Espesyal na Kabanata: Jabi and Sasha

57 2 0
                                    

Sasha Pineda

Isa lang naman ang gusto ko..

Ang mapansin ni Jabi.

Oo si Jabi. Yung gitarista na 1st year college.

Una ko siyang nakita sa isang contest sa school. Battle of the Bands nun, balak ko sanang sumali pero ayaw ng boses ko, nahihiya daw siya. Hahaha. So ayun nga, nakita ko siya non, akala ko walang binatbat sa kantahan.. Kasi di ba pag gwapo, madalas walang talent?

Going back, Hahaha. Nung nag-strum na siya ng gitara, that exact moment, minahal ko na siya. Charot. Hahahaha

Ang totoo niyan, madami naman akong crush. Pero nung nakita ko si Jabi, nawala lahat ng mga crush ko. Biglang hindi ko na sila crush. Ngayong oras na ito, si Jabi lang ang tinitibok ng puso ko. Naks. Hahaha

Kung tumitibok man ang mata, lumuwa na ang mata ko matagal na. 

Anong itsura ni Jabi?

Matangkad. Sa tingin ko 5'9 siya e. Ang tangkad niya sobra. Ang puti pa. Siya yung lalaking hindi mo maintindihan kung chinito ba o bilugan ang mata. Ang gulo ng mata niya e. Tapos yung ilong niya parang right triangle. Ang tangos talaga promise.

Yung labi niya? Mas maganda pa sa labi ko e. Ang gwapo gwapo. Napaka-talented pa. Hindi siya yung mukhang korean o japanese no? Basta gwapo. Gwapo pa kaysa sa kalahati ng populasyon ng mga lalaking kilala ko. 

Anong course niya?

Engineering. Computer Engineering. 

Diba ang talino ng tunog ng course niya? Pag engineering daw walang tulog. Kung wala na siyang tulog niyan, bakit ang pogi niya pa rin? Hahahahaha. Whooo. 

"Aray.", natapunan ko ng orange juice ang nakabangga ko. Pagtingin ko..

Betcha by Galiwow. 

"Jabi.", bulong ko.

"Tsk.", ang sama ng tingin niya sa akin. White kasi ang damit niya. Hala? Anong gagawin ko.

"Hala, sorry. Wait lang.", binunot ko ang panyo ko sa bulsa ko at pinunasan ang damit niya.

"Miss ano ba? Kumalat lang e!", hala? Sinigawan niya ako? Broken hearted ako. Huhuhu.

"So-sorry. Di ko sinasadya. Sorry ta---"

"Tsk. Okay. Just shut up. Ang ingay mo. Tsk"

Saka siya naglakad palayo. 

Naiwan akong nakanganga.

Kung nakita niyo lang ang mukha niya nung masama ang tingin niya sa akin, hihimatayin kayo. Ang gwapo niya kasi e. 

Kaso... ang ingay ko daw?

Ako?

Every move you make... I'll be watching you.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon