Ikaanim na Silip

76 2 0
                                    

Chapter VI:

Nagising ako sa isang maingay na alarm. Sa pagkakaalam ko, hindi ako nag-aalarm. Boses pa lang ni Lola ko, nagigising na ako dahil si Nanay (well, nanay ang tawag ko sa lola ko.), hinding-hindi ka titigilan nun hanggat hindi ka tumatayo mula sa higaan mo.. 

Pinagpala siguro ako dahil ngayong araw, alarm ang gumising sa akin. Agad akong pumunta ng banyo at nag-tooth brush. Excited na kasi akong malaman kung ano ba ang almusal. 

Pagdating ko sa hapag kainan (papakatagalog ko muna. Hahaha), nakakita ako ng pancakes. Wow. Kumislap kislap ang mga matta ko sa tuwa. Matagal na mula nang huli akong kumain ng pancake dahil matagal na mula nang maisipan ni Nanay na amg-luto ng pancake. Agad akong kumain doon nang anyayahan ako ni Mama. 

Kanina pa daw nakaalis si Ate. at ang mga kapatid ko naman ay naglalaro sa labas kasama ng mga jejemon nilang kaibigan. 

"Nung umuwi ka kahapon, andami mong dalang box, pero walang laman. Ano ang mga yun nak?", tanong ni mama sa akin. Ngumiti ako sakanya bago sumagot.

"Invitation."

Kumunot ang noo ni Mama.

"Para saan?"

"Kasal."

"Sinong ikakasal?"

"Ako mama. Ako ang ikakasal. Hahaha."

Tumingin si Mama sa akin ng seryoso. Akala niya yata nagjojoke ako. Hahaha

"Ma, ikakasal ako.. 8 years mula ngayon ang date na nakalagay sa invitation."

Huminga ng malalim si Mama.

"Nak yung kabaliwan mo ha? Naku."

Nang maubos ko ang kakainin ko, tumayo na ako.

"Maliligo na ako Mama. Baka ma-late ako. Hahaha."

----

Pagdating ko sa school, two minutes na lang at darating na ang teacher namin sa Physics. Physics ang first subject namin dahil siya ang advicer namin. 

Pag-upo ko, pinag-uusapan nila ang English Month. English Month na kasi niyan dito sa school namin at sigurado akong isasali nanaman ako sa academic competitions. Well, hindi ko sila masisisi, magaling kasi ako. Hahahaha.

Pagpasok ni Ma'am, alam ko na na hindi kami magle-lesson. 

"Okay class. Please settle down. Kailangan natin ng mga ilalaban natin sa ibang year level.. Actually, nakapili na ako."

"Si Nathan Bondoc at si Joseph Martin, isasali natin sila sa quiz bee. Ayos lang ba sa inyo boys?", tumango naman si Kuya Nathan at Joseph myloves.

"At sa essay writing naman ay si... Ah.. yeah. Ikaw na lang Nicole ha?"

Every move you make... I'll be watching you.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon