Sa larangan ng musika, iba iba ang gusto ng mga tao. May ibang gusto ang kpop, ang iba naman ay english songs o kaya naman ay OPM. Sad song naman ang nais ng mga taong pala senti at lively music naman sa mga taong good vibes ang hanap.
Napakarami ng musikang nabuo, napakarami ng sumusulat ng mga ito, umaawit nito at nagmamahal dito.
At maraming pagkakataon na hindi lang tayo sa musika napapamahal kundi pati sa taong may gawa o umaawit nito.
"Bes samahan mo na ako sa concert nila Clint bukas." pamimilit ko sa bestfriend kong si Jane.
"Bakit ba sinusuportahan mo pa rin yang ex mo, e sinaktan ka naman nyan?" nakakunot nitong tanong sa akin.
Oo, ex ko si Clint, ang vocalist ng banda nila. Patuloy pa rin akong naghahabol sa kaniya kasi mahal ko e. Hindi ko pa kayang bumitaw kahit wala ng hinahawakan. Ayaw ko pang sumuko.
"Mahal ko e." natatawa at kibit balikat kong sagot sa kaniya. Napailing lang naman ito sa naging sagot ko.
Tama nga sila, kahit matalino ka hindi mo ito nagagamit kapag pagibig na ang pinaguusapan.
"Kailan ko ng umuwi. Aasahan kita ha!" paalam ko sa bestfriend ko at naunang umalis sa kaniya.
Pagkarating ko sa bahay ay nagpahinga lang ako saglit pagkatapos ay kumain na't naglinis ng katawan.
Bago ako matulog, tinext ko muna ang ex ko para ipaalam na pupunta ako sa concert niya bukas.
'You don't need to.' reply niya sa akin.
'Gusto kong bumalik tayo sa dati kaya sinisimulan ko ulit mula sa una. Diba dun tayo nagsimula? So concert niyo noon. Gusto ko ulit mangyari ang nangyari noon. Gusto ko ulit na mapansin mo ako.'
Mahaba kong reply sa kaniya. Mahal ko pa rin siya at gagawin ko ang lahat para magkabalikan kami. Ayaw kong sayangin ang relasyon namin.
'I don't have a care for you anymore. So can you please just move on!?'
Nasaktan naman ako doon kaya hindi ko mapigilang mapaiyak. Wala na ba talagang pag-asa? Kailangan ko na rin bang sumuko? Pero... hindi ko pa kaya.
'hahaha! yan ba talaga ang gusto mo? Sige gagawin ko pero pwede bang bukas idedicate mo ako sa kanta niyo? Kahit sa ano pang genre ayos lang sakin. Masaya na ako roon. Please?' naluluha kong reply sa kaniya.
Tagahanga pa lamang niya ako ay pangarap ko na iyon. Ang madidecate niya sa isang kanta. Hindi niya pa yun nagagawa kahit nung kami pa. Kaya gusto ko sanang matupad bago ako tuluyang bumitaw.
Hinintay ko ang reply niya pero wala akong natanggap. Napangiti na lang ako ng mapait dahil doon at natulog na rin nang lumipas ang ilang oras ay hindi pa rin ako nakakatanggap ng reply niya.
Kinabukasan ay tanghali na akong nagising at paga pa ang mga mata ko. Iniyakan ko nanaman siya, wala e mahal ko talaga kaya ganun.
Pumunta muna ako saglit ng mall para bumili ng isusuot ko mamaya. Wala kasi akong mapili sa mga damit ko. Pagkatapos nun ay nagayos na rin ako. Saktong pagtapos ko ay may narinig akong bumusina sa labas ng bahay.
"Sabi na't sasamahan mo pa rin ako e ." bungad ko sa bestfriend ko at inakbayan pa ito.
"Matitiis ba naman kita?" may pagsusungit nitong tanong. Tinawanan ko lang naman siya at nauna ng sumakay sa kotse niya.
"Sure ka bang manonood ka pa rin?" nagaalalang tanong sa akin ni Jane.
"Oo. Haha di ako iiyak don't worry." sabi ko rito kahit ngayon pa lang ay gusto ko ng maiyak. Nagfaflashback kasi sa isip ko yung simula namin.
Sa una kami nakapwesto dahil ito ang pinili ko para kitang kita ko ang taong minamahal ko ng sobra.
Naghintay pa kami ng ilang minuto bago nagsimula ang concert nila. Pigil ang luhang pinapanood ko si Clint dahil sabi ko hindi ako iiyak. Hindi dapat ako maging mahina. Habang kumakanta siya ay titig na titig lamang ako sa kaniya. Kinakabisa ang kaniyang mukha habang iniisip ang mga masasayang alaala na kasama ko siya.
"Hello everyone! Are you guys enjoying?" nakangiti nitong tanong sa mga tao. Masigla naman siyang sinagot ng mga ito.
Nageenjoy din naman ako pero nasasaktan at the same time.
"So this is our last song, 'You're still the one" and this is dedicated to Kaycie" nang sabihin niya yun ay napangiti ako habang may pumapatak na luha sa mga mata ko. Pangalan ko ang sinabi niya at masaya akong matutupad ang hiling ko.
"Kaycie Atienza, my ex- girlfriend." naramdaman ko namang tinakpan ng bestfriend ko ang tenga ko pero huli na siya.
Napakinggan ko na. Malinaw na malinaw.
Umasa ako.
Akala ko para sa akin na pero sa isang ex niya pala. Ex niya na nauna sa akin.
Kasabay ng pagakyat sa stage ng babaeng nagmamay ari ng pangalang iyon ay ang sunod sunod na pagtulo ng mga luha ko.
Akala ko hindi ko na siya iiyakan.
Akala ko hindi na niya ako masasaktan.
Pero hanggang akala ko lang pala.
Dahil nasasaktan pa rin ako
Lalo't ngayong nalaman ko na..
Rebound lang pala niya 'ko.