Today naisipan kong puntahan si Jake sa court dahil may practice sila ng basketball gusto ko syang panoorin.
Bago ako lumabas ng classroom ng paalam muna ako kay pia.
"Una na ako pia" sabi ko sa kanya
"Wag bata ka pa"
Sinamaan ko sya ng tingin ang corny talaga nya kahit kailan. Lumabas na ako tsaka dumaretso papuntang court.
Sa labas palang ng court rinig na ang ingay ng pag talbog ng bola pati na rin ang ingay ng mga players. Pag pasok ko hinanap agad ng mata ko si Jake pero agad ko itong pinagsisihan sana hindi ko nalang sya nakita.
Habang ang mga teammates nya ay ng lalaro sya naman ay nakaupo at nakikipag tawanan kay Nathalia ang Kapatid ni Darwin.
Masyado silang malapit sa isa't isa na hindi galawan ng isang magkaibigan. Buong akala ko naiinis sya kay Nathalia dahil palagi sya nito kinukulit pero ngayon mukang masaya sya sa mga kwento ni nathalia.
Mabilis akong tumalikod at hinawakan ang dibdib ko kung saan malapit ang puso ko, hindi masyadong maramdaman ang sakit pero ang utak ko sinasabing mali ang nakita ko na masakit ang nakita ko na hindi ito tama.
Akmang lalakad na sana ako ng biglang may humila sakin, si Zachary..
"Ano ba Zachary wag mo ako kaladkarin"
pilit kong inaalis ang mahigpit nyang kamay na nakakapit sakin.Hindi nya ako pinansin patuloy lang nya ako hinihila nasasaktan na ako sa hawak nya.
"Zachary bitawan mo nga ako" dito bigla syang tumigil at marahas nya akong binitawan.
"Ano pumasok sa kokote at pumunta ka doon ha?" Sa itsura nya ngayon kitang kita na inis na inis sya, lalo na ng guluhin nya ang sarili nyang buhok.
"Ikaw anong problema mo? Pupunta ako dun kasi nandun boyfriend ko!?" bulyaw ko sa kanya.
"Masaya kaba sa nakita mo? Nag pa-practice ba? O iba ang pinagpa-practicesan?"
Masama akong tumingin sa kanya gusto ko syang sampalin ngayon pero pinigilan ko ito kahit na masakit ang sinabi nya.
"Ano naman pakiilam mo? Diba ayaw mo na ako makita? Kahit nga tingnan ka ayaw mo, kahit hawakan ka ayaw mo?!"
Naramdaman kong ng init ang sulok ng mata ko at may luhang ng babadyang lubas dito.
"Sinabi ko bang ayaw kitang makita?"
Mahinahon lang ang pagkakasabi nya pero ang puso ko ay hindi kumakalma.
I bit my lower lip bago tumingin sa kanya ng seryoso.
"Bakit mo ito ginagawa?" halos bulong ko nalang ito sabihin.
Hinawakan nya ang dalawa kong kamay at mas nilapit ako sa kanya. Ngayon mas malapit ang muka namin kitang kita ko ang ngisi sa muka nya.
"Bakit mo ako hinila? Bakit mo ito ginagawa?"
muling tanong ko.Natigilan sya sa tanong ko maging ako hindi ko alam kung bakit ko ito tinatanong dahil una pala alam ko na ang sagot si Hope ang sagot sa lahat ng ito.
Hindi ba sya sasagot? Matagal ng karoon ng katahimikan saming dalawang na ganun ang posisyon.
"I just don't want to see you cry" daretso nyang sagot hindi manlang nya inaalis ang tingin sa mata ko.
Hindi ko na maintindihan ang tibok ng puso ko maging ang isip ko ay naapektuhan na rin.
"Ano?" yan nalang ang naging sagot ko.
BINABASA MO ANG
Her Fragile Heart
Roman pour AdolescentsKatherin Heart Martin & Luke Zachary Velazquez Start: October 14, 2019 - End: November 13, 2019