na nararamdaman mo" saad nya

I just hug my sister and buried my face on her neck and silently cried my heart out, alam kong may alam na din yung kapatid ko dahil malakas ang pakiramdam nya sa mga tao o bagay na nakapaligid sa kanya.

Gusto kong mainis sa pinsan ko ng malaman kong sa kanya pala nakatira si Aedree ng isang buwan pero ano bang alam nila? Wala naman, kaya kinimkim ko nalang yung inis na nararamdaman ko.

Ramdam ko yung bigat ng titig ng kapatid ko sa akin at sa kanya pero wala syang sinasabing kahit ano.

"Have you fallen in love, AK?" Biglang tanong ng kapatid ko

Hindi ko alam pero bigla nalang akong kinabahan sa maaring nyang isagot

"Call me Klein. my name is Klein and to answer your question, No" sagot nya

Pakiramdam ko ay sinaksak sa puso dahil sa sinabi nya pero hindi maalis sa isip ko yung sinabi nya

She called herself Klein, not Aedree na unang pangalang binanggit nya sakin, na kahit ang pinsan ko, yung kapatid nya, pati yung mga taong bumisita sa kanya sa ospital ay yun din ang tinawag sa kanya.

Sino ka ba talaga Aedree, at anong totoo sa pagkatao mo?

Ano ba talagang dapat kong paniwalaan sa mga salitang lumalabas sa bibig mo o baka ni isa sa mga yun ay walang totoo?

"I won't be surprise if my brother will fall in love to a girl who wouldn't love him back the way he wants it. Baka kasi mawalan na ng tiwala yung babae sa kanya o baka nga wala nang tiwala sa kanya dahil sa pagiging babaero nya" sabi ni Air na blangko ang mukha

Mysterious Bipolar (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon