Chapter 1 -- A Whole New World.

591 12 2
  • Dedicated kay Abigail Sarah Gulin
                                    

~ ANGEL'S POINT OF VIEW

Ugh. First day ko sa new school ko! Grabe, kinakabahan ako. Well, sana marame akong maging friends. Baket pa kase naisipan ni Mama lumipat sa Manila nang hinde pa ako nakaka-graduate ng high school? :| 

Anyway, first day ko ngayon sa Baste. It's not like it's my first day sa High School, Sophomore na nga ako eh. It's just that this is a private school. Puro mayayaman ata nandito. Baka wala akong makasundo. Oh, well. Papasok na ko sa classroom. Here it goes!

.......

Waaahh! Nakatingin sila sa'ken. Saan ako uupo?! Dun nalang ako sa likod, mabawasan man lang hiya ko..

"Good morning, class." sabe nung teacher. I guess sya ang adviser namen. Mukhang bata pa sya, at ang ganda nya. "We will follow a seatplan. I'll arrange you alphabetically."

Ehh?! Seatplan? Alphabetical pa? Eh Angeles ako eh. Sa unahan pa talaga ako? Well, it's not like di ako sanay sa harap pero nahihiya ako kase ibang environment to eh. Kinakabahan talaga ako, graaaabe!

Umupo na ko sa pangatlong upuan sa harap. Bute nalang hindi ako yung pinakauna. Mabait pa rin si Lord.  

Yung katabi ko sa kanan, lalake. Mukhang siga. Nakakatakot kausapen. Yung nasa kaliwa ko naman, babae sya. Nakasalamin, mukhang matalino at mukha ring tahimik. Siguro kung susubukan ko syang kausapin, magiging magkaibigan kame. Well, need to try. *sigh*

"Uhh.. Hello. Ako si Angel, anong pangalan mo?" nginitian ko sya.

Mga 3 seconds bago sya sumagot. Tinitigan nya ko.. "Maya.." Parang ang weird nya. Parang walang kabuhay-buhay kausap. Tapos yung mga mata nya, parang laging wala sa sarili. Emotionless ba..

"Ahh.. Nice meeting you, Maya!" nginitian ko sya ulet. This time, mas malapad na ngiti na. Labas ipin pa. Baka iniisep nya na weird ako kaya sya ganun makatingen. Pero parang wala pa rin nagbago. Ang cold pa rin nya, yung mata nya parang lifeless. Tumungo lang sya at yumuko. Tinuloy nya yung binabasa nyang libro. Ugh! Mukhang mahihirapan akong makipagkaibigan dito ah.

Habang nagsusulat ako ng notes, lumabas yung teacher. Narinig kong nagchichismisan yung mga babae sa likod ko.

"Uy, Tea! Kaklase natin syaaa." ♥

"Oo nga eh. Grabe, kinikileg akooo! Sana maging close kame." sabe nung Tea.

"Nako, babae. Wag kang magdamot ah! Tsaka as if namang mapapansin nya tayo. Lahat nalang ng babae, sinusungitan nyan eh." sabe naman nung isa.

"Jam, grabe ka. Gusto ko lang namang makausap sya, kahit yun lang, masaya na ko dun!"

"Sabagay.. Uy uy! Tingnan mo sya. Kinausap nya yung babaeng katabi nya! Nginitian nya pa oh. Kainggiiiiit!"

Nilingon ko kung sino yung tinitingnan nila. Nalaman ko agad kung sino yung tinutukoy nila, ang dameng nakatingen dun sa lalake eh. Mukhang sikat na sikat to ah. Hmmm.. Gwapo nga sya. Pero parang pasaway.

Kinalabit ko si Maya. "Uhh.. Maya, mukhang crush ng bayan yung lalaking yun ah. Sino yun?"

"Ah, si Ivan.. 3rd Runner Up kasi sya sa Mr. and Ms. High School last year kaya sikat na sikat sya." mukha namang mabaet tong si Maya, siguro ganto lang talaga sya.

"Ah, ganun ba. Galing naman.. Pero tingin ko, hindi lang yun yung dahilan kung bakit sya sikat. Gwapo naman kase talaga sya eh. Lahat ata ng babae, may crush sa kanya. Hmm.. Crush mo rin ba sya, Maya?"

"Of course not. I hate him!" pinagpatuloy nya na ulit ang pagbabasa nya. Mukhang nairita sya sa'ken.. Haaaayyy.. Mukhang mahihirapan talaga ako makipagkaibigan sa kanya.

My Love. ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon