Ikalabing Walong Silip

32 1 1
                                    

Chapter XVIII

Nicole Anne Marquez

Naging maganda ang takbo ng buhay ko sa walong taon na hindi ko nakikita si Joseph. Oo, walong taon na ang nakalipas. Maayos na ang buhay ko ngayon at masasabi kong natupad naman ang mga pangarap ko para sa sarili ko..

Architect na ako ngayon at okay naman ang trabaho ko dahil madami naman akong naging kliyente.. Dapat lang na pagbutihan ko ang trabaho ko dahil pinaghirapan kong gumraduate no. Akala ko madali lang mag-architect dahil drawing drawing lang naman yun.. Hindi ko akalaing hindi pala talaga ako papatulugin ng mga walanghiyang plates. Hahaha.

Kamakailan lang rin ay nagkaroon ako ng exhibit sa ground floor ng company ni Vince. (Yung boyfriend ni Berneth? Oo nagkabalikan na sila.. This time, mas tumagal na sila at mas tumibay. At least di na sila nagpaapekto sa Nanay ni Vince. Ang alam ko, aalukin na siya ng kasal ni Vince e. 3 years na kasi sila.) Company ni Vince yun at doon na din nagtatrabaho si Berneth..

Masaya ako kasi may bumibili naman ng paintings ko.. Nung una gusto kong gawing sideline ko ang pagpipinta pero ang nangyari, ang pag-aarchitect ko ang naging sideline dahil mas naging hands on ako sa pagpipinta ko. Iyon naman kasi talaga ang gusto. Ang pagpipinta.

Hindi ko kasi nakuha ang Fine Arts dahil nagkaproblema sa course na 'yun kaya architect na lang ang kinuha ko. Kakabenta lang ng painting kong sunset nang biglang mag-ring ang phone ko. Tinignan ko ang caller ID at si Bes yun.. Ano naman kaya ang kailangan nito? Sinagot ko ang tawag.

"Hello?", sagot ko. May narinig kaong parang sigaw mula sa kanya. "Bes! Hahaha. May bago kang client. Nagpapagawa ng bahay."

Nagtaka naman ako.

"Ako? Bakit naman ako? Madami namang ibang archi-"

"Hay nako Bes, sayang 'to. Ang laki kaya ng bayad. Sinabi ko na dun sa tao na magkita kayo sa ChowKing mamayang 3pm.", tinignan ko ang relo ko pero hindi naman ako marunong magbasa ng oras kaya yung phone ko na lang ang tinignan ko. 2:30 na at ngayon lang tumawag 'tong babaeng 'to.

"Bes naman. Sana kanina ka pa tumawag."

"E ngayon ko lang naalala. Mabuti pa, pumunta ka na doon. Para hindi nakakahiya sa kliyente. Yung papers tungkol diyan sa project mo, nasa desk ni Patty, daanan mo na lang bago ka pumunta ng ChowKing para mabasa mo na yung details. Okay?", saka niya binaba ang cellphone. Hay nako 'tong babaeng 'to. Siya kasi ang tumutulong sa akin para makahanap ng clients ko pero minsan pinapahamak lang ako nito e.

Si Patty ang secretary ni Vince at secretary niya na din dahil nga boyfriend niya si Vince. Dumeretso na ako kay Patty pagkatapos kong magbihis ng isang yellow polo shirt at isang maong pants na pinartneran ko ng itim na rubber shoes. Dinala ko na din ang sketchpad ko ng mga designs ko ng bahay para may references mamaya. Baka kasi walang idea 'yung kliyente sa disenyo na gusto niya.

"Patty, may iniwan ba si Berneth sa'yo?"

Tinignan ako ni Patty mula ulo hanggang paa. Bago siya ngumiti sa akin.

"Opo may iniwan nga siya. Ito po.", sabay abot sa akin ng folder na kulay yellow. I knew it. Sana hindi na ako nag-yellow kung alam ko lang na yellow pala ang folder na iaabot sa akin. Kaya naman pala todo ang tingin sa akin ni Patty.

"Ah sige salamat, pakisabi nadaanan ko na ha?"

Tinignan ko ang oras sa phone ko bago tuluyang umalis. 5 minutes na akong late at ngayon lang 'to nagyari sa akin.. Buti na lang 5 minutes lang ang chowKing mula dito sa company. Lalakarin ko na lang.

Pagpasok ko sa ChowKing, tagaktak na ang pawis ko. Ang init kasi sa labas at tirik pa ang araw dahil nga alas tres pa lang. Kinuha ko ang panyo ko sa bulsa ng backpack ko at pinunasan ang noo ko at leeg ko bago umupo sa upuan na pinakamalapit sa pintuan. Mas mabuti na 'yun para makita niya ako agad. Binigay sa akin ni Bes ang number nug kliyente at tinext ko agad 'yung number para sabihing nakayellow ako at brown backpack. Atleast makikilala niya na ako. Hindi kasi ako mukhang architect e.

Every move you make... I'll be watching you.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon