Spaghetti Sauce

147 4 2
                                    

"Bunso?" malambing na tawag ni ate sa akin.

Andito ako sa kwarto ngayon at busy na busy na sa paglalaro ng ml.

"Gusto mo ng spaghetti diba?" tanong dito sa malambing ulit na tono habang papalit sa akin. Umupo ito sa tabi ko at inakbayan pa ako.

Problema nito?

"Oo ate, kanina pa. Luto na ba?" pagtatanong ko habang tutok na tutok pa rin sa cp ko. Argh nanggigil ako sa aldous ng kalaban, laging sakin niya siniset ulti niya. Babawian kita mamaya!

"Hindi pa nga bunso e." wika nito at naiilang pang tumawa. "Pwede bang ako na magtutuloy niyan. Baba ka muna saglit. Please?" dagdag pa nito habang nilapit pa ang mukha nito sa akin para makita ko ang pagpuppy eyes niya.

"Ikaw na lang bumaba." sagot ko dito. Kitams na naglalaro ako e.

"E dali naaaa! Ang sakit kasi ng puson ng ate mo. Di ka ba naaawa sa akin?" pagmamakaawa nito. Hmp! Bahala siya diyan.

"E bakit ba kasi kailangan kong bumaba? Wala naman ng bibilhin ah. Kumpleto na ingredients diba?" usal ko pa at hindi pa rin siya nililingon.

Nasa 5th floor kaya kami! Tapos wala pang elevator dito kasi di naman to sobrang sosyal na condominium. Kaya ayaw ko no! Nakakapagod.

"Nahulog yung spaghetti sauce sa bintana." kumakamot sa ulong sabi nito. So clumsy ate ha!

"Oh! Kasalanan mo na yun ate, ikaw na kumuha." pagmamatigas ko pa rin. "Saka baka nasira na yun. Antaas kaya natin." dagdag ko pa.

"Kapag di na pwede yun. Bili ka na lang  ng bago" sagot nito sa akin

"Ayaw ko!"

Narealize niya siguro na hindi niya ako mapapasunod sa pagmamakaawa at paglalambing niya sa akin kaya inayos na niya ang itsura niya.

Di naman kasi talaga mabait ate ko. Psh!

"Hoy ate ano ba!" sigaw ko ng bigla niyang hablutin ang cellphone ko.

Aish! Nakakainis!

"Susunod ka sa akin o ihuhulog ko rin 'to?" maotoridad niyang wika. Natakot naman ako na baka nga ihulog niya yung cellphone ko.

"Oo na, oo na!" pagsuko ko. "Akin na cellphone ko, dadalhin ko yan. Di pa tapos yung game e!" naiinis kong wika. Matatalo kami nito e.

"Dalian mo ha."utos pa nito at inabot na sa akin ang cellphone ko. Agad agad ko naman itong kinuha at buti na lang ay hindi ako namatay.

Padabog akong lumabas at naglalarong bumababa sa hagdan. Tingin sa step pagkatapos sa cp naman. Gawain ko para hindi ako mahulog.

Nang makababa na ay lumabas na ako ng building at tumigil muna saglit para tapusin ang game.

"Hahaha, Panalo pa nga." masaya kong wika. Whoo! Buti na lang dahil kung hindi baka mainis lalo ako kay ate. Utos utos pa e!

Hinanap ko naman ang bintana ng room namin at ng makita ito ay tumingin ako at saka dahan dahang ibinababa ang patingin. Tinatantya kung saan bumagsak yung spaghetti sauce. Aba! Kapag okay pa yun edi hindi ko na kailangan bumili  ulit at ipapangload ko na lang binigay na pera ni ate sa akin. Oh diba!

"Ay manok na pula" gulat kong turan ng makita ang isang lalaking kulay pula ang buhok.

Pula ito hindi dahil sa kinulay na bleach kundi dahil sa spaghetti sauce na nalagpak ni ate. Paktay!

May bench doon at doon siya nakaupo. Nasa may paanan niya yung balat ng spaghetti sauce. Gosh ate nakakahiya ka!

Napatingin ako sa itsura ng lalaki at mukhang hindi pa niya nalalaman ang kalagayaan niya ngayon. Busy siya sa kanyang cellphone at base sa tunog ay naglalaro rin siya ng ml.

Nilibot ko ang aking paningin at buti na lang ay walang tao kaya walang nakakapansin sa itsura niya ngayon.

Sasabihin ko ba sa kanya o hindi? E kasi baka snobin ako kapag kinausap ko. Busy na busy pa naman at saka mukhang masungit.

Naisipan kong wag na lang sabihin at dumiretso na lang ako para bumili ng spaghetti sauce.

Nang pabalik na ako ay napansin kong wala na yung lalaki sa pwesto niya kanina. Siguro inis na inis yun nung nalaman niya itsura niya.

Nagpatuloy na ako sa pagbalik ng room  namin at nang nasa pangalawang hagdan na ako biglang namang tumawag si ate.

"Problema mo?" masungit kong bungad dito.

"Ikaw! Asan ka na ba? Antagal ha." inip na inip nitong wika.

"Ito na nga po oh. Dalawang hagdan na lang, pwedeng maghintay pa? Pahulog hulog ng spaghetti sauce e."

"Di ko naman sinasadya yun. Dalian mo na!" sabi nito pagkatapos ay pinutol na ang tawag.

Magpapatuloy na sana ulit ako sa pagakyat ng may biglang humablot sa braso ko.

"Aray!" Napatingin naman ako sa may gawa nun at nakita ko yung lalaki kaninang ang sama ng tingin sa akin.

Ginawa ko?

Bigla naman nitong hinablot ang dala dala kong plastic at tiningnan ang nakalagay doon.

"Tsk. Don't you ever dare to drop this again." wika nito at pabatong ibinalik ang plastic sa akin. Mabuti na lamang at nasalo ko.

"Hindi ako yung nakalag-"

"Who cares?" pagputol nito sa paliwanag ko at tinaasan pa ako ng kilay. Psh! Masungit nga.

Nilagpasan ako nito at nakita kong pumasok ito sa isang kwarto sa 3rd floor. Kabuilding pala namin siya.

"Ang sungit! Akala mo kung sino. Hmp!" inis kong turan at nagpatuloy na sa pagakyat.

Pagkarating ko sa room namin ay inihagis ko lang kay ate ang spaghetti sauce at padabog na umupo sa sofa. Nakakabadtrip!

Binuksan ko na muli ang ml at iistart ko na sana ng may kumatok at ako pa ang pinagbukas ni ate.

Inis ko itong binuksan at mas lalo pa akong nainis ng makita ang nandun.

"Bakit ka andito?" masungit kong tanong.

"You should pay for what you've done." kibit balikat nitong sagot at dirediretsong pumasok sa loob. Aba! Hindi ko pa siya pinapayagaan.

"Hoy! Pinapapasok ba kita ha? Ang kapal ng mukha!" Singhal ko dito.

Hindi ako nito pinansin at kinuha ang cellphone ko na ibinaba ko kanina sa coffee table.

"Cellphone ko yan!" wika ko habang lumapit sa kaniya't pilit kinukuha.

"I know." maigsi nitong sagot. Aish nakakasar to!

Hindi niya binibigay sa akin at inalalayo pa niya lalo kaya hinayaan ko na lang dahil baka kung ano pa ang mangyare.

Pinanood ko na lamang ng kaniyang ginagawa at napansin kong hawak na rin niya ang cellphone at may kung anong pinipindot doon.

"Let's play a game." wika nito at pagkatapos ay inabot na sa akin ang cellphone niya.

What?

Napatingin ako sa cellphone ko at nakita kong matching up na.

"Time to eat! Hoy bruha ba't ang ingay dyan. May kausap ka ba?" tanong ni ate habang naglalakad papunta dito sa sala.

Napatigil naman ito ng makitang may ibang tao.

"Ang sabi ko lang spaghetti sauce, bakit pati may dessert?"

Napatingin naman ako sa kaniya at sinamaan ito ng tingin. Mabilis kong kinuha ang unan sa tabi at binato ito sa kaniya.

"Baliw! Manahimik ka nga."

One Shot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon