Ikalabing Siyam na Silip [+Espesyal na Kabanata:Chard and Jam]

24 1 0
                                    

Nakatanggap ako ng text mula kay Joseph na hindi muna kami makakapagkita ng isang linggo kaya napurnada ang plano naming pumunta ng lote bukas.. Busy daw kasi siya dahil sa girlfriend niya. Well, anong laban ko e tagagawa lang naman ako ng lovenest nila ng magiging asawa niya.

"Pams, are you listening?", saka ko lang na-realize na kasama ko pala ngayon si Johan na kumakain ng pizza. Wala siyang tigil sa pagkekwento na going strong sila ng girlfriend niya na si Cathy. Si Cathy 'yung naging girlfriend niya after his relationship with me. Nakakaloko at isa-isa nang nagse-settle down ang mga tao sa paligid ko.

"Uhmm. Oo naman nakikinig ako.. Haha. Nakakatawa lang dahil English ka ng English samantalang the last time I saw you, you can't even talk to me in English kahit na ang sasabihin mo lang ay pupunta ka ng banyo. Hahaha.", sinimangutan niya ako. "Kidding, okay?", sagot ko.

"So, ano nga 'yung sinasabi mong project?" Pagkarinig ko sa tanong niya, kinuha ko ang yellow folder sa bag ko.

"Kakilala ko nung highschool 'yung kliyente. E tutal wala pa namang engineer, ikaw na lang.. 5 months daw gusto niya matapos na 'yung bahay", ini-scan niya 'yung pages nang tumingin siya bigla sa akin.. "Joseph Martin Jr.? Parang familiar.."

"Kakilala ko nga kasi. Ang dami mo pang sinasabi.. Ikaw na ang engineer ko ha?"

Tinignan niya ako bago uminom.. sa baso ko. Na naman. Nakakahalata na ako, bakit ba umiinom sila sa baso ko ha?

"Pams, i-a-accept mo ba talaga 'tong project? You can always decline, y'know.", napangiti naman ako sa 'y'know' niya. Di talaga ako sanay na ganyan siya magsalita.

"I'll accept it. Besides, friends naman kami ni Joseph.", I faked a laugh.

--

Naka-white dress ako ngayon at konting make up lang naman. Big day na ni Chard at ni Jam. Buong barkada excited sa araw na ito. Kasi naman, hindi naman namin aakalain na matitiis ni Chard si Jam ng ganito katagal, at willing pa siyang magtiis pa uli, only this time, hanggang mamatay na siya Haha. Kasi mangkukulam iyon e. Haha

Matanong nga siya anong ginamit niyang potion para naman magamit ko 'yon kay Joseph Haha. Joke lang.. Masaya na 'yon ngayon at mas magiging masaya pa siya dahil gagawin ko ang dreamhouse ng girlfriend niya na apparently, dreamhouse ko din.

"Bes, pakikulot nga 'yung buhok ko sa baba para lalong mainlove sa akin si Vince Haha.", umupo si Berneth sa harap ko at kinuha ko na din ang curler. Nagsimula na akong kulutin siya nang bigla siyang magsalita.

"Bes, bakit kaya kayo pinagtagpo ulit ni Joseph?", tinignan ko ang reflection niya sa salamin. Bakit nga kaya?

"Baka katulad sa Starting Over Again. Nagkita ulit para sa closure. Hahaha.", sagot ko.

Pero pano kung hindi para sa closure? Napailing ako. Pinagtagpo kami para ipanggawa ko siya ng bahay. Ganun 'yon. Wala nang ibang dahilan. Mabuti pang 'wag ko nang paasahin ang sarili ko. Buong buhay ko nang umaasa ako sa wala.

"E pero bes, bakit mo tinanggap yung project? Pwede mo namang i-decline.."

"Para di halatang bitter at affected pa ako. Haha. Kung tatanggihan ko 'yon, magiging katawa-tawa pa ako."

Ngumiti si Bes na para bang may alam siya na hindi ko alam. "Haha hay Bes. Napakabait ng tadhana sa'yo."

At first akala ko sarcastic ang pagkakasabi niya nun pero nang makita ko siyang kinikilig-kilig pa sa sulok, nagtaka ako sa mga kilos niya.

Meron siyang alam na hindi ko alam at alam kong hindi niya sasabihin iyon hanggat di ako mismo ang nakakatuklas nun.

--

Every move you make... I'll be watching you.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon