Ikalabing-pitong Silip

40 1 0
                                    

 Chapter 17

Hashtag Hugot

"Sandali..", halos walang boses niyang sabi. Napatigil ako sa paglalakad, pero hindi sa tahimik na pag-iyak. Ito yung uri ng pag-iyak na ang sakit sa lalamunan kasi pinipigilan mo e. Ewan ko ba bakit pinipigilan ko. 

Alter: Kasi masyado ka nang maraming nagawang kahihiyan sa harap niya.. ngayon naman magpapakita ka ng kahinaan?

Tsk. Tama na Alter. Haha. Burahin kita gusto mo?

Alter: ...

"Sandali lang Nikki..", hinawakan niya ang braso ko at unti-unti akong hinarap sakanya. Nakita ko ang isang emosyon sa mga mata niya-- ang emosyong hindi ko maintindihan kung awa o ano man..

"Huwag kang umiyak.."

Tinignan ko siya ng masama. "Bakit hindi ako iiyak? Nasasaktan ako kaya iiyak ako.. Iiyak ako kung kailan ko gusto! Bakit ba? Bakit hindi mo ko magustuhan?"

"Nikk--"

"Pangit ba ako? Ang cute ko nga e. Andami nagsasabi. Hindi ba ako mabait? OO na. Ako na. Ako nang hindi mabait! Pero ito, itong graduation.. Hindi ba sapat para maipagmalaki mo ako? Nasa akin naman ang hinahanap mo.."

"Nikk--"

"..wala namang kulang sa akin. Hindi naman ako drug addict! Ni-like mo pa nga selfie ko nung isang gabi. Ni-like mo pa status ko kaninang umaga! Bakit ganyan ka?"

Lalo akong naiyak.. Ang dami kong gustong sabihin pero na-realize ko wala akong karapatang sisihin siya. Kasalanan ko lahat kasi--

Alter: Assuming ka.

Nicole: Isang-isa na lang..

"Look Nikki. don't make this any harder for me.", napakunot ang noo ko. Harder?

Pinunasan niya ang mga luha ko. "Alam ko, madaming tanong sa isip mo.. Pero hindi ako ang makakasagot niyan.. Kung nasa akin man ang sagot, hindi pa panahon para ibigay ko sa'yo."

Tinignan niya ako sa mismong mga mata ko. "I just need you to stop crying. okay?"

""Yang pagmamahal mo para sa akin... wag mong ibigay sa akin.. Kasi kapag binigay mo mawawala."

Lalong nagulo ang nasa isip ko. Ha? Ano? What the--- Ano ba? I can't understand.

Naglakad siya palayo sa akin.. Likod niya na lang ang nakikita ko.. Hindi ko alam kung anong gagawin ko.. Kung susundan ko ba siya at hay ewan ko. Ano ba ibig niyang sabihin?

Lumingon siya sa kinaroroonan ko.

"At isa pa.. If this whole thing hurts you, it hurts me more."

----

Darating siguro talaga yung panahong hindi mo na kakayanin pang maghintay. Hindi mo na kakayanin pang tumakbo ulit kasi pagod ka na. Kasi nakalimutan mo na kung paano tumakbo. 

Every move you make... I'll be watching you.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon