Espesyal na Kabanata: Reyland and Michelle

35 2 0
                                    

Special Chapter: Reyland and Michelle

 

Reyland Torres

Mahal ko naman talaga siya e.

Mahal na mahal.

Ilang beses na kaming nag-away at nagkabati.

Ilang beses na siyang nagselos sa kung sinu-sinong babae pero kahit minsan, wala akong pinatulan sa lahat ng iyon. Ako ba ang mali? Siguro nung una.

Kasalanan ko siguro na naghanap siya ng iba kasi isa akong taong hindi showy. Natural lalaki ako. Ilan lang ba ang lalaking showy? Yung mga bakla oo showy. Pero hindi naman ako bakla kahit pinag-iisipan ako nila Nicole na bakla ako. Mga mapang-api kasi sila. Haha.

Wala akong effort.

Iyan ang lagi nilang sinasabi.

Kasi hindi ko siya nireregaluhan ng kung anu-ano.

Kasi hinihintay kong siya ang mag-text bago ako.

Kasi madalas wala akong load.

Kasi hindi ko siya hinahatid sa bahay nila.

Sabi nila.. malalaman mo daw kung gaano ka-importante ang isang bagay sayo kapag nawala na siya. Kaya dapat daw, pahalagahan mo siya. Pero pinahalagahan ko naman siya. Sa ibang paraan nga lang. Kaya hinahayaan ko lang siya sa buhay niya dahil naniniwala akong masyado niya akong mahal para iwan niya.

Hindi ko alam na ang pagiging kampante ko at ang pagtitiwala ko sakanya ay hindi pala tama. Hindi pala tama na masyado akong nakampante na hindi niya ako iiwan. At mali din pala na masyado akong nagtiwala sakanya.

Wala naman kasing nagyaring ligawan sa pagitan namin. Basta isang araw napag-usapan na namin na mahal namin ang isa’t-isa at ayun, kami na.

Hindi ko siya pinaghirapang makuha kasi siya ang lumapit.

Kaya iniisip nila na hindi ko siya pinapahalagahan.

Pero ang totoo, na-imagine ko na ang sarili ko na kinakasal at siya ang bride. Iniisip ko na kami na talaga. Sa mga babae siguro natural na ‘yun. Ang i-imagine ang sarili na kinakasal sa mga boyfriend nila, pero sa lalaki, hindi normal yun.

Kapag nag-set na kami ng goals at kasama ang girlfriend namin sa lahat ng plano namin sa buhay, seryoso na kami.

Seryosong-seryoso.

Bakit ko nga ba hinayaang umabot ako sa ganito?

Hindi ko naman alam na siya pa ang makikipag-hiwalay sa akin. At hindi ko pa alam ang dahilan. Inimbitahan niya pa ang buo kong pamilya nung debut niya. Tandang-tanda ko pa ang bawat ‘I love you more’ niya nung debut niya.

Bakit niya pa sinabing mahal niya din ako nung araw na iyon kung isang linggo matapos ang araw na yun, ay maghihiwalay din kami?

Ayos pa sa akin na pinaabot niya ng isang taon ang relasyon namin bago siya nakipag-hiwalay sa akin kung ang dahilan niya ay dahil wala akong effort. Pero mukhang dahilan lang iyon para pagtakpan niya ang katotohanang nakahanap na siya ng iba.

Sabi niya gusto niya lang maging malaya ulit. Pero bakit may ka-MU na siya ngayon?

Huwag niya lang masabi-sabi sa akin na gusto niyang maging malaya ulit dahil sigurado ako, hindi ako gumawa ng paraan para masakal siya sa relasyon namin.

Sa totoo lang, ako pa ang nasakal.

Author's Note:

Ang mga nabasa niyo sa itaas ay pawang kadramahan ngunit hango sa totoong buhay :D 

Mag vote naman kayo o kaya comment para di mukhang walang nagbabasa Hahahahaha.

Every move you make... I'll be watching you.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon