KINAKABAHAN parin si, Raquel. Naka-upo sila sa hapag kasama ang lalaking manyak.
"Bro, how's the food?" tanong ni Gino sa bisita.
"Masarap. Sino nag-luto?"
"Sino pa ba edi ang future misis ko." nakangiting tumingin ito sa fianceè, isang pilit na ngiti lang ang iginanti nito.
"Mas masarap talaga kapag, may halong pagmamahal mo niluto."
Kaya pala masarap, dahil masarap din ang nag-luto. Kailan ko kaya matitikman ang putaheng 'yan.
"Sinabi mo pa." pagmamalaki pa ni Gino. Nakayukong kumakain si Raquel at halatang hindi makatingin ng tuwid kay Ale.
"Dada, nawi-wiwi pwo akwo." singit ni, Yorito.
"Sige, tara." agad na pumunta ang bata sa puwesto ng kaniyang ama at nagpa-karga patungo sa CR. "Excuse us." pagpapaalam ni Gino at tsaka tumuloy ng lakad.
"So, hindi ko alam na masarap ka mag-luto." sabi ni Alejandro pagka-alis ni Gino. "Ang tahimik mo naman, at naka-yuko pa. Parang kanina lang gustong-gusto mo ako halikan—I mean gusto mo akong matikam." halata ang pang-aakit sa boses ni Alejandro na nagbigay ng ibang init.
Shit, bakit ba ako nag-iinit sa'yong lalaki ka!
"Tumigil ka nga! Baka marinig ka ni, Gino."
"Natatakot ka ba na malaman ni Gino?"
"Ofcourse. Mahal namin ang isa't isa kaya please huwag mong sirain." mahinang sabi nito pero halata ang galit sa tono ng pananalita n'ya.
"Hindi ko sisirain 'yung relationship n'yo. Ang gusto ko lang e, 'yung matikman ka ulit."
"Nababaliw kana ba talaga?"
"Oo, lalo na 'yung pagbitin mo kanina sakin, lalo akong nabaliw at nasabik na muli kang matikman." mabilis nitong sabi. Mahina silang nag-aaway para hindi marinig ni Gino ang usapan.
"Bakit ka ba kasi pumayag na sumama sa 'min mag dinner, may bahay ka naman." umirap ito sa kaniya.
"Para makita ka. 'Yun lang."
"Tsk."
"Pumayag ka lang na maangkin ko ng isang gabi. I'll promise lalayo na ako. Kung hindi ka papayag, sasabihin ko nalang ang nangyare sa atin sa office and Hongkong." sumimsim ito ng wine sa kaniyang baso.
"Tinatakot mo ba ako?"
"Nope. Gusto ko lang maging honest sa husband mo—este, future husband."
"Mukhang napapasarap ang usapan n'yo ah." narinig nila ang boses ni Gino. Napapikit at nagbuga ng isang malalim na buntong hininga at naka-ngiting tumingin sa direksyon ni Gino.
"Tinanong ko lang naman sa kaniya kung kamusta ang trabaho mo ruon. Since nilipat ka ng amo mo duon." pagpapalusot nito.
Maya-maya pa ay tumunog ang cellphone ni Alejandro.
Si Director Jang. Ano naman ang sad'ya nitong matandang 'to—no need to answer. I'm sure tungkol nanaman 'to sa anak n'ya.
"Excuse me, sagitun ko lang 'to."
"Sure." ani ni Gino.
Tumayo ito at tsaka lumabas ng pinto at sinagot ang tawag mula kay Director Jang.
"Hello?" bulyaw pa ni Ale.
"Puwede ka bang bumisita rito sa bahay, may ibibigay lang akong importanteng bagay sa'yo."
"Ano ba 'yun? Diretsahin mo na ako, sayang ang Gas."
"Basta, pumunta ka nalang dito. Kapag hindi ka pumunta dito, tatanggalin kita sa Company."
"Tinatakot mo ba ako?"
"Nope, sinasabi ko lang ang mga posibleng mangyari."
"Okay, papunta na ako." agad nitong pinindot ang end call botton. "Ano naman kaya ang kailangan ng matandang 'yun, puta." bumalik ito sa loob.
"Sino pwo 'yung nag-call sa'yo, tito Ale?" tanong ni Yorito.
"Si Director Jang, baby."
"Oh bakit daw?" singit naman ni Gino.
"Ewan ko ba sa gurang na 'yon. Malakas ang saltik sa utak. By the way, aalis na ako."
"Ingat."
"Thanks sa dinner, nabusog ako." tumingin ito kay Raquel at nag-iwan ng ngiti. Halata ang pamumula ng pisngi nito.
"You're welcome." akmang aalis na sana si Ale ng makalimutan n'ya mag-paalam sa bata. Hindi n'ya alam kung bakit ganun ang nararamdaman n'ya, parang ayaw n'yang umalis ng hindi nagpapa-alam sa batang 'to sa tuwing magkikita sila.
"Baby, I have to go now. Pwede ba ako makahingi ng hug mula sa'yo?"
"Yes pwo!" napangiti ito at lumuhod para maging magkapantay sila ng bata. Lalong bumilis tibok ng puso n'ya nung yakapin ito ng bata, siguro dahil sa tuwa. Ito ang pinaka-masarap na natikman n'ya bukod sa yakap Ni Raquel. Iba talaga ang nararamdaman n'ya sa tuwing magkikita sila.
"Bye, lil'Yorito. Magpakabait ka, huwag kang pasaway sa parents mo."
"Tatandaan ko pwo 'yan." ngumiti ito at tsaka ginulo ang buhok.
"Mas guwapo ka kapag messy ang hair mo. Sabi ng mommy ko guwapo rin daw ako kapag messy ang hair ko."
Bigla namang kinabahan si Raquel.
Lukso na ba 'to ng dugo? Shit!
"Guwapo rin naman ako kapag messy ang hair ko di 'ba, Honey?"
"Oo naman, walang tatalo sa kaguwapuhan mo. Ikaw lang ang guwapo sa mata ko, wala ng iba."
Ikaw lang ang guwapo sa mata ko, wala mg iba.
Nagpa-ulit-ulit ang mga salitang 'yan sa utak ni Ale na lalong nagbigay ng inis. Napakuyom nalang ang kamaao nito at natagis ang bagang.
"Mauna na ako, salamat ulit." agad na umalis ang binata at hindi parin mawala ang inis sa dalawang 'yun. Nag-seselos s'ya. Matapos nilang mag-halikan na parang mga uhaw tapos ganun lang ang sasabihin ni Raquel at sa harap pa n'ya mismo.
"Guwapo pala, Raquel. Hinatayin mo lang at ipapakita ko sa'yo kung sino ang tunay na guwapo at sisiguraduhin kong ako lang ang magiging guwapo sa paningin mo. Ayokong nilalamangan ako ng pesteng Gino na 'yan."
Tinungo nito ang kotse sa gilid ng bahay nila. May pinindot ito para tumunog ang sasakyan. Pumasok ito sa loob tsaka binasa ang isang text message mula sa matandang tumawag sa kaniyan kanina.
Where are you?
"Atat ang gago. Matuto ka kayang mag-hintay. Feeling jowa ang puta." itinapon lang nito sa passenger sit ang cellphone niya at tsaka pinihit ang nakasaksak na susi para umandar ang kotse. Agad n'ya itong pinaandar patalikod para mailihis ang direksyon. Nang maayos na n'ya ito, agad niya itong pinaandar ng mabilis.
Ikaw lang ang guwapo sa mata ko, wala mg iba.
Bigla namang pumasok ulit sa isip n'ya ang mga katagang 'yan. Lalo s'yang nanggigil at tinulinan ang pagmamaneho para mabilis na makarating sa lugar ng matandang feeling importante kung pagmadaliin ito. E, alam naman n'yang tungkol nanaman to sa kalandian ng anak n'ya.
BINABASA MO ANG
Sweet Distraction: Alejandro Buenaventura ✓ [Completed]
RomanceBuenaventura Trilogy: Two: Sweet Distraction Warning: SPG || R18+ || Matured Content || Not suitable for young readers. Kilala bilang matinik pagdating sa babae si Alejandro Buenaventura, walang gabi na wala siyang naikakama sa tuwing nagagawi...