Ikalawang Silip

86 2 0
                                    

Chapter II

“Anak, anak. Gising na.”

Naririnig ko ang nanay ko, nakapikit pa rin ang mga mata ko at tulog pa rin ang diwa. Hindi ko maintindihan kung bakit ginigising ako ni mama e may alarm naman ako.

“Nay? Ano ba!”, umupo ako at chineck ko agad ang cellphone ko. 6:20. 6:30 am ang alarm ko dahil 7:30 ang pasok namin.

“Anak, kanina pa kita ginigising.”, nakapamewang si Nanay at may dala pang sandok.

“Nay, bakit po? Maaga pa naman po.”

“Maghilamos ka na, magsipilyo ka na doon. Naku, nakakahiya ka. May bisita ka.”, si Nanay na nagsasalita habang tinutupi ang kumot na ginamit ko.

Bisita? Ang aga-aga may bisita ako? Siguro si Matt nanaman iyan. Hay nako.

Dumeretso ako sa banyo at ginawa ang mga dapat gawin. Naligo na rin ako total medyo oras na rin. Pagbaba ko, kumakain sila Nanay at ang kapatid kong lalaki, kasama si..

“Hi. Asawa—este Joseph.”, si Nikki na todo ngiti. Anong ginagawa niyan dito?

“Kuya, ang ganda ng girlfriend mo ah.”, sa sinabi ng kapatid ko, tinapik ni Nanay ang kamay niya.

“Anak, kain na dito ng almusal. Baka malate kayo ng girlfriend mo.”

Naningkit ang mga mata ko..

Girlfriend? Sinong girlfriend ko? Anong ginagawa ni Nikki dito?

“Oy,”, nilapitan ko siya at hinawakan ang braso niya saka siya hinila palabas ng bahay.

“Anak, ano ba yan.. Mag-ingat ka naman.”, narinig ko pang sabi ni Nanay pero hindi ko siya pinansin.

“Aray naman Joseph. Napaka-brutal mo naman.”, binitawan ko siya.

“Anong ginagawa mo dito?”, medyo galit kong tugon. Hinimas himas niya yung braso niya na hawak ko kanina..

Gets ko naman na crush niya ako, pero yung pupunta siya dito at sasabihin sa magulang at kapatid ko na girlfriend ko siya, hindi ko na gets yun.

“Sinusundo kita.. Remember, nililigawan kita?”

Ayan nanaman siya sa ligaw ligaw na iyan.. Hindi niya ba alam na nakakahiya siya sa lahi ng mga kababaihan. Di ba? Matagal na panahon na ba simula nang maubos ang mga Maria Clara?

“Anong nililigawan ka diyan?! Tumigil ka nga sa kabaliwan mo. Mabuti pa, hintayin mo ko dito, magpapaalam na ako sa Nanay ko. Papasok na tayo.”

Bumalik ako sa loob at iniwan ko muna si Nikki.

Every move you make... I'll be watching you.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon