"San kayo ma'am?" tanong ni manong driver sa amin.
"Smile po. Annex" sagot ko dito.
"Tara"
Sumakay na kami ng dalawa ko pang kasama. Nasa loob sila samantalang mag isa lamang ako sa labas sa likod ng driver.
Baka pala nasa isip niyo e taxi ang sinakyan namin haha. Tricycle lang kasi malapit lang naman itong Sm sa amin e. Mga nasa 5 minutes lang siguro ang byahe.
Nakasakay na kami't lahat pero di pa rin kami umaalis kasi inaayos pa ni manong driver yung earphone niya. May katawagan kasi si manong driver.
Ilang minuto pa ang lumipas at buti naman naisipan na niyang paandarin ang sasakyan. Hahaha nakaramdam siguro na naiinip na kami.
"Pagasolina muna tayo ma'am ha" sabi nito sa akin.
"Sige lang po." Tanging sagot ko dito.
Habang nasa gasolinahan at naghihintay tamang inom lang ako sa mcfloat ko.
Unang inom. Feel na feel
Pangalawang inom. Mas feel na feel
Pangatlong inom. Nabilaukan.
HAHAHAHA
Kasi naman si manong driver masyadong highblood.
"Bakit tayo matatakot e wala naman tayong ginagawang masama!?" Galit na wika nito sa katawagan niya.
Yan yung dahilan kung bakit nabilaukan ako haha natawa kasi ako bigla.
"Nasaan ka ba ngayon?" tanong nito.
Tiningnan ko si manong driver at nakaearphone pa rin ito kaya nagkaroon ako ng trip sa buhay. HAHAHA
"Andito sa likod mo. Enebe babe" natatawa kong wika.
"Pagkahatid ko dito sa pasahero ko pupuntahan kita. Wag kang aalis diyan!" Nanggigil na nitong wika.
"Hindi ako aalis. Promise" sabi ko na tila ba ako ang kausap niya.
"Sinong kasama mo diyan?"
"Ikaw tapos sila ate" sagot ko ulit dito.
"Si John! Bakit kasama mo yang lalaking yan!?"
Ala nagagalit na si manong driver. Relax lang po hehehe.
"Kuya ko si John. Yung panganay kong kapatid" pinagpatuloy ko pa rin trip kong pagsagot. Naka earphone naman siya e.
"Anong sabi ni Tita Alice mo?"
Tita alice? Alice in wonderland?
"Ah e nawawala daw yung walis niya. Nakita mo ba?" Tanong ko dito.
HAHAHA laughtrip.
"Bakit pinapalapit pa niya sayo yang lalaking yan? Hiwalay na kayo. Kaya nga sumama ka sakin diba!?" Hala siya galit nanaman si manong driver. At issue ng pagiging kabit ba pinaguusapan ng mga ito? Jusko!
"E kasi nga kuya ko naman si John e. Kaya walang masama kung pinapalapit siya ni walis este ni tita alice sa akin." Sagot ko dito habang pinipigilan ang aking pagtawa.
"Basta hintayin mo ako diyan. Paalisin mo na yang lalaking yan diyan baka masuntok ko yan!" Chill manong. Mahal ka niyang katawagan mo hahaha.
"Saan po tayo?" Tanong nito
"Sa puso mo. Yiee" sagot ko na wari'y kinikilig.
"Ma'am saan po tayo? Anong building po?" Tanong ulit nito.
Omygosh! Ako na pala kausap niya at hindi na siya nakaearphone. Napakinggan kaya niya yung sagot ko? Nakakahiya Jusko!
"Ah hehe building T po" nahihiya kong sagot sa kaniya. Naku muntik ng mahuli yang kabaliwan mo. Tama na nga!
"Ano po? Building D?"
"T po." Ginandahan ko na pronounciation ko niyan ha.
"Ahh T. Tango" ay wow. Sana all alam ang military alphabet. Hahaha
Maya maya pa ay tumigil na ang sinasakyan namin. Bumaba ako agad at maglalakad na sana kasi di naman ako ang magbabayad nang bigla akong kausapin ni manong driver.
"Teka ma'am. Parang may kausap po kasi kayo kanina. Sino po yung kausap mo e ikaw lang naman po nakaupo sa likuran ko"
Hala! Nahalata niya? Naku patay!
"Ah may katawagan po ako kanina. Hehe bakit po?" Pagsisinungaling ko.
" Wala naman. Akala ko kasi sinasagot mo mga sinasabi ko. Pinagtitripan ba. Nagkamali siguro ako"
"Nagkakamali po talaga kayo." Depensa ko.
Hoo! Buti na lang talaga nalusutan ko.
Pagkaalis ni manong di ko na napigilang matawa dahil sa pinaggagawa ko. Pero palihim lang para hindi mapansin nila ate.
Sorry manong driver. Peace tayo ha! Di ko na uulitin. Don't worry. HAHAHA.
