KUNG nababasa mo man ito, alam kong wala na ako sa tabi mo. Sinulat ko ito para kahit na wala ako sa tabi mo at least maalala mo ako. Lagi mong tatandaan na mahal na mahal ko kayo ng anak natin.
Sana hindi ka magsawa sa pagmamahal mo sa akin, alam kong darating din tayo sa punto na maghihiwalay tayo. Mamahalin kita hanggang sa dulo ng buhay ko. Tanging kamatayan lang ang makakapag-hiwalay sa atin. Sana, Honey, kahit na wala na ako sa tabi mo lagi mong tatandaan, patay man ang katawan ko, buhay naman ang pag-ibig ko.
Nagmamahal,
Gino CondejoMuling tumulo ang mga luha niya ng mabasa ang sulat ng fiancè. Humiga ito sa kama habang yakap-yakap ang papel na may mensahe ni Gino at ipinikit ang mata hanggang sa hindi na niya namalayang nakatulog na pala siya.
ISANG BUWAN na pala ang nakakalipas ng mamatay si Gino. Si Ale ay dito muna tunuloy kala Raquel upang pagsilbihan ang mag-ina.
"Ale, you don't need to do this, I can handle-"
"You don't. Maupo ka na d'yan at ako na bahala sa breakfast, samahan mo nalang ang anak natin sa sala."
"Hoy, huwag kang assuming hindi kita asawa."
"Sabi ko lang anak natin hindi ko naman sinabi na 'asawa, samaha mo nalang ang anak natin,' ikaw ang assuming." argumento ng binata habang binabaligtad 'yung bacon.
"Napaka mo talaga."
"Huwag mo nga akong titigan baka matunaw ako." saway nito.
"Hindi ako nakatitig. Napaka assuming mo talaga, Ale. Pasalamat ka at guw-"
"Alam kong guwapo ako. Wait, may sagot kana ba sa tanong ko sayo kagabi?" tanong ni Ale.
"Ale, ayoko na magmahal simula nuong nawala sa buhay ko si Gino."
"Think about it first. Hihintayin ko ang sagot mo bukas. Goodnight, I love you. Oppsss, sorry." nagpa-cute pa ito bago pumasok sa loob ng guestroom katabi niya ang anak niya.
"Lord, give me a sign. Hindi ko alam kung sasagutin ko siya. Oo mahal ko s'ya pero, kasi, kamamatay lang ni Gino tapos hahanap ulit ako ng kapalit.
Bumuntong hininga muna si Raquel at nagmuni-muni.
"Siguro ito na ang time para iwanan ang pait na naranasan ko nuong panahong umiiyak ako. Gino, alam mong mahal na mahal kita pero hindi ko kayang mag-isa, kailangan ko rin ng makakasama sa buhay. Lagi mong tatandaan, ikaw lang ang unang lalaking minahal ko bago pa pumasok si Ale sa buhay ko. Tandaan mo, lagi kang nasa puso't isip ko naka-tatak at ang tatak na ito ay kailan may hindi matatapalan ng kahit na sino. I love you, Hon."
"Give me a sign please."
At ayun nga ang nangyari kagabi sa pag-uusap nilang dalawa. Kasalukuyang inaayos ni Ale ang mga plato para gamitin sa breakfast nila.
"Think about it, baby. Maghihintay ako sa sagot mo. No rush, 'cause I believe na ang pag-ibig ay hindi minamadali."
"Corny ng banat mo, walang ka class-class."
"Tsk. KJ mo."
"Drama mo. Oo."
"Huh?"
"Oo sabi ko, bingi lang?"
"Anong oo? Baliw ka na? 'Di ko gets."
"Alam mo ang guwapo mo kaso ang slow mo. Sabi ko, OO it means sinasagot na kita."
"Talaga?!" tila ba nagkorteng puso ang mga mata ni Ale at tuwang tuwa na akala mo ay nanalo sa lotto. "Yohooo! Yes! Finally! I love you Raquel!" humalik ito na para bang manok na tumutukatuka sa labi ng babae.
"I love you too, Alejandro."
"Let's eat. Yorito, anak? Come here na kakainin ko na si mom- I mean kakain na." tawag nito sa anak.
"Naughty."
"Sorry naman. Ikaw kasi e." natawa nalang silang dalawa. Pagdating ng anak nila ay nagdasal muna sila pagkatapos sumandok na ng kanin si Ale para ibigay sa anak. Masaya silang kumain, para isang happy family kung titingnan.
Salamat Alejandro sa pagmamahal na binigay mo sa akin. I promise na hindi ko iyon babaliin, I love you. Ikaw ang nand'yan sa mga oras na malungkot ako at nangungulila. Ikaw ang nagpuno bagong kulay sa aking paningin. Sana hindi mo rin ako iwanan at I promise na mamahalin ka.
"Tumigil ka nga sa kakatitig, kumain ka nalang." suway ni Ale, hindi niya namalayan na nakatitig na pala siya dahil sa lalim ng imahinasyon. Napabalik siya sa wisyo ng samawayin siya nigto.
"May iniisip lang ako. Tsaka napaka-kapal mo, bawal ba tumitig?" tinapunan ni Raquel si Ale ng isang matalim na tingin
"Palusot.com.ph"
"Bahala ka nga d'yan. Naughty."
"Uy, nagkaka-inlove-an na si mommy at daddy. Ayieee.. Sana all." singit ng bata at may halong panunukso. Grabe kaybata-bata pa e, pero kung makatukso wagas.
"After nito pupunta tayo sa bahay. Ipapakilala na kita, kayo ng anak natin."
"Agad-agad?"
"Yehey!" tuwang-tuwa ang bata habang ng nanay nito ay parang hindi na makagalaw sa sobrang kaba.
"Oo, ayokong patagalin pa 'to. Sabi ko kay mommy, kung sakaling magkakaroon ako ng girlfriend e, papakilala ko kaagad sa kanila."
"Kinakabahan ako."
"Mommy, huwag kang kabahan nandito ako." na-touch naman si Raquel sa anak niya na napaka-supportive.
"Yes, tama ang baby boy natin, nandito lang kami for you kaya bilisan nating mag-breakfast at aalis tayo.
"Daddy, puwede po ba ako magdala ng toy?"
"Yes naman anak, makipaglaro ka kay tito Dion mo." wika ni Ale bago sumubo ng bacon mula sa kaniyang plato.
"Bunso kong kapatid." mabilis na humarap bata kay Raquel at nag-please position.
"Mommy, gusto ko rin po ng bunso para may ka-play po ako maglaro. Please." napatingin naman si Raquel sa kinaroroonan at nagkibit balikat nalang at tsaka kumain ulit.
Tumikhim muna ito bago nagsalita, "Anak, ahmmm.... Hin-"
"Ang bagal mo. Sabihin mo lang kung gagawa or not. Isa pa gusto ng bata ng kapatid."
"Napaka-manyak mo." nagkibit balikat lang ito sa kaniya at tumawa ng inosente.
"Mommy please?" mahihindian ba naman niya ang ganito ka-cute kung mag-makaawa.
"Okay fine" narinig pa niyang nag 'Yes!' si Alejandro na para bang nanalo sa pustuhan. Ang bata naman ay tuwang tuwa.
"Thank you mommy. I'm so excited."
"Kumain kana anak, nasagot na ni mommy yung tanong mo at mamaya gagawa na kami ng-" hinampas nito ang balikat ni Ale.
"Bakit?" natatawang saad ni Ale.
"Napaka-manyak mo."
"Gusto mo naman." namula naman ang pisngi nito sa sinabi ni Ale.
"Bilisan niyo na nga lang para makaalis na tayo." paglilihis naman ng usapan ni Raquel dahil baka saan pa mapunta ang usapan nila.
Nang matapos silang kumain ay mabilis na niligpit ang mga pinagkainan at naghugas muna ng pinggan. Sa kalagitnaan ng paghuhugas niya naramdaman niya na may pumulupot sa kaniyang tiya.
"Ale, naghuhugas pa ako."
"Let me hug you."
"Okay pero baka mabasa ka."
"Ayos lang. Raquel?"
"Po?"
"Thank you,"
"For?"
"For accepting me. I love you, baby."
"Sinagot kita kasi mahal kita, I love you too."
BINABASA MO ANG
Sweet Distraction: Alejandro Buenaventura ✓ [Completed]
RomanceBuenaventura Trilogy: Two: Sweet Distraction Warning: SPG || R18+ || Matured Content || Not suitable for young readers. Kilala bilang matinik pagdating sa babae si Alejandro Buenaventura, walang gabi na wala siyang naikakama sa tuwing nagagawi...