Chapter - 16

341 21 4
                                    

Tuluyan ng nawala ang sakit ko pagkagising ko kaya pumayag si mama na pumasok ako.

Pagdating ko sa classroom si pia at ang napaka dami nyang tanong ang bumungan sakin.

"Totoo ba na break na kayo? Omg kala ko forever na kayo"

"Eh bakit may paghatid sayo si Zachary sa clinic?"

Sinamaan ko sya ng tingin "Oo pia maayos na ang pakiramdam ko wala na akong sakit"
sarcastic kong sabi sa kanya.

"Eto naman ng tatanong lang, buti naman at okay kana" nag aalala nyang sabi.

"Pero ano nga bakit kayo ng break?" muli nyang tanong.

Hangat maari ayoko ipaalam sa kanila ang dahilan kung bakit kami ng hiwalay ni Jake, ayoko sumama ang tingin nila sa kanya.

Hindi ko sya sinagot kaya sumimangot sya.
"Pero okay ka ba?" malungkot nyang tanong.

"I'm not okay, but it's okay" pilit akong ngumiti.

Nakakaawa nya ako tiningnan pero ngumiti lang ako sa kanya "Wag na natin pagusapan yun"

Agad naman nya iniba ang usapan. Minsan natutuwa din ako sa kadaldalan ni Pia eh nakakalimutan ko ang problema ko. Naputol ang usapan namin ng pumasok si Zachary at huminto sa tapat namin.

"Pwede na tayong mag-usap?" he said

Tiningnan ko si Pia na ngayon ay parang hindi makahinga dahil nasa harap namin si Zachary.
Sasagot na sana ako ng biglang dumating ang teacher namin kaya wala syang nagawa kundi pumunta sa upuan nya.

"Oh my ghad. May kailangan ka ikwento sakin friend" exaggerated nyang sabi.

Tinuon ko ang atensyon ko sa teacher namin at sa mga lessons namin. Kailangan ko malibang kaya aabalahin ko ang sarili ko sa pagaaral.

Natapos na ang klase ay lumabas kami ni pia para pumunta sa canteen pero pagkalabas ko ay hinarang ako ni Jake, mukang kanina pa sya ng hihintay sa labas ng room namin.

"Love pwede ba tayong mag usap?" he asked

Kung noon ay masarap sa pandinig ko pag tinatawag nya akong love pero ngayon hindi na.

"Ano gusto mo pagusapan?" seryosong tanong ko sa kanya.

"Please bigyan mo ako ng isa pang chance aayusin ko ang sarili ko kath" nagsusumamo nya sabi sakin.

Tiningnan ko sya sa mata nya kita ko ang pagsisisi dito pero huli na ang lahat at kapansin pansin dito ang mga pasa sa muka nya.

"Nasaktan na ako jake ayaw ko na maulit yun"

"Kaya mo yan na sasabi sakin kasi galit ka pero hayaan mo naman--"

Mabilis kong pinutol ang paliwanag nya at tumingin ng deretso sa kanya.

"No jake. I don't hate you, I'm just dissapointed you turned into everything you said you'd never be. Sinayang mo"

Tumalikod na ako at iniwan sya doon. Hindi alintana sakin ang mga matang nakatingin samin dalawa kanina gumagawa na naman kami ng eksena kaya hindi na ako ng taka na alam ng lahat ang hiwalayan namin.

Nag lalakad ako papuntang canteen hindi ko alam kung nasan si Pia. Naagaw ng atensyon sa pakiramdam na may sumusunod sakin lumingon ako dahil buong akala ko si Pia yun pala si zachary.

"Bakit sya ang bilis lang sayo na kausapin mo sya pero sakin bakit napaka hirap?"

Hindi ako nakagalaw sa kinatatayuan ko feeling ko isa pang hakbang ko ay matutumba ako dahil sa panlalambot ng aking tuhod dulot ang titig nya sabayan mo pa ng mga salitang lumabas sa bibig nya.

"What are you talking about?" naguguluhang sagot ko

Lumapit sya muli sakin at hinawakan ang braso ko tsaka ako hinila papuntang canteen.

"Kumain ka muna, bilin yan ng mama mo"

Hinayaan ko syang hilahin ako dahil kahit mag pumiglas ako mukang hindi ako makakatakas sa kanya. Ganun na ba sila ka close ni mama?

"Kaya kong pumunta sa canteen mag isa"

Hangang sa ng karoon ako ng lakas para muling mag salita. Inalis ko ang kamay ko sa pagkakahawak nya tsaka mag isang pumasok sa canteen. Hinanap ko agad ng mata ko si Pia at nakita ko syang katabi si Amara.

Mabilis akong umupo sa tabi ni Amara at masamang tumingin kay pia.

"Hindi mo manlang ako hinintay!"

"Akala ko kasi mahabang paguusap pa ang gagawin nyo eh naguguton na ako friend"

Halata ngang gutom sya kasi naka order na sya hindi talaga ako hinintay.

"Ako na bibili ng pagkain" tumayo si Amara.

Pagdating ni Amara dala dala nya ang pagkain naming dalawa. Kinuha ko ang akin tsaka mabilis itong kinain, napansin ko syang tumitingin sa dereksyon ni Jake na magisang nakaupo sa dulong parte ng canteen.

"Sige na puntahan mo na after all bestfriend mo parin sya" bukal sa puso kong sabi sa kanya

Tumingin muna sya sakin na parang na ninigurado agad naman ako tumango sa kanya. Kinuha nya ang pagkain nya at tuluyan ng pumunta kay jake.

Ayoko naman maging hadlang sa pagkakaibigan nila dahil una palang sila ang magkaibigan ang isa't isa nalang ang maasahan nila.

Tinapos ko na ang pagkain ko ng biglang may tumabi sakin at may nilapag sa gilid ang lamesa.

"Gamot mo"

Lumingon ako sa tabi ko nakita ko ang seryosong muka ni zachary habang nakatingin sa gamot na nilapag nya tumingin naman ako kay pia na muntik ng bilaukan kaya mabilis ko syang inabutan ng tubig.

"Kailan pa kita naging personal nurse?" i asked

"Nakalimutan mo daw yan sa bahay nyo kaya ako ang tinawagan ng mama mo"

Mama! Sa daming pwedeng kontakin si Zachary pa jusko!

"Salamat" sabi ko nalang.

Well hindi ko naman sya masisisi kung bakit nya ito ginagawa para to kay hope, gamot ito sa puso ni hope.

"Gamot mo, hindi gamot ni hope"

Muntik ko na ibuga ang tubig na iniinom ko at nagtatakang tumingin sa kanya dahil parang nababasa nya ang isip ko.

"Anong pinagsasabi mo?" pagmamaang maangan ko.

"Alam ko na yang nasa isip mo" sabi nya sakin tsaka ngumisi.

Aba! Kung maka ngisi to kala mo hindi ako sinaktan kahapon ah.

Sinamaan ko sya ng tingin at binaling ko ang tingin ko kay pia na naguguluhan saming dalawa.

Pagkatapos ko mainom ang gamot ay tumayo na ako at hinili si pia na hangang ngayon ay tulala.

"Oh my god, totoo ba ang nakita ko? Ngumiti sya ? Ngumiti sya sayo? Oh my god! How to be you?"

I rolled my eyes "Hindi mo gugustuhin maging ako"

Hindi pa kami nakakarating sa classroom ng may ng salita ulit sa likod ko.

"May utang kapa sakin. Mag usap tayo mamayang uwian"

Inaamin ko na iniiwasan ko sya at ayaw kong makipagusap sa kanya dahil konting salita nya ay bumibigay na agad ang puso ko..
--

Anyway Happy 1st Anniversary KyCine! Super late na ako bumati hihihi ♡

Her Fragile Heart Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon