"Woy Heira! Ml kasi tayo," pangungulit ng isa kong kaklase sa'kin.
Wala kaming klase ngayon ng 2 hours kaya naman eto kami't malayang nagagawa ang gusto namin. At ang isang to ay ang pangungulit sakin ang kanyang pinagkakaabalahan.
"Sherie naman e. Tumigil na nga ako sa paglalaro!" palusot ko.
Hindi naman talaga ako tumigil. Ayaw ko lang talagang ipaalam yung account ko.
"Log in ka ulit sa Ml. Gusto lang naman kitang makalaro e. Magpapabuhat ako sayo," pangungulit nito sa akin.
Ba't ba ang kulit ng babaeng to? Kung hindi lang siya ang source ko ng mga sagot sa quizzes at assignments kanina ko pa to inaway dahil sa inis.
At isa pa hindi ako ganun kagaling maglaro.
"Fine! Add mo to oh," napipilitan kong sabi pagkatapos ay inabot sa kaniya ang cp ko.
Wala e, wala na akong choice kundi ang pumayag aba mahirap na kapag walang magayahan no! Psh.
"Yey! Makakalaro na rin kita sa wakas. Rank tayo ha," masaya nito sabi.
"Oo na. Bilis, invite mo na ako," hayst! gusto ko ng tapusin to agad. Nanonood kasi ako ng kdrama e. Pinagbigyan ko lang talaga 'to.
"Eto na nga," sabi nito at pagkatapos ay inaccept ko na ang invitation niya.
"Ba't may isa tayong kasama? Sino to?" Tanong ko sa kanya kasi may isa pa kaming kasama sa lobby.
"Ah nakasama ko sa game kanina."
Hinayaan ko na lamang siyang huwag sabihin sa akin. Paki ko ba naman kasi isang yun.
Welcome to Mobile Legends!
Five seconds till the enemy reaches the battlefield. Smash them!
All troops deployed.
Nagsimula na nga ang laro namin at masasabi kong ok naman silang teammate. Hindi mga kanser HAHAHA
Lumipas ang ilang minuto at nag eenjoy naman ako. Magaling yung kasama naming isa sa lobby. Ayos rin naman maglaro si Sherie. Hindi siya masyadong pabuhat.
Papunta na kami sa base ng kalaban para tapusin ang game nang biglang magcomment yung isang kasama namin sa lobby.
'Wag nyo munang tapusin. Manghihingi pa ako ng advice. Hahaha'
Advice? Para saan?
Natripan kong replyan tong isang to.
'Advice para sa?' comment ko.
'Pagdating sa taong mahal mo. Pano ba umamin sa kanya?'
HAHAHA. seryoso ba to? Dito pa talaga nanghingi ng advice e.
'Torpe lang? pft' reply ko sa kanya.
'Hindi naman sa ganun. Pinipigilan ko pa kasi yung feelings ko'
'Dati. Pero ngayon handa na akong umamin sa kanya' dagdag pa nito.
'Did you know that..' panimula kong reply sa kaniya.
'The reason why people have two arms is for them to hug the people that they love.' Trip ko lang talagang ishare yung line ni Yoon Hee sa Love Rain kaya sinabi ko yun.
Hindi ko talaga balak bigyan siya ng advice haha.
Hindi na siya nagreply sa sinabi ko hanggang sa natapos ang laro namin.
Nilagay ko na sa bag ang cellphone ko pagkatapos ay tumayo na ako dahil balak kong magpahangin sa labas.
Nasa may pinto na ako nang may biglang yumakap sakin.
Pagtingin ko dito si Sherie lang pala.
"Problema mo?" Tanong ko dito.
"Wala man tinulak lang ako bigla" wika nito habang nanlilisik ang matang nakatingin kay Dwayne.
"Tss. Tabi nga!" masungit na tugon ni Dwayne sa kaniya pagkatapos ay nilagpasan kami nito lumabas ng classroom.
Napailing na lamang ako dahil sa kanila.
Haharapin ko na sana ang pintuan at lalabas na rin nang may bigla nanamang yumakap sakin galing sa likod.
Ang higpit ng yakap nito sa akin kaya naman hindi ako makakilos para ito'y tingnan
"Sino ka?" Naiinis kong tanong sa taong nasa likod ko.
"Dwayne" maigsi nitong sagot ngunit sobra ang aking pagkabigla.
Hindi kami close ng taong to kaya naman nakakapagtaka ang inaasta nito.
"Bakit mo ako niyayakap?" Naguguluhan kong tanong dito.
"Nung naglalaro kasi ako. Someone said to me that 'The reason why people have two arms is for them to hug the people that they love'".
"I love you Heira" seryoso nitong wika.
Labis akong nagulat sa kaniyang mga sinabi. Biglang bumilis tibok ng puso ko dahil dito.
Buong pwersa kong inalis ang kaniyang mga kamay na nakayakap sa akin at hinarap siya. Ngayong kaharap ko na siya, malinaw kong nakikita ang namumula at pinagpapawisan niyang mukha. At ang kaniyang mga mata na para bang kinakabahan sa magiging sagot ko sa kaniya.
Wala akong maisip na panimula sa aking sasabihin kaya naman ang unang pumasok sa isip ko na lamang ang aking ginawa.
"Bakit mo ako niyayakap?" Tanong nito sa akin. Yes, niyakap ko siya. Sobrang higpit na yakap gaya ng yakap niya sa akin kanina.
"Dahil may sinabihan akong tao nung naglalaro ako na 'The reason why people have two arms is for them to hug the people that they love', ang sama naman siguro na ako yung nagsabi pero hindi ko ginagawa diba?" Nakangiti kong sagot sa kaniya.
"Ikaw si..." wika nito habang may namimilog na mata. Hahaha. May narealize na rin siya siguro.
"Yup, Ako yung ininvite ni Sherie" sabi ko habang titig na titig sa nagiging reaksiyon niya.
"At ako yung isang ininvite niya"nakangiti na nitong wika.
Matapos ang ilang segundong titigan ay sabay naming hinanap si Sherie. Nakita namin ito sa isang sulok at wagas kung makangiti sa amin.
Napangiti na lang rin kami dahil sa pagiging tulay niya sa aming dalawa.
"Now we know.."tumatango tangong wika ni Dwayne
" That we like each other" natatawa kong tugon.
"Hi Carmilla " sabi nito sa akin habang may ngiting ang sarap titigan.
"Hi Cecillion" balik kong bati rito.
"Tara! Ml tayo."