Ikalabing-limang Silip

23 1 0
                                    

Chapter XV

 

“Mabuti naman na-edit nila Joseph ang film kahit hindi masyadong maganda ang kinalabasan, at least nakapag-pass tayo para sa final exam natin. Hahaha”, patawa-tawang kwento ni Berneth.

Medyo palpak kasi ang film namin pero atleast, walang mag-re-repeat sa amin. Yehey! Ga-graduate kami lahat at heto na nga, magpa-practice na kami ng graduation.

Nakatanggap na ako ng notice na ako ang salutatorian. Hahahahaha I made it. Haha. Ibabalita ko n asana kay Joseph pero kinongradulate na niya ako kanina. Di ko pa nga nakakalimutan hanggang ngayon. Hahaha. Nung dati kasing magka-chat kami, ang sabi niya…

Nicole: Alam mo papakasalan mo din ako balang-araw.

Jr: review ka na nga haha

Jr: puro ka kasal

Nicole: Balang-araw naman e. Hindi pa naman ngayon.

Jr: sige.. pag nakapagtapos ka…

Nicole: :0

Nicole: Papakasalan mo ako pag nakapagtapos ako?

Nicole: Oh my Gosh

Jr: Kasal nanaman?

Nicole: Ah oo nga pala ligaw muna. Hahaha

Jr: wag ka na mag-fb. review ka na.

O diba? Papakasalan niya ako kung makapagtapos ako. Paano ba iyan? Hahahahaha. Ang ganda-ganda naman ng buhay na ito. Hahahahaha. Para akong nasa cloud 9. Waaaaaaaaaaah Swerte ko talaga.

Alter ego: Di naman niya sinabing papakasalan ka niya e?

Nicole: Pwede ba? Ganun na din yon. Hindi lang direkta pero ganun na din yon. Hahaha

Alter ego: Hindi ganun yon. Assuming ka nanaman. -_-

Nicole: Tama na. Ide-delete kita sa mundo kapag hindi ka tumigil.

Alter ego: K.

 

Kahit hindi direkta ang pagkakasabi, alam ko sa sarili ko na siya na talaga. Malalaman mo naman iyon kapag nakita mo ang isang tao. Syempre, masakit na ang dami dami kong nababalitaan na mga taong nagkakagusto sakanya, mapa-babae o lalaki pa yan, madami talaga sila.

Paano kasi kahit di masyadong gwapo ang Joseph ko, ma-appeal naman siya. Kasi parang lahat ng sports, kaya niya. Isa lang talaga ang alam kong ayaw niya. Ang art. Siguro hindi naman niya ayaw ang art, ang art ang may ayaw sakanya.

Meron doon, 1st year college na may gusto sakanya. Jona ang pangalan. Mas matangkad siya sa akin pero maliit din siya. Pero mas matangkad talaga siya e. Lamang nga lang ako ng konti kasi mas maputi ako sakanya. Yun nga lang matangos ang ilong nun. Ako hindi Hahaha. Pero basta, hindi siya balakid sa pagmamahalan namin ni Joseph ko. Hahahahaha

Meron din mga dancers sa school na bakla. Crush nila si Joseph pero nung sinabi kong asawa ko si Joseph, hindi ko na sila nababalitaan. Hahaha Mabuti naman alam na nila. Hahahaha.

Meron pa. Yung classmates namin. Si Dina. Matalino yun. At close na close sila ni Joseph. Pareho pa nga sila ng bag. Siya, sa lahat ng babae sa mundo, ang pinaka-nakakapangselos para sa akin. Kasi may tawagan sila ni joseph. Parekoy ata yun e? Basta ganun.

Nakakainis kasi ako, andami ko nang pagpapapansin na ginawa, pero hanggang ngayon wala pa rin. Hahaha. Willing akong maghintay no! Baka akala niyo, nagrereklamo na ako? Huh. Hindi ha. Nagtataka lang ako. Ang dami namang obstacles bago makarating sa Joseph ko. Hay.

“Nikki!”

Napatingin ako. Hala. Si Bebe kong mahal na asawa. Tinawag ako. Hahahahaha.

“Yes?”, sagot ko.

“Nakagawa ka na ng sasabihin mo sa stage sa grad?”, tanong niya.

Oo nga pala. Ang valedictorian at salutatorian ay magsasalita sa stage sa grad. Wala pa pala akong speech. Ano naman ang sasabihin ko? E sa konting tao ko lang inaalay ang diploma ko. Walang-iba kundi sa pamilya ko at kay Joseph.

Sila naman ang dahilan kaya pinilit kong mag-review kahit ayaw ko. Hahaha.

Sila naman ang dahilan kung bakit ipinagpaliban ko ang pagbabasa ng John Green Novels para lang magpuyat sa paggawa ng projects at mag-design ng portfolio. Hahaha. Sila lang ang dahilan kung bakit ako naging pangalawang outstanding sa school na ito. Hahahaha.

“Ahh. Hindi pa asawa—este Joseph e.”

Ngumiti muna siya bago sumagot. “Hindi pa din ako nakagawa. Pinapapass na kasi nila ma’am para ma-check nila e.”

“Ah ganon ba? Osige gagawa na ako mamaya para ma-ipass ko na.”

“Okay sige. Tara, practice na tayo. Punta na tayo sa gym.”

“Ahhh. Hahahaha! Sabay tayo?”

“OO.”

Lalakad n asana ako ng may humawak bigla sa akin.

“Beeeees! Wag muna tayo umalis. Sila Mela nasa loob pa.”, tumingin siya kay Joseph. “..Ah Joseph, una ka na. Haha. Mamaya pa lalabas yung sila Land. Haha.”

“Ah osige. Haha. Bye.”

Pipigilan ko na sana siya pero naunahan na ako ni Bes. Sinamaan ko siya ng tingin. As in masamang-masama.

“Oh ano? Uunahin mo yung taong yon kaysa sa amin?”

“Hindi naman sa ganon.”

“Hindi. Sabihin mo lang kung ayaw mo na sa amin nila Ella.”

“Baliw neto. Hindi no. Hahaha. Pinuputol mo naman kakiligan ko e. Busit ka talaga. Ang galing mong tumayming e. Hay nako!”

“Hahahahahahaha! Oo naman magaling akong tumayming no bes. Sa experience ko yan natutuhan.”

“Asus, hugot na hugot ka naman. Ano ba? Pupunta ba si Gino sa grad? O si Vince?”

“Ewan ko sakanila. Mga tukso sila ng buhay ko. Sana tumigil na sila sa pagpapaasa sa akin.”

Naawa naman ako bigla kay bes.

Oo nga naman. Ang dalawang lalaki ng buhay niya.. ang mga dakilang paasa. The exact definition of word paasa. Kung meron man ditong kawawa, ako yun at si bes. Hahaha. Mga dakilang sawi. Pero ako, hindi pa. Sana, hindi nga.

 Author's Note:

Maikli lang kasi wala na akong mailalabas para sa chapter na ito.

Vote

Comment

Vomment. 

Hahaha.

Every move you make... I'll be watching you.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon