Ikapitong Silip

54 2 0
                                    

Chapter VII:

Nicole Anne Marquez

"Okay class, i-compile niyo yung test papers niyo mula 1st grading period then gawa kayo ng portfolio niyo. Kapag wala kayong pinass na portfolio, hindi ko icoconsider ang mga quiz niyo na naka-record sa akin okay?"

"Yes ma'am."

Portfolio?

Yan ang bagay na hindi ko ipapagawa sa magiging estudyante ko kung sakaling mag-ti-teacher ako.. Una, mahirap i-check yun. Pangalawa, ako ang magdadala nun lahat pauwi. Pangatlo, ang papangit ng gawa ng ibang estudyante.. (lalo na yung may mga glitters, kakapit kasi sa kamay e.)

At ayoko din gumagawa ng portfolio, madami akong ideas, hindi ko tuloy alam kung ano ang gagawin.. (masyado kasi akong madaming kayang gawin pag arts ang usapan. Di naman sa nagmamayabang. Hahahaha)

Kung itatanong niyo naman yung makalaglag pusong text sa akin ni Joseph nung araw ng essay writing competition, ako na ang nagsasabi sa inyo.. halos ikamatay ko ang text na iyon.

Over acting? Alam ko.

Ikaw ba naman i-text ng crush mo oh. Tignan natin kung di kayo halos himatayin diyan..

Siyempre di ko expect na ise-save niya yung number ko. 

Akala ko di niya papansinin yung pina-plug kong number ko. Hahahaha

Siyempre hindi na ako nakapag-reply nun kasi wala na akong pantext sa smart.. doon ko na-realize na smart pala siya. Seriously? Pati ang networks namin against sa isa't isa. Hahaha

Wala pa ngang announcement kung nanalo ako doon e. Hindi ko din kasi na-focus ang atensyon ko sa competition dahil busy akong i-imagine ang kasal namin sa utak ko. 

"As for the competition.. Mamaya na i-aannounce ang mga nanalo sa essay writing at poem writing.."

Malungkot nga ako dahil hindi daw nanalo sila Kuya Nathan at Asawa ko sa quiz bee. Siguro dahil hindi ko siya na-text ng 'Goodluck asawa ko. Mahal kita talo man o hindi. Hahaha' kaya na-depress siya at hindi na nakasagot sa quiz bee. Hahahahaha

Pinalabas na kami ni Ma'am.. 

"Oy Sasha!", sigaw ko. Namataan ko kasi ang crush niyang 1st year college sa kabilang building ng school. Dalawa kasi ang building sa school namin.. College at high school. 

"Ano? Bakit?", tinuro ko naman yung nakita ko at nang tumingin siya akala ko nakita na niya.. Nakalimutan ko.. Malabo pala mata nito.

"Alin? ANong meron? Saan? Uy ano ba Nicole asan ba yung tinuturo mo?", tuloy-tuloy magtanong kala mo mauubusan ng salita.. Ang ingay talaga ng babaeng 'to.

"Ayun oh. Si Jabi.", bulong ni Berneth sa kanya.

Bigla na lang siyang kinilig kilig doon at nanghahampas pa ng braso. Sabi ko na nga ba dapat di ko tinuro. Hahaha

Every move you make... I'll be watching you.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon