Vote. Comment. Enjoy Reading
Mysterious Bipolar
-ShookedShooky
Katauhan
It's afternoon already at napagpasyahan naming pumunta sa nag-iisang mall dito para bumili ng damit ko dahil isang pares ng damit lang ang dala ko at yun yung loose shirt at cotton short na suot ko.
Nanghiram na nga lang ako ng pinakamaliit na tshirt nya saka ko sinuot ulit yung jeans ko.
"Where are you going?" Tanong nya sakin nung lagpasan ko yung isang boutique
"There, bibili ng tshirt" sagot ko saka ko tinuro yung mens wear
"Puro ganyan ba ang mga damit mo?" Tanong nya nung makapasok na kami
"Hindi naman, mas komportable lang ako magsuot ng panlalaking damit kaysa pambabae" sagot ko
Inabala ko naman yung sarili ko sa pagpili ng damit, halos puro white loose shirt ang kinuha ko saka plain na V-neck shirt tapos binayaran ko na yun tapos dumiretso na kami sa women's wear para bumili ng undergarments saka short saka namin yun binayaran.
"Let's go eat somewhere" sabi nya saka nya hinawakan yung kamay ko
Nasa isang kamay nya yung shopping bag na pinamili namin saka kami naglakad habang naghahanap ng pwedeng kaninan.
"Let's try on that, I think they're serving filipino cuisine" sabi ko sa kanya
"Okay, let's go" pagsang-ayon nya
Buti nalang at hindi masyadong matao kaya nakahanap agad kami ng pwesto, sya na yung nag-order ng pagkain namin dahil wala naman akong alam na filipino food bukod sa street food saka yung niluto nyang tinola.
"What do you call this?" Tanong ko saka ko tinuro yung sabaw na may malaking buto
"Bulalo tawag dyan, tikman mo masarap yan" sagot nya saka ako sinubuan nung kanina na may sabaw
Masarap ng sya kaya nagthumbs up ako sa kanya saka sya napangiti kaya nakita ko na naman yung malalim nyang dimples kaya napaawang yung labi ko.
"How about this one?" Tukoy ko naman dun sa parang kulay yellow na parang orange na malapot
"That's Kare-kare tapos ito naman yung bagoong, ihalo mo yan dun sa kanin na may sabaw" sabi nya
Ginaya ko naman ginawa nya bago ko yun tikman, nagthumbs up ulit ako sa kanya hanggang sa matapos kaming kumain
"I really like the Kare-kare and bagong ba yun?" Tanong ko
"It's Bagoong" sagot nya
"Yeah that, pero hindi ko masyadong gusto yung amoy" sabi ko
"How about street foods, hindi ka pa ba nakakakain nun?" Tanong nya
"Yun lang yung alam kong Filipino food, madalas kasi nilang kainin yun, ayoko lang yung itlog na may sisiw sa loob it looks awful" sabi ko saka ngumiwi sa huli kong sinabi
Natawa naman sya sa reaksyon ko saka napailing bago nagpatuloy sa paglalakad.
"You're being cute again" sabi nya
"I'm not!" Depensa ko
Napanguso naman ako para pigilan yung pagngiti ko.
BINABASA MO ANG
Mysterious Bipolar (COMPLETED)
FanfictionKlein knows what she should and shouldn't do, no one can unmask her real identity until she choose to study in Pied Piper university. Dahil sa paghihintay sa kaibigan, she decided to sleep, isang mala-anghel na mukha ang nabungaran nya pagmulat nya...