Pinapanood ko si mama na ng liligpit ng gamit, ngayon ang huling araw ko sa hospital na ito pinayagan na ako ng doctor lumabas pero wag daw ako mag pakapagod masyado.
Kinuha ko ang paborito kong libro sa lamesa at binuksan ko ito bumungad sakin ang tatlong lantang bulaklak isa itong senyales na kung gano ito kalanta ganun din katagal hindi ng pakita sakin si Zachary.
Mula ng makita nya kaming magkasama ni Jake ay hindi na sya ng paramdam sakin, hindi ko alam kung malulungkot ba ako o mas okey na din ito para hindi na ako malito.
Pero habang dumadaan ang araw na hindi ko sya nakikita ay mas lalong nangungulila ang puso na ito sa kanya. Pumasok sa isip ko na puntahan si Bea baka dumadalaw sa kanya ito pero iniisip ko palang na si Bea dinadalaw nya tapos ako hindi nasasaktan na agad ako.
Muli ko naalala ang mga mata nyang masamang nakatingin sakin nung araw na yun, minsan ko na nga lang makita ang mata nya sa ganung paraan pa.
Hindi ko naman maitatangi na lalo syang kumisig sa paningin ko ng makita ko ang mata nya.
Huminga ako ng malalim at nilagay ang libro sa bag ko at nasabi ko sa sariling hindi ko na sya makikita muli.
Pagdating namin sa bahay pinaakyat ako agad ni mama sa kwarto ko para makapag pahinga, gusto ko umalma dahil napakatagal ko ng nag pahinga.
Paghiga ko sa kama ko ay kinuha ko ang phone ko para sabihin kay Jake na nakauwi na kami hindi sya nakasama sa paghatid samin dahil may pasok sya.
Bigla kong naalala na pwede na ulit akong pumasok bukas, bigla ako na excite dahil makakapag aral na muli ako makikita ko na ulit ang mga classmates ko.
Kinabukasan ay maaga ako nagising dahil sa sobrang pagkasabik pumasok ng school. Naligo na ako at kumain ng agahan maraming binilin sakin si mama tungkol sa wag magpaka pagod.
Ngayon ay hinintay ko nalang si jake para sabay kaming pumasok ng marinig ko ang busina ng kotse ni jake ay ng paalam na ako kay mama tsaka kinuha ang bag ko bago lumabas.
"Babe!" sayang bati sakin Amara na nasa tabi ni jake.
"Hi Amara" bati ko sa kanya
Tumingin ako kay jake na nakasimangot na naman dahil sa narinig na naman ang 'babe' na tawag sakin ni amara.
Lumabas muna si amara para mauna akong pumasok para katabi ko si jake, pagtabi ko sa kanya ay niyakap ko sya agad
"Good morning love" malambing kong sabi sa kanya.
Naramdaman ko na hinalikan nya ako sa ulo ko "Good morning love"
"Guys, wag sa harap ko please"
Natawa lang kaming dalawa dahil sa reklamo ni amara.
Pagdating namin sa school ay hinatid ako ng dalawa sa room ko, pagkapasok ko palang sa room namin ay ang dami ng lumapit sakin at nangamusta. Isa na dito pia ang pinaka close ko sa lahat ng classmates ko.
"Akala ko hindi kana makakapasok kath, namiss kita"
mahigpit nya ako niyakap."A-h p-pia hindi a-ako makahinga"
Agad nya akong binitawan sa pagkakayakap at tumingin sakin na parang ng aalala.
"Nako sorry okey ka lang ba?"
Umaarte ako ng nasasaktan pero ng makita ko ang muka nya ay bigla akong natawa.
"Katherine! Nakakainis ka! Kinabahan ako!"
Tawa lang ako ng tawa sa kanya, muntik na kasi syang umiyak.
"Tawang tawa ka dyan" naiinis nyang sabi
Hayy, nakakamiss talaga pumasok sa paaralan na ito. Sa matagal na panahon akong namalagi sa hospital wala akong ginawa kung hindi magbasa at makinig ng musika.
Sobrang saya ko talaga ngayon na nakabalik ako dito at sobrang pasasalamat ko din kay hope dahil sa binigyan nya ako ng pagkakataong mabuhay.
Habang ng k-kwentuhan kami ni Pia ay bigla nalang sya napalingon sa pintuan kaya maging ako ay napalingon din.
Nakasuot sya ng panlalaking uniform sa paaralan namin ang bag nya ay nakasabit sa likod nya, nakakunot ang noo at seryosong pumasok sa silid.
Muli kong naramdaman ang mabilis na tibok ng puso ko na sa kanya ko lang nararamdaman. Ngayon ko nalang sya ulit nakita and now he's not wearing hoodie ang shades. Lalo syang kumisig sa paningin ko.
Sinundan ko ang bawat pag hakbang nya patungo sa upuan. Nakita ko syang tumingin sakin pero mabilis lang habang naka kunot ang noo nya. Nag malagpasan nya ako ay doon ako naka hinga ng maluwag hindi ko manlang namalayan na huminto pala ang paghinga ko.
Agad kong sinapo ang dibdib ko at pinakiramdaman ang tibok ng puso ko hindi ako makapaniwala na makikita ko muli sya at classmate ko pa sya!
"Ang gwapo nya no? Bagong classmate natin last week lang sya lumipat"
nakita ko ang kilig sa muka ni pia habang nakatingin sa dereksyon ni Zachary.Maging si Pia ay tinatablan ng pagka gandang lalaki nya hindi na ako magtataka dahil maging ang bata ay affected sa kanya.
Lilingon sana ako kay pia pero hindi sya ang nakakuha ng atensyon ko kundi ang mata masamang nakatingin sakin, pilit kong nilabanan ang tingin nya pero sa huli ako na rin ang sumuko dahil hindi ko kaya.
Narinig kong tumunog ang cellphone ko sa bag kaya kinuha ko ito pag tingin ko dito ay parang binuhusan ako ng malamig na tubig.
Zach:
Don't you dare to stare at me.Agad kong naramdaman ang kirot sa puso ko pag pikit ko kasabay nun ang luhang lumabas sa mata ko. Ano bang kasalanan ko? Why he's mad at me?
--
BINABASA MO ANG
Her Fragile Heart
Teen FictionKatherin Heart Martin & Luke Zachary Velazquez Start: October 14, 2019 - End: November 13, 2019