Chapter I

3.8K 83 21
                                    

(Ginaganahan ako mag update kaya sulitin niyo. 😂 Enjoy 😉)


Lisa

"Fuck!" taragis na mantikang yun! Puro band aid lang naman ang daliri at braso ko para sa preparation na to.

Well, katatapos ko lang i-prepare ang dinner namin ni Jen. Super pinaghandaan ko ang gabing ito para sa kanya. Matagal tagal na rin kaming di nakakapag laan ng time sa isa't-isa kaya i've decided na umuwi ng maaga to prepare all of this.

 Matagal tagal na rin kaming di nakakapag laan ng time sa isa't-isa kaya i've decided na umuwi ng maaga to prepare all of this

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Medyo maaga-aga pa naman kaya tinext ko muna si Jen na umuwi ng maaga mamaya dito sa bahay. I want to surprise her tonight so wala akong clue na sinabi sa kanya hehe..

Since nung nagpropose siya sa akin, we chose na tumira sa isang bahay to spend more time with each other. Para na rin kaming kinasal pero iba parin sa feeling pag "wife" na ang tawag ko sa kanya.

Sa sobrang dami naming napagdaanan, di ako nagdalawang isip na siya ang makasama ko habang buhay. Iba magmahal si Jennie, at napatunayan ko yun sa mga oras na nanatili siya sa tabi ko nung mga panahong ramdam kong mag-isa ako. Lahat ng pag-aalaga, pagmamahal at pag-aasikaso ginawa niya para sakin. Napaka wife material right?

Isa pa dito yung factor na she is so damn gorgeous. Siya ang kaisa-isang babaeng minahal ko ng sobra. Well, syempre dumaan ako sa mga fling, at di maikakailang magaganda sila but none of them caught my whole attention. Napaka swerte ko na makasama ang babaeng nagbago at nanatili sa tabi ko hanggang sa huli. I can't wait to spend my life with her.

Natapos ang muni-muni ko ng biglang tumunog ang cellphone ko. "Shit!" muntik ko lang naman mabitawan ang phone ko sa lalim ng iniisip ko. Dali-dali kong binuksan inbox ko cause i know si Jen yung nag text. I frown ng mabasa ko ang text niya.

From: Baby Jenjen

"Hi babe, I'm sorry, baka malate ako ng uwi. Bakit po? Nasa bahay ka na ba? Medyo madami kasing ginagawa dito sa opisina. Nagbigay pa ng due date si Jisoo na maipasa na ngayon yung mga papers na dapat for next week. I'm so sorry. Try ko umuwi till 8. Wait for me ;)"

I sigh.. these past few days, napaka workaholic ni Jen. Naaawa na rin ako kasi lagi na siyang late umuwi. We couldn't even talk like we used to before kasi pagod na siya pag-uwi. Kaya nga nag decide ako na gawing espesyal ang gabing ito saming dalawa.

Anyways, isa si Jisoo sa mga bestfriend ni Jen, at the same time boss din siya ni Jen sa opisina. I know, I know.. may company din ako. Tinry ko siyang pilitin na sa company ko nalang mag trabaho but she insist na sa iba na lang para makatulong din siya sa mga expenses and mamiss ko naman daw siya hahaha.. well, I do really missed her now.

I guess, ipapasok ko muna sa loob 'tong pagkain at initin ko na lang mamaya sa oven before dumating si Jen. Dumidilim na yung langit, sana naman hindi umulan, sayang naman yung table preparation ko sa labas pag umulan. Well, nothing can change my mood right now, i wanna spend this night with her.

Unfaithful Lover (JenLisa)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon