I'm a Fan

139 2 0
                                    

"I'll be back after 30 minutes. Message na lang kita if maeextend time para pwede ka ng umuna pauwi."

Paalam sa akin ng bestfriend ko. She's looking for a job and may interview siya ngayon sa isang company. Nagpasama siya sa akin at dahil wala naman akong ginagawa ay pumayag na rin akong samahan siya.

"Okay, sige. Sa kabilang kalsada na lang ako maghihintay. Init dito e," sumangayon naman siya at nagpaalam na bago pumasok sa building. Ako naman ay tumawid na sa kabilang kalsada.

Naisipan kong bumili ng makakain sa isang convenient store na malapit doon para naman hindi ako mabored sa paghihintay.

Habang naghahanap ako ng masarap kainin ay may napansin akong isang lalaki na bumili rin doon. May tabon ang kaniyang mukha kaya hindi makita ang itsura niya.

"Familiar siya," wika ko sa aking sarili. Lumapit pa ako ng kaunti sa kinatatayuan niya at doon ko nalaman kung sino siya.

"O my ghad!" mahina at pigil kong tili dahil baka mapukaw ko ang atensyon ng ibang nandito. Kilala ko siya! He's an actor and I'm a fan of him kaya kahit todo pa ang tabon niya ay nakilala ko siya.

Hindi ko naman malaman kung iaapproach ko ba siya dahil gusto kong magpapicture o hahayaan ko na lang muna kasi mukhang ayaw niyang makilala siya ng mga tao. Hindi pa ako nakakapagdesisyon sa gagawin ko nang may biglang lumapit na sa kaniya.

"Sir, malapit na po magstart ang taping," pabulong na wika ng babae sa kaniya. Siguro ay isa ito sa mga staff niya. Tumango lang naman ito at agad ding pumunta ng counter para magbayad.

Dali dali naman akong kumuha ng kahit anong pagkain para lamang makapila sa likod niya. Hindi ko na pinansin kung anong pagkain ang nakuha ko.

Habang nakapila sa likuran niya ay pigil ang aking kilig at pasimple ko rin siyang kinuhanan ng pictures.

"280 pesos po sir," wika ng cashier sa kaniya. Napansin ko naman na kapa lamang siya ng kapa sa kaniyang bulsa ngunit hindi pa rin niya nakukuha ang wallet niya.

"Sorry, mukhang nakalimutan ko 'yong wallet ko," napapakamot sa batok at bahagyang natatawa niyang wika. "Wait a minute, I'll call someone." dagdag pa niya at nagsimula ng magdial sa phone niya.

"I'll pay for him," singit ko bigla. Napalingon naman ito sa akin at kahit nakashade siya ay alam kong sa akin siya nakatingin kaya naman mas lalo akong kinilig. At dahil sa pabida akong fan niya, I tried my best to show my sweetest smile.

"Thanks but you don't need to," wika naman niya at pinipigilan ako sa pagbayad. Sasabihin ko sana na ayos lang na ako ang magbayad kasi fan naman niya ako kaso naisip ko bigla na baka mailang siya sa akin.

"I just want to help. You can pay me back if you're not okay with it," nginitian ko naman ulit siya pagkatapos ay inabot na sa cashier ang card ko pati na rin ang mga pagkain na binili ko. Nagpasalamat naman ito sa akin at maya maya ay may tumawag sa kaniya kaya lumabas na rin ito agad.

Lumabas na rin naman ako ng matapos na ako sa pagbayad. Luminga linga pa ako sa paligid para hanapin kung andito pa ba siya.

"Hey," tawag sa akin mula sa likod. Humarap naman ako dito at nakita ang taong hinahangaan ko. Gosh! Sana sa'kin ka na lang talaga.

"Can I get your number?" tanong naman agad nito sa akin. Muntik na akong mapasigaw at mapatalon dahil doon pero buti na lang ay nakontrol ko pa ang sarili ko.

"Don't get me wrong. Hinihingi ko kasi para macontact at mabayaran kita," Paglilinaw naman niya. Napa o-lips naman ako dahil doon. Umasa ako doon ah. Binigay ko rin naman ang number ko sa kaniya pagkatapos ay agad din itong umalis. Mukhang start na ng taping nila.

One Shot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon