Chapter 15

717 12 2
                                    

Note: Very SPG ang chapter na 'to. Kaya kung maselan ka, 'wag mo nalang basahin. Thank you.

     "HONEY?" tawag ni, Gino kay Raquel.

"Yes?" sagot n'ya habang naliligo sa banyo'ng karugtong ng kanilang kuwarto.

"Birthday mo na tomorrow, anong gagawin natin?"

"Bukas na ba 'yun?" takang tanong n'ya.

"Really, Hon? Sariling birthday mo nakalimutan mo?" natatawang sabi ni, Gino habang nagpapalit ng damit.

"Dami ko kasing ginagawa." pagpapalusot naman nito. Maya-maya pa'y bumukas ang pinto at lumabas ang babae ng naka-tapis ang katawan.

"Sus... Pero seryoso, Hon. Anong lulutuin bukas? Kung gusto mo mag-order nalang tayo?"

"Sige, Hon. Mas better kung o-order tayo."

"Sige. Papuntahin ko mga ka-workmates ko rito, hon. Okay lang?"

"Oo naman. Walang problema." kumuha ito ng damit sa closet n'ya at pati ang panty ay kinuha n'ya sa drawer at ang shorts naman na susuotin n'ya ay kinuha naman n'ya sa kabilanh drawer. "Si, Alejandro pupunta ba 'yun?" matapos n'yang tanungin 'yun ay mabilis itong tumalikod ka, Gino. Bakit ko ba nagawang tanungin 'yun?!

"Oo naman, 'yun pa ba?" napangiti 'to nang malaman 'yun. Hindi n'ya alam kung bakit, para bang nae-excite s'ya na muling masilayan ang mukha nito.

"Ah... Okay... Sige na, Honey lumabas ka muna at magbibihis lang ako."

"Sige, check ko lang si, Yorito." nang marinig n'ya ang pagsirado ng pinto agad n'yang tinanggal ang tapis n'yang tuwalya at tsaka kinuha ang panty at sinuot hanggang sa makabihis na s'ya.

Napapangiti pa rin s'ya sa hindi malamang dahilan.

Excited na ako sa birthday bukas. Wait? Bakit ako nae-excite?

Dahil pupunta si, Ale? No! Raquel, may fianceè ka na at may anak ka na kay—Gin—argh! Bwiset.

Mabilis nitong inilagay sa hanger ang tuwalya at tsaka isinukbit sa pakong naka-baon sa sa pader. Lumabas ito para maka-lasap ng sariwang hangin duon sa may garden nila.

"Nasaan 'yung mag-ama?" takang tanong nito. Kinuha nito ang cellphone n'ya sa lamesa ng kusina. Tinawagan n'ya 'to.

"Hello, Honey?" 

"Nasaan kayo?"

"Nandito sa bahay nila, Alejandro. I want to invite him personally."

"Ah... Basta bumalik kayo agad dito."

"Yes, dadaan pa kami sa isang restaurant para mag order ng pagkain for tomorrow."

"Okay basta mag-ingat kayo, I love you."

"I love you too." Agad n'yang pinindot ang end button at tsaka naupo sa isang upuan at ipinikit ang mata at nilanghap ang sariwang hangin sa garden nila.

"Hmm.. Ganito ka ba talaga katamad dito sa bahay n'yo?" mabilis s'yang napamulat ng marinig n'ya ang boses ng isang lalaki. Pagmulat n'ya.... Alejandro?

"I'm sorry?" halata ang pagka-irita sa boses ni, Raquel. "And By the way, pinuntahan ka ng asawa ko sa bahay n'yo."

"Correction. Fianceè"

Huwag feeling. Ako lang dapat ang asawa mo.

"Wait tatawagan ko si, Gino."

"Ako na." mabilis nitong kinuha ang cellphone n'ya sa loob ng bulsa at tsaka mabilis na tinawagan si Gino. Mabilis naman itong nasagot ni, Gino.

Sweet Distraction: Alejandro Buenaventura ✓ [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon