Trust is like a paper once it's crumpled, it can't be perfect
The mind doesn't choose who you fall in love with. That's your heart job
The past cannot be change
Scrolling up, Scrolling down and reading quotes. That's my life every time I feel bored.
Foundation namin ngayon at eto ako, nag iisa at walang magawa.
Not that i'm a lonely person, hindi lang talaga pumasok ang nag iisa kong bestfriend na si Cecille Mojado, Cel for short. May lbm daw kasi sya.
Btw. Ako nga pala si Aisa Tumacbas. Ais for short. Hindi kagandahan at sobra sa katabaan.
Since foundation day ngayon, may mga outsider dito sa school namin. Kaya mas dumami ang mayayabang. Mas dumami lang nga ang tinilian ng mga kababaihan.
"Kyahhh! Ang gwapo ni Josh"
"My Ghad Cassie! Nakakatunaw yung ngiti ni Justin"
"Why so cute Stell!?"
"O My Sejun! Give me hug ang kisses!
"Ang cool ni Ken. Kyahhh!"
Sila ang Sb19. Nanggaling sila sa ibang school pero sikat na sikat sila dito dahil bukod sa gwapo sila ay talentado pa.
Gwapo naman talaga sila pero kailanman ay hindi nila ako naging fan. Gusto ko yung simple lang at hindi hinahabol ng mga babae para wala akong kaagaw.
Parang kagaya ko lang. Ni minsan walang naghabol saking lalaki para manligaw. May naghahabol man pero para lang mang asar. Kesyo Baboy raw ako.
"Hayst buhay nga naman."
Pumunta na lang ako ng rooftop para mapag isa. Ngunit pagdating ko dun. Hindi ko inaasahan na may tao pala dito.
Siya ay isang chess player namin. Hindi siya yung chess player na maraming fan. Siya ay tampulan ng tukso dahil sa sobrang pandak nito na salungat sa katawan niyang sobrang laki. Gasul siya kung tawagin.
Nilapitan ko siya at tinanong kung bakit andito siya sa rooftop.
"Wala naman kasi akong gagawin sa baba. Aasarin lang ako ng mga tao roon"
Iyan ang naging sagot niya sa akin.
"Can i join you?" Tanong ko sa kanya
"Oo naman"
"Anong pangalan mo?"
"Raymart Triviño"
"Ako nga pala si Aisa Tumacbas. Ais for short" pakilala ko sabay abot ng kamay sa kanya.
"Nice meeting you Ais"
Iyon ang araw na nakilala ko ang kaisa isang lalaking nakapagbigay sa akin ng interest
But one thing is for sure. I'm interested but i'm not attracted.
I don't know why. Sobrang interesado ako sa kanya pero ni minsan hindi ko naisip na magkagusto sa kanya.
Isa na rin akong chess player ngayon. Sumali talaga ako para lang makasama siya palagi.
And every training. Tila ba mas nagiging interesado ako sa kanya. Kaya naman hiniling kong ipakilala niya ako sa pamilya niya.
Tinupad naman niya ito kaya sumunod na araw ay pumunta na kami sa bahay nila para ipakilala ako sa pamilya niya.
Nabanggit niya sa akin na papa na lang niya ang kasama niya ngayon. Ang mama niya, hindi niya alam kung nasaan.
Habang hinihintay ang pagdating ng papa niya galing trabaho. Hindi ko alam pero nakaramdam ako na may kakaibang mangyayari.
Hanggang sa dumating na nga ang tinutukoy niyang papa niya.
"Pa. Si Aisa Tumacbas nga pala. The only girl that I like"
Ilang segundo kaming nagtitigan ng papa niya hanggang sa hinila ko si Raymart palabas ng bahay nila.
"Hey. What's the problem? Na bigla ka ba sa pag amin ko ng feelings ko ?"
"May sasabihin ako sayo"
"Ano yun?" Naguguluhan niyang tanong.
"Your dad. He's my long lost father. And you, you're my long lost twin brother."
At iyon ang unang beses na umiyak ako dahil sa katotohanang ang kaisa isang taong nagkagusto sa akin ay hindi pwedeng mapasakin.