KAKAGALING lang nila Alejandro, Dion, Apollo at ng mommy niya sa isang sikat na restaurant duon sa Hongkong.
"Tita, uuwi na po ako sa pinas." sabi ni Apollo habang nagda-drive pauwi sa hotel.
"Why?" sagot namin ng matanda sa kaniya.
"Duon muna ako kay Nicholas. Magpapatulong sana ako sa business nagagawin ko at magkaroon din ng konting idea." sabi niya.
"Okay, that's good. Matututo ka magpatakbo ng business. Sige mag-ingat ka sa biyahe papuntang pinas." tanging pagtango na lamang ang naisagot ni Apollo at nag-focus sa pagda-drive.
"Here we are tita." sabi nito.
"Boys, labas na. Para makapag pahinga na kayo." tawag nito sa dalawang anak niya na nasa likod habang busy sa pagkalikot ng kung ano-ano sa cellphone.
"Mom, pwede ko ba gamitin itong car? May pupuntahan lang po ako." pagpapa-alam ni Alejandro. Pumayag naman ang kaniyang mommy. Lumabas na sila at pumasok na sa loob ng hotel.
KASALUKUYAN siyang nagda-drive papunta sa bar. Gusto niya kasi ma-experience yung mga alak dito sa Hongkong.
"Enjoy your night, Sir." sabi ng guard.
Pumasok siya sa loob at masasabi niyang mas astig ito kesa sa bar na napasukan niya sa Pilipinas. Agad siyang pumunta sa bartender.
"Welcome to International Bar. Your wish is our command." bati ng ng bartender. Hindi pamilyar ang name. Kung International Bar ito, baka wala sa Pilipinas? "How can I help you, Sir?" tanong pa nito.
"The most expensive hard liquor, please." sabi niya sa bartender. Agad na ginawa nito ang nais ng kaniyang costumer.
"Here's your mosy expensive hard liquor, sir." abot nito, sabay kinadat kay Alejandro.
"Nakakabakla pala talaga ang kaguwapohan ko." sabi nito sa sarili habang natatawa sa ginawa ng bartender sa kaniya.
Patingin-tingin siya sa kaliwa at kanan hanggang sa mahinto ang tingin sa isang babaeng mag-isa at tila may pinagdadaanan. Agad niyang dinala ang alak niya at tumungo sa babaeng na-spotan niya.
"Miss, can I sit here?" nakingiti niyang sabi. Grabe kahit kailan napaka-chickboy, kulang nalang pati sisiw ligawan niya.
"Sure." nakita niya ang chinita nitong mata, maputing balat, maliit at mapulang labi, matambok na dibdib at magandang katawan.
"You're so beautiful." sabi niya.
"Uupo ka ba dito o hindi?"
"Nagtatagalog ka?" di makapaniwalang saad nito sa babaeng kaharap niya ngayon. Naupo siya sa tabi nito.
"Hindi Chinese yun, malamang." halata na ang pagka-badtrip ng dalaga.
"Bakit ka nga ba nag-iisa dito? Bar ito, paano kung may mambastos sayo dito?" pag-iiba ni Alejandro ng topic.
"May malaki lang akong problema." sabay inom ng alak na nasa baso niya.
"Puwede ba kitang matulungan? Hindi ako love expert pero kaya kong magbigay ng advice."
"No need." nakayukong sambit ng babae sa kaniya.
"Weird." bulong nito.
"May sinasabi ka?"
"Sabi verb." pagpapalusot pa ng binata.
"Okay. By the way, I'm Raquel Montuerto. How about you?" pagpapakilala nito sabay abot ng lahad ng kaliwang kamay upang makipag shake hands.
BINABASA MO ANG
Sweet Distraction: Alejandro Buenaventura ✓ [Completed]
Storie d'amoreBuenaventura Trilogy: Two: Sweet Distraction Warning: SPG || R18+ || Matured Content || Not suitable for young readers. Kilala bilang matinik pagdating sa babae si Alejandro Buenaventura, walang gabi na wala siyang naikakama sa tuwing nagagawi...