Ikawalong Silip

40 2 0
                                    

Chapter VIII:

Nicole Anne Marquez

Ito na nga at dinedesign ko na ang portfolio ko at niya dito sa bahay namin. Sabi ko na nga ba at ako lang ang gagawa. May emergency daw kasing kailangan nilang mag-practice ng volleyball.

Kasama ko ngayon si Reyland, si Mela at si Berneth. Nagdedesign na sila’t lahat ng kanilang portfolio habang ako, iniisip ko pa kung paano ko i-de-design ang napaka-plain niyang portfolio. Mukha ngang di siya marunong sa art no?

“E kasi dapat hindi mo tinanggap yang favor niyang ‘yan.”, sabi ni Berneth habang gumugupit ng bulaklak sa construction paper.

“Ginagamit ka lang niyan e, Cole.”, si Reyland naman ay may dinodrawing sa construction paper nang mga panahong iyon.

“Tingin niyo ginagamit niya lang ako?”

Naalala ko kasi bigla yung kagabi nung ka-chat ko si Jonas. Kaklase kong mataba at mapangopya. Hahaha. At nakakapagtaka dahil nakaka-survive siya sa ganung sistema. Hahaha

Jonas: Natapos mo na portfolio mo?

Ako: Hindi pa e. Inuuna ko yung kay Joseph.

Jonas: Joseph? Bakit ikaw gumagawa?

Ako: Kasi nabilib siya sa talent ko. Hahahaha

Jonas: Alam niya lang na hindi ka tatanggi kapag tinanong ka niya na gawin mo portfolio niya. Hahaha

 

“Kase..”, sabat ni Mela. “.. dapat nagpakipot ka muna. Yung kunware di ka marunong kasi iisipin niya patay na patay ka sakanya e. Tama naman si Jonas e. Alam niya lang na di ka tatanggi kaya nagpa-design siya ng portfolio sa’yo. Malay mo, hindi lang siya sa’yo nagpapagawa ng portfolio?”

Napaisip naman ako sa sinabi ni Mela. Dapat nga ata nagpakipot ako.. pero kasi patay na patay naman talaga ako kay Joseph bebe e. Kaya para saan pa kung magpapakipot ako diba? Baka magpa-design pa yun sa iba, tapos masasaktan lang ako. Hahaha

“Speaking of ‘Sayo’ bes.. Nakita mo ba yung post niya kagabi? Yung kantang Sayo by Silent Sanctuary?”

“Oo nakita ko nga. Nakita ko din yung lyrics. Grabe bes, para sa’kin ata yun?”

Sinapok ako ni Mela. “Wag ka ilusyunada. Gawin mo nay an dahil dadaanan niya ‘yan ng 8pm dito sa inyo diba?”

Ginawa ko na lang yung portfolio niya. Pero di pa rin naalis sa isip ko yung kantang pinost niya kagabi. Parang para sa akin e?

Kung tunay nga ang pag-ibig mo

Kaya mo bang isigaw?

Iparating sa mundo

 

O diba? Parang para sa akin e. Hahahaha

--

Nang makauwi sila Mela, nag-text na si Joseph na magkita na lang kami sa kanto namin dahil di naman niya maalala yung bahay namin. Paano niya maaalala e di pa naman siya nakapunta sa amin? Baliw yata siya e.

Every move you make... I'll be watching you.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon