Espesyal na Kabanata: Jabi and Sasha Part II

52 2 1
                                    

Sasha Pineda

Ramdam ng mga ulap, mga bituin (kahit maliwanag pa at hindi pa sila nakikita), mga oxygen at carbon dioxide sa paligid namin ni Jabi ang kilig na inilalabas ng katawan ko.

Kinikilig ako kasi hanggang ngayon, hindi pa rin namin nahahanap si Princess. At sigurado ako, hindi namin siya mahahanap.

Bakit?

Eh kasi sa maling daan ko siya dinadala. Hahahahaha.

Mga pare, ganito kasi dapat duma-moves e. Alam niyo 'yung mga damoves ni Nicole? Naku. Wag niyo gayahin. Mababasted kayo sa mga crush niyo kung ganong damoves ang gagawin niyo.

"You're not taking me to the right place, orange."

Napatigil ako sa paglalakad. Orange? Hahahaha. Yehey. May tawagan na kami. Hahahaahaha.

"Ah? Anong right places?", tanong ko. 

"Tamang lugar."

"A-alam ko 'yon no. Naiiintindihan ko kaya.", nag-pout ako.

"Now take mo to Cess. That's all I need from you."

"Ano ako mapa?"

"If that's what you want to call yourself, then why not?"

"Huh. Don't english me!"

Nag-walk out ako. 

Nakaka-ilang steps pa lang ako nang maisipan kong lumingon.

Nakatayo lang siya doon at wala mang ginagawa. O ano? Pagmamasdan niya lang akong mag-walk out? Hindi man lang ba...

"Wait. Don't go. I need you."

"Kailangan mo ko?"

"Yes."

"Bakit?"

"Because..."

"You love me?"

"Ye---

Hindi ito ang oras para mag-imagine. Hay Sasha ano ba? Sumeryoso ka nga. Ang love of your life ay nakatayo sa harap mo at nakatingin ng masama. Kailangan mong gamitin ang pagkakataong ito para halikan--- este para tulungan siya. Kailangan ka niya!

"Hindi mo ako pipigilan?"

Hindi siya sumagot. 

Haaaaay. Sungit nito. 

"Fine. Dadalhin na kita sa kapatid mo. Pero may kapalit."

"And what's that?"

Ito ang tunay na damoves Nicole. Watch and learn.

"Makipag-date ka sa akin.", saka ako ngumiti. Yung pinakamaganda kong ngiti sa pinakamagandang anggulo ng mukha ko. Hahahahahaha! I'm so magaling guys. 

Every move you make... I'll be watching you.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon