Chapter - 27

324 18 3
                                    

I liked to tell him that don't stay away from me pero nawalan ako ng lakas ng loob.

Dumating ang mommy ni Bea kaya ng pasya na kaming umalis. Buong biyahe walang ng salita saming dalawa hangang sa makarating kami sa bahay.

Ayun na yung chance ko para sabihin sa kanya na wag na nya ako iwasan ulit, na bumalik na kami sa dati at kung gusto nya ako patunayan nya pero hindi ko nagawang mag salita.

Group chat
MUKANG HALIMAW SI PIYAYA

Amara:
Piaaaa

Amara:
Kathhhhh

Pia:
Ohhhhh

Amara:
Mag game sila tara nood tayo!

Pia:
Kung sisilay ka lang naman wag mo kami idamay.

Amara:
Shut up!

Pia:
Okay G! How bout u kath?

Kath:
Sige daanan nyo ko dito.

Darwin:
Wag Kath matatalo na naman kami may mag papasikat na naman dito.

Pia:
Hmmm 🤔🤔

Amara:
🤔🤔🤔

Pinatay ko na ang phone at ng bihis ng komportableng suot. I'm wearing maong short and white over size shirt pero kita parin naman ang short ko.

Lumabas na ako ng marinig ko ang sigaw ni pia tsaka dumaretso kami sa court.

"Bakit lagi nila kalaban si Zachary?" tanong ni pia

"Para daw match ang laban hindi sila pwedeng mag kakampi ni Jake lugi ang kalaban"

Pinanood namin ang laban paminsan minsan sumisigaw sila Amara at Pia para i-cheer ang mga kaibigan namim pero si pia more on pangaasar sya kay Darwin.

"Go Darwin! Ututan mo si Zachary!!"

Sigaw ni pia na ikinatawa naming mga nakarining mukang ng init ang ulo ni Darwin kay sinamaan nya ng tingin si Pia pero dinilaan nya lang ito.

Natapos ang game muling nanalo ang team nila Zachary at mukang luging lugi na naman ang muka si Darwin.

"Sabi ko sayo ututan mo eh" biro ni pia

Dahil sa sinabi nya hinabol sya ni Darwin at pinapaamoy ang kili kili nya dito. Tawa lang kami ng tawang apat sa kanilang dalawa.

Hangang sa may narinig kaming may tumunog na phone. Napatingin ako sa dereksyon ni zachary kinuha nya ang phone nya sa bag nya at binasa ang ng text doon.

Patakbo syang lumabas ng hindi manlang ng papaalam sa amin. Hindi ko napigilan ang sarili kong sundan sya.

Nang tuluyan na ako nakalabas ay hinanap ko agad si Zachary naabutan ko syang may sinalubong na isang babae sya yung babaeng nasa hospital.

Nanlamig ako ng bahagyang inayos ng babae ang buhok ni Zachary. Iiwas ko na sana ang tingin ko sa kanila ng umangat ang tingin sakin ni Zachary.

Her Fragile Heart Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon