Vote. Comment. Enjoy Reading
Mysterious Bipolar
-ShookedShooky
Blurred image
Pinark ko yung kotse ko sa tabi nung dalawang van saka ako lumabas, iniwan ko muna sa sasakyan yung mga gamit ko.
Matry ngang magdrifting dito sa buhanginan minsan, yung ginawa naman kasi namin sand boarding sa desyerto nung pumunta kami sa Dubai.
Natatanaw ko na yung dagat mula sa pwesto ko kaya mas lalo akong napangisi, hindi din nagtagal nakita ko na din yung rest house pero wala yata sila sa labas.
Sabagay, ala una na ng tanghali kaya malamang nasa loob yung mga yun at baka nga kumakain palang sila ng lunch.
Sumilip ako dun sa bintana nung makarating ako, nakita ko sina Cali na nakasalampak sa sala habang nanonood ng TV, yung dalawang babae ewan ko lang kung nasaan
Bubuksan ko na sana yung pinto nung marinig ko yung sigaw ni Nana mula sa loob, ano na naman kayang nangyari?
"Bwisit kang Satanas ka! Lumayas ka nga dito!" Sigaw nya
Akala ko naman nagmatured na sila sa tatlong taon kong pagkawala, hindi parin pala sila nagbago parang mas lumala pa nga.
Pagbukas ko ng pinto, bumungad yung kapatid kong sapo-sapo yung mukha, malamang sinapak na naman sya ni Nana.
"Tss. Ito talaga mabubungaran ko?" Walang emosyong sabi ko
Sabay-sabay naman silang napatingin sa gawi ko at nanlalaki yung nga mata nila sa gulat
"OMG! DREE!!!! YOU'RE BACK!! KYAAAAAAHHHHHH!!!!" tili ni Nana saka ako dinamba ng yakap
Nakarinig naman ako ng kalabog mula sa itaas at bumungad si Aki na magulo pa ang buhok at pupungas-pungas yung mata pero napalitan din agad yun ng gulat.
"KLEIN?! KYAAAAHHHH YOU'RE BACK NA!!" Tili naman ni Aki saka sya mabilis na bumaba ng hagdan muntik pa nga syang malaglag
Uh.. nabasag yata yung eardrums namin sa lakas ng boses ng dalawang to
Niyakap din naman ako isa-isa saka kami pumunta sa sala
"Kailan ka pa nakabalik?" Tanong ni Jino
"2 days ago" sagot ako
"Ba't hindi ka man lang nagsabi sa amin na uuwi ka pala sana nasundo ka namin" sabi ni kuya
"It's not a surprise anymore kung pinaalam ko sa inyo" sabi ko naman
"Teka, alam na ba nina Patéras na nandito ka?" Tanong ni kuya
"Nope, kayo palang. Dumiretso na ko agad dito kahapon kaso inabot na ko ng gabi kaya nag overnight muna ako sa hotel tapos bumyahe nalang ulit kanina" sagot ko
"I'm sure matutuwa sina Mommy kapag nalaman nilang nandito ka" sabi ni Nana
"Kaya nga, ang tagal mo ding hindi umuwi dito, ni paramdam wala. Tapos last week mo lang kami naisipang kontakin pagkatapos ng tatlong taon" dagdag naman ni Aki
Himala yata di na sya conyo girl, may himala yatang nangyari sa isang to
"How's your stay in London?" Tanong ni Cali
BINABASA MO ANG
Mysterious Bipolar (COMPLETED)
FanficKlein knows what she should and shouldn't do, no one can unmask her real identity until she choose to study in Pied Piper university. Dahil sa paghihintay sa kaibigan, she decided to sleep, isang mala-anghel na mukha ang nabungaran nya pagmulat nya...