"SORRY," salitang nasambit niya sa lalaking kaharap niya. Mabilis itong pumunta sa lalaki at niyapos ng yakap. Alam niyang itutulak siya nito palayo pero nagkamali siya, niyakap din siya nito. Napahagulgol nalang ito sa bisig ng lalaki.
"Tahan na, Honey. Pinapatawad na kita sa lahat ng kasalanan mo. Tama ang ginawa mo, masaya akong makasama ka, masaya akong makilala ka at masaya akong minahal mo rin ako sa mga taong nagdaan." sabi ng lalaki habang hinihimas at tinatapik ang likod nito upang tumahan.
"Sorry, Gino. Ang dami kong kasinungalingan, wala akong kuwenta. Sana matanggap mo pa rin ako. Sorry Gino, naging mahina ako. Hindi ko inamin ng maaga, pinagmukha kitang tanga." humihikbing turan ni Raquel.
"Sa kabila ng kasalanan mo, alam kong natatakot ka lang pero tandaan mo tanggap kita kahit ano ka pa. I love you until the end of my life." napapikit si Raquel na tumatango. Napakasuwerte niya talaga kay Gino. Sa kabila ng lahat, narito si Gino nakalahad ang kamay at handa siyang tanggapin at mahalin. Pagmulat ng kaniyang mata nawala ng parang bula ang lalaking kanina'y kayakap niya. May kung anong kirot ang sumagi sa kaniyang dibdib at bumilis ang tibok nito na hindi niya malaman ang dahilan.
"Gino?" nilibot niya ang kaniyang tingin pero.... Walang.... Gino'ng nagpakita. "Gino!" sigaw niya at mabilis na tumakbo palayo sa lugar na iyon at pumara ng taxi. Mabuti't may humintong taxi pagka-para niya. "Sa Village manong. Paki-bilisan po please." pagmamakaawa nito sa driver. Hindi pa rin humihinto ang bilis ng tibok ng puso niya.
"Ito po 'yung bayad manong. Sa inyo na po ang sukli." sabi niya pagkababa niya. Mabilis siyang lumakad at narinig ang sigaw ng anak.
"Dada!" sigaw at iyak ng anak niya. Naabutan niya ang nakahandusay na si Gino.
"Gino!" mabilis siyang tumakbo at niyakap ng mahigpit ang fiancè. "Bakit mo ako iniwan!" humahagulgol na sabi nito sa lalaki. "Akala ko ba magpapakasal tayo?" nanginginig ang kamay niya na kinuha sa bulsa ang cellphone at tinawagan si Ale.
"Anong kailangan mong sinungal—"
"Tulungan mo ako. Tumawag ka ng ambulance! Please! Tumawag ka!"
"Baki—" hindi na niya hinintay na magsalita pa si Ale at pinatay niya ang tawag.
"Anak anong nangyari kay Dada mo?" humihikbing tanong nito sa anak na panay ang iyak.
"ANAK, laro tayo ng xbox." aya ni Gino sa anak niya.
"Sige, Dada!" tumatalon na sabi ng bata, tuwang tuwa ito.
Sa kalagitnaan ng paglalaro ng bata ng may isang lalaking naka-maskara ang pumasok at mabilis na sinuntok si Gino.
"Anak, pumasok ka sa kuwarto mo." sabi ni Gino. Tumayo ito at sinubukang lumaban pero nuong akmang susuntok na siya ay mabilis na magpaputok ang lalaking ng tatlong beses. Nang masiguradong walang ng buhay si Gino ay mabilis na umalis ito at sumakay sa motor.
"Dada!" sigaw ng bata. Mabilis itong lumapit at niyakap ng mahigpit ang kaniyang ama. Naalala nito ang mga masasayang alaala ng kaniyang Daddy Gino. Kung paano ito naging isang mabuting ama, umalalay hanggang sa makatayo siya sa kaniyang sariling paa.
"Kasalanan ko ang lahat ng ito. Kung hindi ako umalis, hindi sana ito mangyayari." napalingon si Raquel sa lalaking pumasok mabilis itong lumapit sa kanila, yumakap si Raquel dito upang humugot ng lakas ng loob.
"Anong nangyari?" hindi makapaniwala sa nasaksihan niya ang lalaki.
"Kasalanan ko lahat ito Ale. It's all my fault! This is my fault! Napaka-walang kwenta ko!"
"Shhh... Huwag mong sabihin 'yan. Walang may kasalanan nito." pagpapatahan nito. Mabilis na lumapit sa kaniya ang ang bata. "Anak?" biglang tumulo ang luha niyang yumakap sa kaniya ang anak niya. Nilayo niya ito sa bangkay ni Gino upang makuha ng rescue team ang katawan ni Gino. Walang tigil sa pag-iyak si Raquel.
"Sumunod nalang po kayo sa hospital, ma'am and sir." sabi ng isang lalaki. Tumango naman si Ale hanggang sa tuluyang umalis ang ambulansiya.
Walang tigil sa pag-iyak si Raquel.
"Raquel, tahan na. Wala kang kasalanan."
"Kasalanan ko, iniwan ko sila. Sana ako nalang yung binaril nila, tutal ako naman ang madaming kasalanan e. Bakit hindi nalang ako! Bakit hindi nalang ako! Bakit?! Bakit! Bak—" natigil ito sa pagwawala ng halikan ito ni Ale.
"Hindi mo kasalanan. Walang may kasalanan. Kung sino man ang taong 'yun, batas na ang bahala sa kaniya. May spy camera sa bahay niyo. I'm sure na nakita duon ang lalaki sa footage."
"How did you know?"
"Before tayo mahuli ni Gino, nakita kong may kinakabit siyang Camera. Sa sala, kuwarto at guestroom. I'm sure dahil din duon kung bakit tayo nahuli. Nasa phone niya ang footage." mabilis na umakyat pataas ang babae at kinuha ang phone ni Gino. Nang makuha ay mabilis itong bumaba at ibinigay kay Ale.
May pinindot na kung ano si Ale sa phone ni Gino nang magbukas ang isang app. Biglang pinindot ni Ale ang footage. Nakita niya duon ang buong pangyayari at maging ang itusura ng lalaki.
"Walang hiya siya!" galit na sabi ni Raquel habang ang bata ay tulog habang naka-karga kay Ale.
"Shh.. Magigising si Yorito. Don't worry bukas na bukas ibibigay ko ito sa pulis but first, magbihis ka muna. Pupunta tayo sa hospital." agad na umakyat ang sa kuwarto.
Kakatapos lang niya magbihis. Mabilis niyang kinuha ang cellphone niya na nakapatong sa lamesa. Umupo siya sa kama at tinawagan ang mommy ni Gino na ngayon ay nasa ibang bansa.
"He-Hello?"
"Yes, hija?"
"Mommy, si-si-si Gi-Gino po." nauutal niyang sabi. Parang gusto niya ulit umiyak pero kailangan niyang masabi ng maayos ito pero pano?
"Diretsahin mo na ako, hija."
"Wala na po si.. Gino?"
"What?!"
"He-he passed away." bigla nalang tumulo ang luha niya.
"No! My son! O my God. Uuwi kami diyan bukas na bukas."
Grabe ang hagulgol ng ina ni Gino. Ang sakit sa puso na mawawala ang isang taong mahalaga sayo at higit sa lahat ang taong minahal mo sa mahabang panahon.
"Raquel, are you done?" mula sa baba. Mabilis niyanf tinuyo ang kaniyang basang pisngi at bumuntong hininga habang shine-shake ang dalawang kamay at muling bumuntong hininga bago siya lumabas ng kuwarto. "Tara na." nauna ng lumabas ng bahay si Ale buhat buhat ang bata habang si Raquel naman ay pababa na ng hagdan. Lakad-takbo ito palabas.
Nang parehas na silang nakasakay sa kotse ay dali-daling pinihit ni Ale ang makina at pinaandar. Tulala pa rin ito at nakadungaw lang sa labas.
"Raquel?"
"Hmm?"
"I'm sorry kan—"
"It's not your fault. Maganda rin na nalaman mo but now, huwag mo muna akong kausapin, please." tumango naman si Ale at si Raquel naman ay bumuntong hininga muna at muling dumungaw sa labas. Walang imikan ang dalawa, katahimikan ang bumalot sa loob ng kotse.
Nauna na si Raquel sa loob ng hospital.
"Gino Condejo. 'Yung lalaking sinugod dito." sabi niya sa nurse. Mabilis na tinuro ng nurse ang kinaroroonan ng labi ni Gino. Nabangga niya ang doctor na galing sa kuwartong iyon kung saan naruon ang fiancè.
"Ikaw ba ang asawa ni Gino?" tumango naman ito.
"Wala na siya sa kuwartong ito, nasa funeral home na siya. Mamayang gabi po ihahatid ang labi niya." muling nanghina ang kaniyang mga tuhod at napaluhod.
"Doc, ako na pong bahala sa kaniya." sabi ni Ale sa doctor.
"Okay, excuse me." at tsaka tuluyang umalis ang doctor. Mabilis na niyakap nito si Raquel ganuon rin naman ang ginawa ni Raquel, mahigpit na yumakap ito. Kahit paano ay gumaan-gaan ang pakiramdam niya.
BINABASA MO ANG
Sweet Distraction: Alejandro Buenaventura ✓ [Completed]
RomansaBuenaventura Trilogy: Two: Sweet Distraction Warning: SPG || R18+ || Matured Content || Not suitable for young readers. Kilala bilang matinik pagdating sa babae si Alejandro Buenaventura, walang gabi na wala siyang naikakama sa tuwing nagagawi...